64
3RD POV
“Dude.” Nilingon ni Dylan si Recca, habang busy si Anna sa pagbibigay sa mga pasalubong na binili niya para sa mga katulong nila.
“Anong problema?” Tanong niya habang lumapit si Recca sa kanya.
“Britney's need you.” Napakunot ang noo niya, dahil sa kanyang narinig.
“Dude, alam mong hindi ko na siya pwede pang puntahan, dahil ayaw ko na masira muli ang tiwala ni Anna sa akin.”
“Pero Ikaw ang dahilan kung bakit nasa ganun na sitwasyon ngayon si Britney!” Napalingon si Dylan dahil bahagya tumaas ang boses ni Recca.
“Hindi ko na ‘yon kasalanan at alam mo ‘yon! Matagal na kaming wala, bakit ba pinipilit niya pa rin ang sarili niya sa akin?”
“Ikaw naman ang may gawa niyan? Kung sa una pa lang pina-intindi mo na sa kanya.”
“Tapos na Dude! Alam mo naman ‘yon ‘di ba?”
“Pero nangako ka sa kanya.” Napahawak si Dylan sa noo niya, dahil sa sinabi sa kanya ni Recca.
“Kahit ngayon lang… Ako na ang nakiki-usap sa ‘yo.” Wika ni Recca bago siya tinalikuran.
“Aalis lang ako.” Paalam