Search
Library
Home / Romance / My Young Daddy (Tagalog) / Chapter 5

Chapter 5

Author: ColaPrinsesa
2024-09-26 20:30:29

SA isang madilim na silid, nagtipon ang mga matapat na tagasunod ni Crixzus. Ang malamlam na liwanag ng chandelier ang nagsisilbing ilaw ng mga anino sa bawat sulok ng kwartong iyon.

“Aren't you going to explain to us what's going on? Magpapakasal ka sa dugo at laman ng mga Montereal? Isa itong kataksilan, De La Croix," saad ng malagong na boses, bakas sa tono nito ang galit. Si Marco Moretti, ang ulo ng sindikatong Red Serpents; isa sa kaalyansa ng kaniyang nasasakupan.

Nasa gitna ng mahabang mesa si Crixzus kaharap ang mga kasapi, kalmado at hindi makikitaan ng kahit na anong emosyon ang kaniyang seryosong mukha.

“Skye,” tawag niya sa kaniyang kanang kamay.

Lumapit si Skye mula sa likuran, ang lalaking kilala sa pagiging matapat at maaasahan sa bawat kilos. Tumitig siya kay Crixzus, naghihintay ng utos.

“Our members were already aware of my plan.”

Inilatag niya sa mesa ang mga dokumentong may kinalaman sa kanilang kalaban—si Montereal, ang hari ng mga sindikato na matagal ng kaaway ni Crixzus.

Walang imik ang bawat isang naroon, naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

“Si Montereal ang matagal nang hadlang sa ating pagpapalawak ng kapangyarihan. Isa siyang banta sa ating grupo kaya ano ang dahilan para pagtaksilan ko kayo? Higit sa lahat, ang Black Serpents ang pinakamahalagang bagay para sa akin.”

Isa sa mga ito ang naglakas-loob na magtanong, “Kung ganoon, ano ang plano mo? Bakit mo kailangang pakasalan ang isang Montereal?”

Tumayo si Crixzus, naglakad papunta sa bintana, pinagmamasdan ang madilim na kalangitan. “Ang plano kong pagpapakasal ay itutuloy. Gagamitin ko ang pinakamalaking alas natin laban kay Don Ybarro . . . si Mikaela.”

Napasinghap ang ilang naroon.

Si Mikaela, ang dalagang inampon ni Crixzus, ay naging tahimik at marangya ang pamumuhay. Wala itong kaalam-alam sa mga lihim na tinatago ni Crixzus—isa na ang pagiging mafia boss nito.

Para kay Mikaela, si Crixzus ay isang mabuting taong nagligtas sa kaniya mula sa isang kalunos-lunos na buhay, na sa hindi inaasahang pagkakataon ay natutunan nitong ibigin hindi bilang isang ama kundi bilang isang lalaki.

Wala itong kaalam-alam na magiging kasangkapan ni Crixzus sa isang malupit na plano.

“Boss, sigurado ka na ba sa pinaplano mo? Paano kung—” hindi itinuloy na tanong ni Skye.

Ngumiti si Crixzus nang bahagya. "I will marry her no matter what. Gagawin ko siyang asawa ko, hindi dahil mahal ko siya . . . kundi dahil siya ang anak ni Don Ybarro.”

Nagkatinginan ang mga tauhan, si Skye ay nakaramdam ng pagkabahala.

Isang ngisi ang muling gumuhit sa labi ni Crixzus.

“Mikaela doesn't know that her real father is the man who has long been our enemy. Once I marry her, I will be able to control all the wealth and power of the Montereals. This is my sacrifice for our own benefit.”

“Siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhulog sa sarili mong patibong, De La Croix. Malaking kaguluhan ito kapag pumalpak ka,” banta ni Marco Moretti, hindi nasisiyahan sa kaniyang ideya.

“When have I ever failed, Moretti? You know me . . . I don't have 'defeat' in my dictionary.”

Sa labas ng silid, hindi alam ng mga nag-uusap na may isang pares ng taingang nakikinig sa kanilang mga plano. Si Mikaela, na noon ay naglalakad patungo sa silid na iyon upang tawagin si Crixzus para sa hapunan, ay hindi sinasadyang narinig ang usapan.

