99
3RD POV
“Bakit ba ang tagal mo? Saan ka ba galing? At bakit ako tinatawag ng mga bata na ‘yon na daddy?” Tanong sa kanya ni Dylan ng makapasok siya sa loob ng opisina nito.
“‘Wag mo nalang silang pansinin.”
“At bakit hindi? Alam mo bang lalong sumasakit ang ulo ko sa kaiisip?”
“Bakit mo ba kasi iisipin? Bakit hindi ka nalang manahimik?” Inis na wika ni Aira habang umupo sa kanyang mesa. Pero natigilan siya ng makita niya ang mga pagkain na nasa harapan niya.
“Ano ‘to?” Tanong niya kay Dylan habang tiningnan niya ito.
“Wala akong magawa kanina. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, kung bakit ako nagluluto.” Sagot ni Dylan sa kanya, habang malawak na napangiti si Aira. Hindi rin nito pinansin ang mga luha niya na nag-uunahan sa pagbagsak habang sinubo isa-isa ang mga pagkain na niluto ni Dylan. Namimis na niya ang mga luto nito.
“Pangit ba ang lasa?” Kunot-noo na tanong nito sa kanya, habang umiling si Aira.
Nang sumapit ang hapon ay nauna na lumabas si Dylan sa kanya. Hind