Nilingon ni Kute ang nasusunog na bahay bago siya tuluyang umalis sa lugar na iyon. Kanina, pinahirapan niya muna si Ralph ng todo para maipaghiganti ang mga babaeng sinaktan nito ng dahil sa kanyang buktot na pagmamahal para kay Carlitos.
Halos hindi na makilala ni Kute si Ralph matapos niyang parusahan ito at habang buhay pa ito at humihinga, sinimulan na niyang sabuyan ng gasolina ang bahay. Panay ang ungol ni Ralph dahil alam na niya ang gagawin ni Kute pero dahil nakatali siya at hinang-hina, wala na siyang magawa kung hindi hintayin ang kamatayan niya.
Mabilis na pinaandar ni Kute ang motorsiklong dala niya at bago siya umalis ay nakausap na niya si Jazz na nasa mansion na. Okay pa daw ang lahat at hanggang ngayon natutulog pa rin daw si Carlitos.
Sa resort ni Troy siya nagpunta dahil tinawagan niya na ito kanina pa. Miss na miss na niya si Troy at konting panahon na lang, makakasama na niya ito. Konting tiis na lang, magagawa na nila ang plano para mailigpit si Carlitos dela