Hindi niya lubos maintindihan ang naririnig noong una, ngunit nang banggitin ni Crixzus ang kaniyang pangalan at ang kasal, tumigil siya sa kaniyang mga hakbang.

“P-plano niya lang ang lahat ng ito?” bulong ni Mikaela sa sarili habang pilit iniintindi ang kaniyang mga narinig.

Pakiramdam niya’y bumagsak ang buong mundo sa kaniya. Ang damdaming iniukit ni Crixzus sa kaniyang puso ay isa lang palang laro—isang instrumento para sa kapangyarihan.

Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang mga narinig. Sa maiksing panahon, totoong minahal niya si Crixzus, at ang buong akala niya ay may malalim na koneksiyon sa pagitan nila. Subalit ngayon, sinampal siya ng katotohanan na iyon ay kathang-isip lamang.

Hindi rin niya alam na siya pala’y anak ng isang mafia boss, ang mortal na kaaway ng taong kumupkop sa kaniya.

“Boss . . .” nag-aalangang bulong ni Skye, “sigurado ka ba na hindi malalaman ni Mikaela ang tungkol rito? Paano kung—”

Ngumisi lang si Crixzus na puno ng kumpiyansa.

“Hindi niya malalaman. Hindi ko hahayaang matuklasan niya ang plano ko. Pagkatapos ng kasal, magiging akin na ang lahat—ang negosyo ni Montereal, ang pondo, ang mga tauhan. Wala nang makapipigil sa atin.”

Nangangatog ang mga kamay ni Mikaela, pilit na pinipigil ang sariling umiyak. Mabilis siyang umatras, tinakasan ang malupit na katotohanang kaniyang natuklasan. Hindi na niya kayang harapin si Crixzus—sa ngayon.

Tumakbo siya pabalik sa kaniyang silid, puno ng mga tanong ang isip at nakaramdam ng takot para sa sarili.

“Sino ka ba talaga, Crixzus? Ano ba ang tunay mong pagkatao? Bakit binulag mo ako sa kasinungalingan?”

Bago niya maisara ang pintuan ng kaniyang silid, nakarinig siya ng malakas na tunog ng pagsabog mula sa labas. Nagkagulo ang buong mansyon, ang mga tauhan ni Crixzus sa labas ay sumisigaw.

“Boss, napasok na tayo!”

Ang buong paligid ay nagsimulang magulo. Sa gitna ng kaguluhan, isang malupit na desisyon ang kailangang gawin ni Mikaela: tatanggapin niya ba si Crixzus bilang kabiyak niya, o ililigtas ang sarili mula sa mapanlinlang nitong mundo?

Sa kabila ng lahat ng ito, isang bagay lamang ang malinaw . . . Ang alitan sa magkabilang partido ay nagsisimula na.

Ngunit habang nag-iisip ng susunod na hakbang, nakadama siya ng labis na takot nang lumabas mula sa madilim na sulok ng kaniyang silid ang isang tao na may kinalaman sa kaniyang mga narinig. Isang taong nagmamasid ng palihim at maaaring may mas madilim na plano.

Si Marco Moretti, ang ngiti sa labi nito ay puno ng misteryo at panganib.

“Mikaela,” tawag nito, “Alam kong alam mo na ang tungkol sa mga plano ni Crixzus. At kailangan mong malaman ang buong katotohanan bago ka maging bahagi ng kaniyang laro.”

Bumilis ang tibok ng puso ni Mikaela.

“Ikaw . . . A-ano ang gusto mo? B-bakit mo ito sinasabi sa akin?”

“May mga bagay na hindi mo alam, at hindi ko ito maipaliliwanag nang buo sa ngayon. Pero ang kapalaran mo ay hindi maaaring matali kay Crixzus . . . Mas malaking laban ang kailangan mong paghandaan,” sagot ni Marco, matuwid na nakatindig at nakapamulsa sa kaniyang harapan.

“Pipiliin mo ba ang pagkatiwalaan ako o tatanggapin na lang ang nais mangyari ni Crixzus?”

Ngunit bago pa man siya makapagsalita, isang sigaw ang umabot mula sa labas ng mansyon. “Mikaela! Where the hell are you?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP