CHAPTER 5
3RD POV
“Ang ganda mo na talaga Ate.” Wika ni Charles, sa kanya. Isang taon na rin ang lumipas, simula noong maghiwalay sila ni Jameson, mula nang bawiin niya, ang lahat dito, ay wala na siyang narinig na balita tungkol sa dating nobyo. Sinikap din ni Ellie, na kalimutan ito.
“Bakit?” Wika niya, matapos niyang sagutin ang tawag sa kanyang phone.
“Ate, samahan mo kami mamaya.” Wika sa kanya ni Dahlia. Si Dahlia, ay isa sa mga anak ng kanyang tito Reymart at tita Diana.
“Saan kayo pupunta?” Kunot-noo na sagot niya rito, habang umupo sa swivel chair niya.
“May bagong binuksan na bar si Kuya Ryker, kaya dapat pupunta tayo.” Wika nito sa masayang boses.
“Sino ba ‘yan Ate?” Tanong sa kanya ni Charles.
“Si Dahlia.”
“Si Charles ba ‘yon?” Tanong muli ni Dahlia.
“Oo.”
“Isama mo na rin siya Ate at si Eloise.”
“Hindi pwede, alam niyo na bawal ‘yon, pumunta sa bar.” Sagot niya rito.
“Ate naman, may ladies drink naman do’n, kaya ‘yon nalang sa kanya.” Wika nito, kaya napa-hin