Home / Mystery/Thriller / My Master Is A Monster (Tagalog) / Chapter 7.2: Ang Paghingi Sa Alipin

Share

Chapter 7.2: Ang Paghingi Sa Alipin

last update Huling Na-update: 2020-11-21 14:33:11

"Maaari ba tayong mag-usap?" seryosong tanong nito.

Nagtaka naman siya. Matagal na rin simula nang huli silang mag-usap ng kapatid kaya talagang napapaisip siya kung ano ang maaaring pag-usapan nila ng lalaki. Nagbago na ba ang isip nito na ipaubaya sa kanya ang trono ng pagiging hari? Ito ang panganay na lalaki at ayon sa batas, ito dapat ang maging tagapagmana ng korona unless na lang kung ito mismo ang tumanggi sa posisyon. Pinalabas ng hari noon na si Prince Stefan ang ayaw maging tagapagmana kaya siya ang naging crown prince. Pero alam niya na anumang oras, kapag ginusto ni Prince Stefan ay maaari nitong kunin ulit ang pagiging crown price mula sa kanya hanggang hindi pa siya nagiging ganap na hari.

"Ano ang pag-uusapan natin? Tungkol ba ito sa pagiging hari?" Iyon agad ang tinanong niya nang dalhin siya nito sa isang lugar kung saan walang tao. Sa bahagi ng palasyo na maraming puno at may swimming pool.

"Wala akong interes na maging hari, alam mo 'yan. Pero lately ay nagkaroon ako ng biglaang interes sa isang bagay na pag-aari mo, kapatid ko," sabi nito.

Nakahinga siya ng maluwag na nalaman na hindi ang pagiging hari ang gusto nitong kunin mula sa kanya dahil kung iyon ang gusto nito ay siguradong magkakaroon ng digmaan sa pagitan nila kahit pa na magkapatid sila. Kilala niya ang ina niya, alam niya na ipipilit nito na siya pa rin ang maging tagapagmana. At ang ina naman ni Stefan ay lalakas din ang loob na labanan sila kung gugustuhin ng kapatid niya ang trono.

Nagpapaubaya lamang ito dahil sa kagustuhan na rin ni Stefan. Mas mahalaga kasi sa ina ni Stefan ang kagustuhan ng anak kaysa sa kapangyarihan.

Si Stefan ang isa sa pinakahahangaan niyang bampira sa buong mundo kahit pa na mahina ang tingin ng karamihan dito dahil na rin sa pagiging pusong mamon nito. Kahit siya ay kinaiinis na masyado itong mabait pero hindi naging hadlang iyon para magkaroon siya ng mataas na respeto para rito. Lumaki siya na si Stefan ang naging inspirasyon niya para maging magaling sa lahat ng aspeto ng bagay. Gusto niyang matalo ito pero hindi niya magawa. Palaging ito ang nangingibabaw pagdating sa katalinuhan at iba pang bagay. Iyon nga lang, ang kabaitan nito ang nagpabagsak dito. Hindi ito marunong makipaglaban at hindi dominante. Bagay na mahalagang maging katangian ng isang hari. Kaya naman kahit mas matalino at mas magaling ito kaysa sa kanya ay siya pa rin ang ginusto ng ama nila para maging hari.

Alam niya na wala namang interes si Stefan na maging hari pero nagkaroon pa rin ng lamat ang dati nilang magandang samahan. Iyon ay dahil imbes na ito ay sa kanya na itinakda na ipakasal ang babaeng pinakamamahal nito. Si Prinsesa Tiana...

"May gusto kang bagay na pag-aari ko?" ulit niya sa sinabi nito.

"Oo. At kung iyong mamarapatin, gusto ko sana na ibigay mo sa akin iyon ng walang pag-aalinlangan. Sa tingin ko naman ay walang halaga sa 'yo ang bagay na iyon kaya madali mo lang na maibibigay, hindi ba?" sabi pa nito.

Ngumiti siya. Isa ito sa mga nilalang na kaya niyang bigyan ng isang tunay na ngiti. Ang nag-iisa niyang kapatid.

