59
3RD POV
“Bumalik na pala siya?” Tanong ni Recca habang nakatingin kay Anna. Sumama siya sa loob ng office ni Dylan matapos ang meeting nila.
“Mahal mo na ba siya?” Muling tanong niya habang tumango si Dylan sa kanya.
“Paano na si Britney?” Napahinga ng malalim si Dylan.
“Nilinaw ko na sa kanya, na malabo na magkatuluyan pa kami dahil may asawa na ako.” Nailing si Recca dahil sa sinabi sa kanya ni Dylan.
“Akala ko pa naman, hindi mo siya mamahalin.”
“Akala ko rin Dude, pero Iwan parang may mali.” Napakunot ang noo ni Recca, dahil sa kanyang narinig.
“Ano na naman ang mali? Alam mo Dude, pakiramdam ko Ikaw ‘yong may mali.”
“Siguro nga Dude, pero hindi ko lang mapigilan na maninibago sa kanya. Alam mo kasi, sanay na ako sa ugali niya noon. Nakakapanibago na pilit niyang binalik ang kanyang ugali noon.” Napatitig muli si Recca kay Anna, habang may headphones ito sa kanyang tainga.
“Kung mahal mo talaga siya, dapat tanggalin mo siya ng buo, at sana ‘wag mo nang paasahin si Britn