67
3RD POV
“Ano ng balak mo?” Tanong sa kanya ni Recca habang nakaupo siya sa sofa.
“Anong balak ang pinag-usapan niyo?” Taka na tanong ni Britney sa kanila.
“‘Wag niyong sabihin na gusto niyo pa rin na kilalanin ang anak ng mga Wang?”
“Kilala na namin siya.” Napalingon si Britney kay Recca, dahil sa sinabi nito sa kanya.
“Talaga? Anong itsura niya?”
“Tama ka, masyado siyang pangit at napakataba.” Natawa na wika ni Recca sa kanya.
“Sinabi ko naman sa inyo, kaya nga nagtatago siya sa publiko. Isa pa, ang pangit na nga ng ugali niya ang pangit pa ng itsura niya.” Ngiting wika ni Britney.
“Ano bang nagawa na kasalanan ng daddy mo sa kanya?” Seryoso na tanong ni Dylan, kaya napatingin si Britney sa kanya.
“Hindi ko rin alam, kung tutuusin nga, mas lamang naman ang business nila kaysa sa amin.” Malungkot na wika niya.
“Bakit hindi sinubukan ng daddy mo na kausapin siya?”
“Sa tingin mo ba, kakausapin niya si Daddy? Alam mo bang masyadong mayabang ang pangit na ‘yon?” Sagot niya ka