"Walang problema. Kahit ano'ng hilingin mo ay ibibigay ko. Sabihin mo lang, kuya," sabi niya.

"Talaga? Kahit ano?" Bigla itong humarap sa kanya. Hindi niya alam pero parang bigla siyang kinabahan sa sinabi nito pero syempre, ito na ang pagkakataon para magkaayos sila ulit ng kapatid kaya handa niyang ibigay ang kahit ano.

"Oo naman. Kahit ano. Sabihin mo lang, kapatid ko," sabi niya.

"Kung gano'n ay maaari mo bang ibigay sa akin ang iyong alipin?"

Halos mapanganga siya sa sinabi nito. Si Lana ang gusto nitong kunin?!

"Gusto mong magkaroon ng alipin? Walang problema, ibibili kita ng isang alipin sa Slavery District. Sisiguraduhin ko na makakapili ako ng pinakamagandang alipin para sa 'yo," sabi niya.

"Ayoko ng ibang alipin, Wayne. Si Lana ang gusto ko. Siya lang. Gusto kong ibalik mo siya sa Slavery District nang sa gano'n ay mabili ko siya ulit. Sa ganoong paraan, maireregister ang pangalan ko bilang opisyal na master niya."

Hindi siya makapaniwala sa narinig. Talaga ngang si Lana ang gusto nitong kunin!

"Hindi ko maintindihan, paano mong nalaman ang pangalan ni Lana?" nagtatakang tanong niya.

"Importante pa ba iyon, Wayne? Aaminin ko, masyado akong nabroken hearted nang malaman ko na kayo ni Princess Tiana ang gustong ipakasal ng mahal na hari pero nang makita ko si Lana ay naging mas madali para sa akin ang makamove on. Ewan, mukhang na-love at first sight yata ako sa kanya. Hindi siya mawala sa isip ko kaya ipinagtanong ko sa mga tagasilbi ng palasyo ang pangalan niya. Hindi na ako ang magiging hari kaya maaari kong mahalin ang kahit na sinumang naisin ko, hindi ba? Alipin lamang siya para sa 'yo pero handa akong pakasalan siya sa kahit saan pang simbahan at hindi ko magagawa iyon kung nakatali siya sa 'yo bilang master niya. Ano, Wayne pumapayag ka na ba?" nakangising tanong nito.

Naikuyom niya ang kamao niya. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang kapatid niya na mahal na mahal niya at iniidolo niya ay tila naging demonyo sa paningin niya. Katulad niya ay umiibig din ito kay Lana at nais nito na agawin ang babae sa kanya? Hindi siya makapapayag!

Kahit na galit na galit ay pinilit niyang magpakalma. Pilit niyang pinapaalala sa sarili na kapatid niya ang nasa harapan niya ngayon.

"Sorry, kuya pero hindi pwede. Hindi ko pwedeng ibigay sa 'yo si Lana," sabi niya na tumalikod na para iwan ito.

"At bakit, hindi? Sinabi mo kanina na handa kang ibigay kahit ano, hindi ba? Madali ka lang na makakakuha ng bagong alipin sa Slavery District, ano'ng pinagkaiba ni Lana?"

Hindi siya nakasagot. Parang napikon na rin si Stefan.

"Sinabi ko na sa 'yo na mahal ko si Lana at hindi lingid sa akin na pinapahirapan mo siya. Hindi na ako makapapayag ngayon na gawan mo pa siya ulit ng masama, Wayne! Ibigay mo na lang siya sa akin dahil mas maaalagaan ko siya kaysa sa 'yo!" pagsigaw na nito.

Hindi na siya nakapagpigil at nabigyan niya ng isang malakas na suntok ang kapatid.

