My Young Daddy (Tagalog)

My Young Daddy (Tagalog)

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-19
Oleh:  ColaPrinsesaOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 Peringkat. 4 Ulasan-ulasan
14Bab
9.6KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Si Mikaela ay inampon ng isang misteryosong lalaki noong siya ay bata pa. Ngunit paano kung ang inaakala niyang mysterious daddy ay hindi pa matanda taliwas sa ini-imagine niya? Paano kung umibig siya sa lalaki unang beses pa lang niya itong nakita? Paano rin kung ang taong kaniyang iniibig ay may masama palang intensiyon sa kaniya?

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1

“KAILANGAN mo nang maghanda. Ngayon ang nakatakdang araw ng inyong pagkikita ni Mister De La Croix.”

Mahigpit na napakapit si Mikaela sa kaniyang unipormeng palda sa sinabi ng kaniyang personal bodyguard na si Skye. Parang tinatambol ang kaniyang dibdib na hindi maipaliwanag.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikita niya ang taong dahilan kung bakit siya buhay. Ang taong nakapulot sa kaniya eighteen years ago.

“May alam ka ba kung anong klaseng tao ang kumupkop sa akin? Ano ang mga hilig niya o 'di kaya ay ang mga ayaw niya? B-baka kasi hindi niya ako magustuhan,” nakayuko niyang tanong, nakatuon ang pansin sa bahagyang nanginginig na mga kamay.

Pasimpleng tumingin sa rear-view mirror ng kotse si Skye kung saan nakikita siya nito mula sa likuran. Sulyap lang ang ginawa nito at ibinalik na muli ang mga mata sa kalsada.

“Just be yourself, Miss Mikaela.”

Bagama’t hindi pa niya nakita at nakasama ang ama-amahan, batid niyang makapangyarihan na tao ito. Nakatira siya sa isang mala-mansiyon na bahay kung saan mayroong kompleto at mamahalin na mga kagamitan. Sunod rin siya sa luho kahit na hindi naman siya mahilig sa mga materyal na bagay.

“Narito na tayo.”

Bumalik ang kaniyang diwa nang maulinigan ang tinig ng kasama.

Relax, Mikaela! Everything will be okay, pagkalma niya sa sarili.

Ito na ang pinakahihintay niyang pagkakataon, ang ma-meet ang taong pinakaespesyal sa buhay niya.

Kaagad naagaw ang kaniyang pansin ng lalaking nakatayo sa sala. Nakatalikod ito mula sa kaniyang direksiyon kaya naman bigo siyang makita ang itsura nito.

May katangkaran at may kalaparan ang balikat. Hawak nito sa kanang kamay ang isang baso na sa tingin niya ay may lamang alak.

“D-Daddy?” mahinang tawag niya sa lalaki.

Bahagyang gumalaw ang ulo nito pagkarinig sa kaniyang boses. Napalunok nang bahagya si Mikaela nang masilayan ang maliit na bahagi ng mukha nito.

“I-ikaw na ba talaga ’yan?” kandautal niyang tanong. Inipon niya ang hangin sa dibdib upang kalmahin ang sarili.

Tinungga nito sandali ang alak mula sa hawak na baso bago unti-unting lumingon paharap sa kaniya.

Napasinghap siya nang tuluyan nang makita ang kabuuan ng mukha nito sapagkat ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay hindi ang kaniyang inaasahan na daddy kundi isang guwapong lalaki na nag-aari ng kulay abo na mga mata.

Sa uri ng tindig, pananamit, at pisikal na anyo ay natitiyak niyang hindi nagkakalayo ang kanilang mga edad. Nang makabawi sa pagkagulat ay bahagya siyang yumuko.

"Paumanhin! Ang akala ko ay ikaw ang . . . d-daddy ko."

Palagay niya ay bodyguard o 'di kaya ay driver ito ng kaniyang ama-amahan. O baka naman ito ang tunay na anak ng taong kumupkop sa kaniya dahil hindi ito mukhang tauhan lang na sumusunod sa mga utos.

Nanatiling nakatitig sa kaniya ang malamig nitong mga mata.

"P-pasensya na talaga." Mabilis na iniiwas niya ang tingin sapagkat tila nanlalata ang kaniyang mga tuhod sa tuwing nagkakasalubong ang kanilang tingin.

"Miss Mikaela . . . Ang taong kaharap mo ngayon ay si Mister Crixzus De La Croix. Siya ang taong kumupkop sa ’yo at nagbigay ng mga pangunahing pangangailangan mo."

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa naging pahayag ni Skye na naroon lamang sa kaniyang likuran.

"P-paanong—”

Paanong ang umampon sa kaniya ay isang lalaking hindi pa ganoon katanda?

“Iwan mo muna kami, Skye. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya ng mga bagay-bagay," utos nito gamit ang kalmado at malalim na tinig na kaysarap sa pandinig.

Sumunod na narinig niya ay ang papalayong mga yabag ni Skye.

Doble ang bilis ng kabog ng kaniyang dibdib nang sila na lang dalawa ang naroon. Isang kakaibang uri ng kaba na ngayon niya lang nadama.

“Congratulations. Natanggap ko ang ipinadala mong mga larawan. Muli ka na naman nanguna sa klase. Binabati kita, Mikaela.”

Eighteen years . . . Pinaghandaan niya ang araw na ito. Nagsumikap siya para masuklian ang mga kabutihan nito.

Pinatunayan niya na hindi sayang ang lahat ng perang ginagastos nito para sa kaniya. Naghanda rin siya ng mga sasabihin sa gayon hindi siya maubusan ng mga salita sa oras na magkita sila.

