CHAPTER 24
3RD POV
“Ako ba, hindi? Hindi niyo lang alam kung gaano ako nahihirapan!” Iyak na sagot niya.
“Ina rin kayo, kaya alam niyo ang nararamdaman ko..” Hikbing wika niyang muli rito.
“Pero kung totoong ikaw ang ina ni Dean, bakit basta mo nalang siyang iniwan sa amin Daisy?” Tanong sa kanya ni Dan, kaya natingilan siya.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Bakit kung kailan malaki na siya, doon mo pa siya gustong kunin sa amin?” Galit na wika sa kanya ni Dan.
“Wala kang karapatan na kunin sa amin ang pamangkin ko, dahil wala kang kwentang in-.” Malakas niya itong sinampal, kaya napasigaw ang ina nito sa kanya.
“Bakit mo sinasaktan ang Anak ko?!” Sigaw nito at akmang itulak sana siya, pero mabilis silang hinarang ng mga bodyguard ni Daisy.
“’Wag na ‘wag mong sabihin sa akin ‘yan, dahil hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko, sa kanila!” Iyak na sigaw niya kay Dan. Napakunot naman ang noo nito, dahil sa kanyang sinabi.
“Umalis kana!” Sigaw ng ina nito sa kanya.
“Mommy..” Napa