"Kahit patayin mo pa ako ay hinding-hindi ko ibibigay sa kahit na sino si Lana! Akin lang siya at hindi ako makapapayag na may umagaw sa kanya kahit ikaw pa na kapatid ko! Kapag pinilit mo pa ang gusto mo ay hindi ako mangingimi na tapusin ang buhay mo!" Sa pagkakataong ito ay lumabas na ang pagiging masama niya. Wala na siyang pakialam pa ngayon kung ang nirerespeto niyang kapatid ang nasa harapan niya ngayon. Walang makaaagaw sa kanya kay Lana! Wala kahit na sino pa man iyon!

Galit na galit na umalis na siya sa lugar na iyon at umakyat muli pabalik sa kwarto niya kung saan niya iniwan si Lana.

Malakas ang kutob niya na nakikipag-usap si Lana sa kapatid niya. Sa madaling salita ay sinuway nito ang utos niya na huwag makikipag-usap sa kahit na sinong lalaki.

Ngayon ay parang gusto na niyang sumabog sa sobrang galit. Makikita ni Lana kung ano ang hinahanap nito. Kailangan niya itong parusahan dahil sa ginawa nito!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Marie Perez
pa update po ng chapter pls
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Final Chapter Part 2: My Master Is No Longer A Monster

    Final Chapter Part 2: My Master Is No Longer A MonsterWritten By: Cristina de LeonMATAPOS ang labang iyon ay iginalang naman ng Slavery District ang resulta ng laban. Dahil siya ang nanalo, ayon sa mga ito, ang hatol niya bilang isang 'traydor' na tumulong sa mga alipin ay nakasalalay na lamang sa magiging desisyon ng hari.Kaya naman ng araw ding iyon ay nagbalik sila sa Wayne Kingdom. Para lamang magulat nang malaman na patay na pala ang kanyang amang hari kaya naman wala ng hahatol pa sa kanya. Ang hari ay natagpuan sa kwarto nito na nalulunod sa sarili nitong dugo. Ginamit ni Chaos ang espada nito para patayin ang ama niya. Mabuti na lamang at may nakakita rito na lumabas ng kwarto kaya nalaman ng lahat na ito ang salarin."Napakawalangya talaga ng lalaking iyon! Pati ang ama ko ay hindi niya pinatawad sa galit niya sa akin!" galit na sabi ni Wayne."Sa tingin ko, pinatay niya ang hari bago pa m

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Final Chapter Part 1: Ang Katapusan Ng Kasamaan

    Final Chapter: Ang Katapusan Ng KasamaanWritten By: Cristina de LeonNAGPUNTA sila sa isang kalbong kagubatan para isakatuparan ang laban na naisip ni Wayne para sa pag-ibig ni Lana. Naroon din si Lana at ang buong Slavery District na medyo may kalayuan ang distansya mula sa kanila, pero kahit ganoon ay mapapanood pa rin ng mga ito ang labanan nila.Dahil sa isang kalbong kagubatan siya dinala ni Chaos ay wala siyang makitang kahit anumang bagay doon na maaaring gamitin niya para paganahin ang kapangyarihan niya na magkontrol ng kahit anumang bagay. Mukhang pinag-isipan talaga ni Chaos ang labang ito. Kung wala siyang mapapagalaw na kahit ano ay magiging dehado siya sa laban. Dahil ang mga bagay sa paligid ang madalas na ginagamit niyang sandata sa tuwing nakikipaglaban siya."Uulitin ko lang ang sinabi ko sa 'yo kanina, Wayne. Ang espadang hawak ko ngayon ay hindi mo mapapagalaw dahil nasa il

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 21.2: Ang Pag-Amin

    Chapter 21.2: Ang Pag-AminWritten By: Cristina de Leon"Pero nag-iba ang pananaw ko sa mundo ng makilala kita, Lana. Palagi kong iniisip noon na mahina sina Stefan at Princess Tiana dahil kaya nilang magmalasakit sa iba pero nang makilala kita ay napagtanto ko na iyon pala ang tunay na kabuluhan ng buhay. Iyong maprotektahan mo ang taong minamahal mo at gawin ang kahit ano para maging ligtas lang sila. Iyong malungkot o matakot kapag nalaman mo na nasa peligro ang buhay nila. Naalala mo pa ba no'ng muntikan ka nang mamatay ng dahil sa mga naging bisita ko sa palasyo na sinaid ang dugo mo? Doon ko unang naranasan na makaramdam ng isang tunay na takot, Lana. Kaya oo, nararamdaman at naiintindihan ko kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon!" Sa pagkakataong ito ay siya naman ang sumigaw at si Lana naman ang natigilan."I'm sorry, Wayne. Hindi ko dapat sinabi sa 'yo 'yun. Ang sabi ko noon, pinapatawad na kita pero dahil

