CHAPTER seven
“ANG PAG-AMIN”
"ANO? Pinainom mo siya ng dugo mo kaya siya tuluyang gumaling?" Gulat na gulat si Tiana nang sinabi niya rito kung ano ang ginawa niya para lamang maisalba ang buhay ni Lana.
"Mukhang tama nga ang hinala mo. Mukhang iniibig ko nga ang babaeng iyon. Alam mo, kasalanan mo ito, e. Kung hindi mo ako binigyan ng idea, hindi ko maiisip na baka posibleng gano'n nga ang narararamdaman ko para sa walang kwentang 'yon!" galit na sabi niya.
"Kahit na hindi kita binigyan ng idea ay marerealize mo rin 'yan pagdating ng panahon. At ngayong nalaman mo na ang totoo, siguro naman ay hindi na matutuloy ang kasal natin?" tanong ni Tiana.
"Iniisip mo ba na magbabago ang isip ko na magpakasal sa 'yo nang dahil lang sa babaeng iyon? Wala siyang maitutulong para sa ikayayaman pa lalo ng mga palasyo natin. At gusto mo ba na pagtawanan ako ng mga kapwa nating bampira kapag nalaman nila na umiibig ako sa isang hamak na tao lang?"
Sarkastikong napatawa si Tiana dahil sa sinabi niya. "Halos mamatay si Lana dahil sa kagagawan ng mga 'kaibigan' mo. Muntikan na siyang mawala sa 'yo pero hanggang ngayon ay ganyan ka pa ring magsalita? Huwag mong sabihin na hindi man lang magbabago ang pakikitungo mo sa kanya? Huwag mong sabihin na tatratuhin mo pa rin siyang parang isang basura?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tiana.
"Hindi ako makapaniwala na nanggagaling sa bibig mo ang mga salitang iyan. Alam kong pusong mamon ka pero ngayon ka lang nagkaroon ng pakialam sa pakikitungo ko sa kahit na sinong naging alipin ko."
"Dahil naiiba si Lana sa kanila. Hindi lang siya isang pangkaraniwang alipin dahil iniibig mo siya, hindi ba? Naniniwala ako na mapagbabago ka niya!"
Siya naman ang natawa sa sinabi nito. Tumayo na siya mula sa kinauupuang sofa.
"Huwag mo akong mamaliitin, Tiana. Mas mahalaga sa akin ang kaharian kaysa sa pag-ibig na nararamdaman ko para sa babaeng iyon. Hindi ako kasing hina ninyo ni Stefan at mas lalong wala akong planong maging katulad ninyo. Nakukuha ko naman ang gusto ko kay Lana kahit pa hindi niya malaman o ninuman na iniibig ko siya. Sa ayaw at sa gusto niya ay akin siya kaya hindi na mahalaga ang opinyon niya tungkol sa akin," nakangising sabi niya.
Binuksan na niya ang pinto para umalis pero bago pa man niya maisara iyon ay muling tinawag ni Tiana ang pangalan niya.
"Huwag mong hayaang dumating ang panahon na magsisi ka sa lahat ng mga masasamang bagay na plano mo pang gawin kay Lana. Masyado mo na siyang pinahirapan at inabuso, ngayong inamin mo na sa sarili mo na mahal mo siya, sa tingin ko ay mas makabubuti para sa 'yo na bumawi sa lahat ng mga nagawa mo na sa kanya. Huwag mo nang dagdagan pa ang mga kasalanan mo dahil kapag ginawa mo pa iyon, baka kahit na kailan ay hindi ka na niya mapatawad pa..." sabi pa nito na nagpatigil sa kanya pero maya-maya ay umalis na rin siya sa guest room.
Isang malaking kalokohan. Pagmamay-ari ko si Lana kaya magalit man siya sa akin o hindi ay makakasama ko pa rin siya at mananatili siya sa tabi ko hanggang gusto ko. Hindi niya kailangang malaman na mahal ko siya. Para saan pa? Gayong ako naman ang nagmamay-ari sa kanya?
Iyon ang tumatakbo sa isipan ni Wayne. Alam niya na mas makabubuti rin naman para kay Lana na hindi nito malaman ang totoo nang sa gano'n ay hindi ito mapag-initan ng hari at ng iba pang mga bampira sa society nila. Maaari niyang itago ang feelings para kay Lana sa pamamagitan ng pagpapakasal kay Tiana. Kahit ano namang mangyari ay makakasama pa rin naman niya ito kahit pa magkaasawa na siya.
Malapit na siya sa kwarto niya nang mapansin niya na nakaabang si Prince Stefan. Ang nakakatanda niyang kapatid na halatang naghahantay sa kanya sa ituktok ng hagdan.
