ALENA
Pakiramdam ko pinagpawisan pati kamay at kili-kili ko ng makita kong dumirecho ng counter sila Justine. Hindi ko alam ang aking gagawin.
Lalo akong kinabahan ng luminga-linga sa paligid si Marco. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nito ng mapansin niya ako. Puno ng pagtatakang napatitig ito sa akin.
Kapagkuwan ay nakita kong kinalabit at bumulong kay Justine. Agad akong nag-iwas ng tingin at dumako ang titig ko sa aking mga bodyguards na noon ay matamang nagmamatyag sa paligid.
"Alena?" bahagya pa akong napakislot ng marinig ang boses ni Justine na tinatawag ako. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at huminga ng malalim bago ko ibinaling ang tingin dito. Nakita ko ang pananabik sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. Agad kong hinagilap ang aking bag at inilagay sa aking harapan. Ayaw kong mapansin nito ang aking tiyan. Ayaw kong malaman nito na nagdadalantao ako.
Saglit lang akong tumingin dito at iniwas ulit ang aking mga mata sa kanya. Ayaw ko siyang pansinin. Gusto