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 21.1: Ang Malamig Na Kweba

    Chapter 21.1: Ang Malamig Na KwebaWritten By: Cristina de LeonHINABOL ni Wayne si Lana na ngayon ay papasok na sa baryo ng mga ito. Nasa bukana pa lamang sila ng malaking pintuan ng baryo pero may nakasalubong na agad silang mga taga Slavery District.Hindi nagdalawang isip ang mga taga Slavery District, sinugod siya ng mga ito ng mga patalim at baril na para bang hindi siya nakikilala bilang magiging susunod na hari ng Wayne Kingdom."Ano'ng ginagawa n'yo? Nakikilala ny'o ba kung sino ako?! Ang lalakas naman ng loob n'yo!" sabi niya sa pagitan ng pag-iwas sa mga ito. Nagawa pa niyang salagin ang balisong na hawak ng isa."Naging traydor ka simula nang iwan mo ang trono para sa babaeng 'yan!""Tama! Hindi ka na karapat-dapat para maging hari!""Si Prince Chaos na ang susundin namin simula ngayon!"Sunod-sunod na sabi ng mga ito sabay mas lalo pang pinag-igtinginan ang pagsugod s

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 20.2: Ang Nakaraan Ng Prinsepe

    Chapter 20.2: Ang Nakaraan Ng PrinsepeWritten By: Cristina de Leon"Wayne, hindi ka pa ba nagugutom? May dala ako para sa 'yo." Lumapit na siya kay Wayne at para pa itong nakakita ng multo sa gulat nang makita siya kaya naman natawa siya. "Naging masyado ka na yatang magugulatin? Bakit? Nahihiya ka ba na nakita kita na naglalaba rito?" pagbibiro niya.Ngumiti na rin ito. Tinabihan na niya ang lalaki sabay inilabas sa basket ang mga dala niyang kanin at ulam."Galing sa mama ko ang mga ulam na ito, Wayne. Nagluto siya para pasalamatan ka dahil sa ginagawa mo para sa amin. Ang mga taong bayan naman, nakunsensya ng sinermunan ng mama ko. Ang sabi niya, hindi ka raw dapat inaabuso. Wala na raw kaming pinagkaiba sa mga bampira na matagal nang nagpapahirap sa amin kung wala rin lang kaming gagawin kundi ang alilain ka rin. Ayun, nakunsensya yata sila kaya nang malaman nila na dito ako pupunta ay nagpadala sila ng

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 20.1: Ang Pagbabago

    Chapter 20.1: Ang PagbabagoWritten By: Cristina de LeonNAGULAT si Lana nang makita si Wayne sa labas ng bahay nila kinabukasan. Nagsisibak ito ng kahoy at maraming binubuhat na mabibigat!"Master Wayne, bakit narito pa po kayo?" gulat na tanong niya. Ang akala niya ay umalis na ito."Ang akala mo ba ay basta na lang ako susuko sa 'yo? Asawa kita, kahit na hindi mo ako mahal ay hindi kita pwedeng iwan. Siguro nga para sa 'yo ay wala lang iyong kasal na naganap pero para sa akin ay sagrado iyon kahit pa may saling ketket. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako minamahal, Lana. Dito lang ako sa tabi mo," nakangiting sabi nito.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi nito. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na talagang seryoso ito na manatili roon para sa kanya."Hindi magiging madali para sa 'yo kung dito ka titira. Alam mo naman na matagal ng pinapah

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status