CHAPTER 15
3RD POV
Hindi mawala-wala ang ngiti ni Daisy, sa labi niya, habang iniisip ang sanggol na nasa sinapupunan niya. Ayaw niya na rin na isipin si June, dahil ayaw niyang makaramdam ulit ng sakit. Iniisip niya na baka maapektuhan ang bata, kapag malungkot siya.
“Apo, inumin mo na itong gatas.” Wika ng kanyang lola Helen. Habang inabot sa kanya ang baso na may laman na gatas.
“Alam mo bang ibang-iba kana sa Daisy, na dumating dito Apo.” Napatingin siya sa kanyang lola, dahil sa sinabi nito sa kanya.
“Masaya lang po ako ngayon Lola, lalo na at buntis ako. Alam niyo po ba na nawalan na ako nang pag-asa noon, matagal din kaming nagsama ni.” Natigilan siya, habang hinaplos ng kanyang lola ang buhok niya.
“Ayoko na po siyang isipin ngayon, ang mahalaga lang sa akin ay ang Anak ko.” Ngiting wika niya rito.
Matapos niyang inumin ang gatas niya, ay pumunta siya sa gilid ng swimming pool. Kinakausap niya ang kanyang Anak, kahit nasa t’yan pa niya ito. Gusto niyang maramdaman ng ka