Final Chapter Part 2: My Master Is No Longer A MonsterWritten By: Cristina de LeonMATAPOS ang labang iyon ay iginalang naman ng Slavery District ang resulta ng laban. Dahil siya ang nanalo, ayon sa mga ito, ang hatol niya bilang isang 'traydor' na tumulong sa mga alipin ay nakasalalay na lamang sa magiging desisyon ng hari.Kaya naman ng araw ding iyon ay nagbalik sila sa Wayne Kingdom. Para lamang magulat nang malaman na patay na pala ang kanyang amang hari kaya naman wala ng hahatol pa sa kanya. Ang hari ay natagpuan sa kwarto nito na nalulunod sa sarili nitong dugo. Ginamit ni Chaos ang espada nito para patayin ang ama niya. Mabuti na lamang at may nakakita rito na lumabas ng kwarto kaya nalaman ng lahat na ito ang salarin."Napakawalangya talaga ng lalaking iyon! Pati ang ama ko ay hindi niya pinatawad sa galit niya sa akin!" galit na sabi ni Wayne."Sa tingin ko, pinatay niya ang hari bago pa m
Final Chapter: Ang Katapusan Ng KasamaanWritten By: Cristina de LeonNAGPUNTA sila sa isang kalbong kagubatan para isakatuparan ang laban na naisip ni Wayne para sa pag-ibig ni Lana. Naroon din si Lana at ang buong Slavery District na medyo may kalayuan ang distansya mula sa kanila, pero kahit ganoon ay mapapanood pa rin ng mga ito ang labanan nila.Dahil sa isang kalbong kagubatan siya dinala ni Chaos ay wala siyang makitang kahit anumang bagay doon na maaaring gamitin niya para paganahin ang kapangyarihan niya na magkontrol ng kahit anumang bagay. Mukhang pinag-isipan talaga ni Chaos ang labang ito. Kung wala siyang mapapagalaw na kahit ano ay magiging dehado siya sa laban. Dahil ang mga bagay sa paligid ang madalas na ginagamit niyang sandata sa tuwing nakikipaglaban siya."Uulitin ko lang ang sinabi ko sa 'yo kanina, Wayne. Ang espadang hawak ko ngayon ay hindi mo mapapagalaw dahil nasa il
Chapter 21.2: Ang Pag-AminWritten By: Cristina de Leon"Pero nag-iba ang pananaw ko sa mundo ng makilala kita, Lana. Palagi kong iniisip noon na mahina sina Stefan at Princess Tiana dahil kaya nilang magmalasakit sa iba pero nang makilala kita ay napagtanto ko na iyon pala ang tunay na kabuluhan ng buhay. Iyong maprotektahan mo ang taong minamahal mo at gawin ang kahit ano para maging ligtas lang sila. Iyong malungkot o matakot kapag nalaman mo na nasa peligro ang buhay nila. Naalala mo pa ba no'ng muntikan ka nang mamatay ng dahil sa mga naging bisita ko sa palasyo na sinaid ang dugo mo? Doon ko unang naranasan na makaramdam ng isang tunay na takot, Lana. Kaya oo, nararamdaman at naiintindihan ko kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon!" Sa pagkakataong ito ay siya naman ang sumigaw at si Lana naman ang natigilan."I'm sorry, Wayne. Hindi ko dapat sinabi sa 'yo 'yun. Ang sabi ko noon, pinapatawad na kita pero dahil
Chapter 21.1: Ang Malamig Na KwebaWritten By: Cristina de LeonHINABOL ni Wayne si Lana na ngayon ay papasok na sa baryo ng mga ito. Nasa bukana pa lamang sila ng malaking pintuan ng baryo pero may nakasalubong na agad silang mga taga Slavery District.Hindi nagdalawang isip ang mga taga Slavery District, sinugod siya ng mga ito ng mga patalim at baril na para bang hindi siya nakikilala bilang magiging susunod na hari ng Wayne Kingdom."Ano'ng ginagawa n'yo? Nakikilala ny'o ba kung sino ako?! Ang lalakas naman ng loob n'yo!" sabi niya sa pagitan ng pag-iwas sa mga ito. Nagawa pa niyang salagin ang balisong na hawak ng isa."Naging traydor ka simula nang iwan mo ang trono para sa babaeng 'yan!""Tama! Hindi ka na karapat-dapat para maging hari!""Si Prince Chaos na ang susundin namin simula ngayon!"Sunod-sunod na sabi ng mga ito sabay mas lalo pang pinag-igtinginan ang pagsugod s
Chapter 20.2: Ang Nakaraan Ng PrinsepeWritten By: Cristina de Leon"Wayne, hindi ka pa ba nagugutom? May dala ako para sa 'yo." Lumapit na siya kay Wayne at para pa itong nakakita ng multo sa gulat nang makita siya kaya naman natawa siya. "Naging masyado ka na yatang magugulatin? Bakit? Nahihiya ka ba na nakita kita na naglalaba rito?" pagbibiro niya.Ngumiti na rin ito. Tinabihan na niya ang lalaki sabay inilabas sa basket ang mga dala niyang kanin at ulam."Galing sa mama ko ang mga ulam na ito, Wayne. Nagluto siya para pasalamatan ka dahil sa ginagawa mo para sa amin. Ang mga taong bayan naman, nakunsensya ng sinermunan ng mama ko. Ang sabi niya, hindi ka raw dapat inaabuso. Wala na raw kaming pinagkaiba sa mga bampira na matagal nang nagpapahirap sa amin kung wala rin lang kaming gagawin kundi ang alilain ka rin. Ayun, nakunsensya yata sila kaya nang malaman nila na dito ako pupunta ay nagpadala sila ng
Chapter 20.1: Ang PagbabagoWritten By: Cristina de LeonNAGULAT si Lana nang makita si Wayne sa labas ng bahay nila kinabukasan. Nagsisibak ito ng kahoy at maraming binubuhat na mabibigat!"Master Wayne, bakit narito pa po kayo?" gulat na tanong niya. Ang akala niya ay umalis na ito."Ang akala mo ba ay basta na lang ako susuko sa 'yo? Asawa kita, kahit na hindi mo ako mahal ay hindi kita pwedeng iwan. Siguro nga para sa 'yo ay wala lang iyong kasal na naganap pero para sa akin ay sagrado iyon kahit pa may saling ketket. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako minamahal, Lana. Dito lang ako sa tabi mo," nakangiting sabi nito.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi nito. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na talagang seryoso ito na manatili roon para sa kanya."Hindi magiging madali para sa 'yo kung dito ka titira. Alam mo naman na matagal ng pinapah