55
3RD POV
“Natatakot ka ba sa akin?” Tanong ni Anna sa kanya, habang nanatili ito sa kanyang likuran.
“Dapat ba kitang katakutan?” Hindi kumibo si Anna, kaya nilingon siya ni Dylan.
“Hindi naman ako nakakatakot ‘di ba?” Tanong ni Anna sa kanya, habang tinitigan siya nito.
“Hindi.” Wika ni Dylan kaya napangiti si Anna.
“Pwede ba akong magtanong sa ‘yo?” Wika ni Dylan habang bumitaw si Anna sa kanya.
“Ano ‘yon?” Tanong ni Anna habang umupo ito sa kama.
“Saan ka kumukuha ng pera?” Muli siyang tinitigan ni Anna dahil sa tanong niya rito.
“Ipon ko.” Sagot ni Anna sa kanya, habang humiga ito sa kama.
“Alam mo bang bata pa lang ako ay nagsimula na akong mag-ipon, dahil ayokong laging manghingi kay Daddy.” Lumapit si Dylan sa kanya at muli siyang tinitigan nito.
“Nagsasabi ka ba sa akin ng totoo?” Nilingon siya ni Anna habang ngumiti ulit ito sa kanya.
“Mukha ba akong sinungaling?” Tanong sa kanya ni Anna habang tumabi si Dylan sa paghiga kay Anna.
“Bakit ka nagbago?” Napansin ni D