Ngunit ngayon . . . Kahit isang salita ay walang nais kumawala sa kaniyang bibig. Wala siyang ibang magawa kundi tingnan ang makinang na sahig at umiwas sa nakatutunaw na mga titig nito.

“Wala ka bang balak na magsalita? Hindi ka ba masaya na makita ako?”

Ilang segundo siyang nanahimik bago nakahugot ng lakas ng loob na sumagot.

“M-masaya! A-actually, sobrang saya ko. A-ang tagal kong hinintay na makita at makasama ka. Nais kong magpasalamat sa lahat ng naitulong mo sa akin. P-pero naguguluhan ako. P-paanong ang isang batang katulad mo ay nagkaroon ng kakayahang buhayin ako?”

Muli, marahan niyang inangat ang ulo upang tingnan ang ekspresyon sa mukha ng lalaki ngunit wala iyong pagbabago. Isang larawan ng lalaking mayroong malamig na emosyon.

“Paano? Wala naman imposible kapag mayroon kang pera, Mikaela. You can have everything with money and power. Unfortunately, I have those things kaya naman nagawa kitang kupkupin na walang kahirap-hirap.”

Wala siyang ideya kung sino o kung anong klaseng tao ang nasa kaniyang harapan. Wala rin siyang ideya kung bakit siya nito inampon. Ang lahat ay misteryo na nais niyang hanapan ng kasagutan.

Walang kaalam-alam si Mikaela na ang taong kumupkop sa kaniya ay isang bilyonaryo na may-ari ng iba't ibang malalaking negosyo sa bansa.

Si Crixzus De La Croix ay kilala sa business industry dahil sa kaniyang angkin na talento sa pagpapalago ng kahit anong negosyo sa kabila ng kaniyang batang edad. One of them is Royal Crix Automotive, known for producing sleek, high-performance vehicles that embody sophistication and precision.

Kilala rin siya sa underworld dahil sa isang malaking organisasyon na kaniyang pinamumunuan na kinabibilangan ng mga bigating negosyante. Ang Black Serpents. Isa sa serbisyong hatid ng grupo ay ang proteksyunan ang matataas na tao sa industriya, karamihan ay politiko.

May isang malalim na dahilan kung bakit kinupkop niya si Mikaela.

“Simula ngayon ay magsasama na tayo sa iisang bahay. Malalaman mo ang kasagutan sa iyong mga tanong pagsapit ng iyong ika-labing walo na kaarawan.”

Tatlong buwan iyon simula sa araw na ito.

“Bakit hindi ko puwedeng malaman ngayon? Bakit sa kaarawan ko pa?”

“Hintayin mo ang itinakda kong araw.”

Marami pa siyang nais itanong ngunit tumalikod na ito.

KINAGABIHAN, hindi siya nakatulog kaya naman nangangalumata siya kinabukasan pagpasok sa eskwela.

“Ang tamlay mo yata ngayon. May problema ka ba?” usisa ni Lea. Umupo ito sa bakanteng upuan na nasa kaniyang harapan.

“Dumating na si Daddy,” tamad niyang tugon.

Nanlaki ang mga mata nito sa kaniyang tinuran. Kay Lea niya ikinukuwento ang lahat ng nangyayari sa kaniyang buhay, ito rin ang bukod-tangi na nakaaalam tungkol sa kaniyang mysterious daddy na ngayon lang nagpakita.

“You mean nagpakita na siya sa ’yo? OMG! Seryoso ka ba? Kumusta? Anong itsura niya? Matanda na ba siya? Maputi na ang buhok? Kulubot na ang balat? Panot ba siya?”

Napahikab siya sa napakaraming tanong nito. Ang lahat ng inaasahang deskripsyon nito ay taliwas sa itsura ng kaniyang daddy. Muling naglakbay ang kaniyang diwa nang maalala ang guwapong mukha nito.

“Hoy! Tinatanong kita! Ano nga ang itsura niya?” Itinulak ni Lea ang kaniyang noo na naging sanhi ng kaniyang pagnguso.

“Ang sakit no'n ha?” reklamo niya, sinabayan ng paghimas sa noo.

“Paanong hindi ka masasaktan? Kanina pa kaya ako nagtatanong dito tapos wala ka man lang sinagot maski isa. Ano na nga? Kuwentuhan mo ako tungkol sa mysterious daddy mo!”

Titig na titig ito sa kaniya na tila nananabik sa kaniyang kuwento.

“Ang daddy ko ay halos kasing edad ko lang. Hindi siya matanda, kulubot, o panot. S-sobrang . . . guwapo niya.”

Humalakhak bigla si Lea sabay hampas sa kaniyang balikat. Napangiwi siya sa ginawa nito.

“Kababasa mo ’yan ng mga kathang-isip na istorya! Tigilan mo na ’yang bisyo mo. Ayaw kong magkaroon ng kaibigan na baliw!”

“Seryoso ako!” giit niya habang hinihimas ang balikat na hinampas nito.

“Ewan ko sa ’yo. Gutom ka ba? Baka naman nagdodroga ka na, ha?”

“Bahala ka nga kung ayaw mong maniwala!”

Isinubsob niya na lamang ang kaniyang mukha sa table at hindi na muling kinausap si Lea. Hindi niya ugali ang mag-explain sa mga taong ayaw maniwala sa mga sinasabi niya.

“Hoy, Mika!”

Naramdaman niya ang pagkalabit nito sa kaniyang braso ngunit hindi na niya inabala ang sarili na kausapin pa ang babae.

Mabilis na natapos ang maghapon. Palabas na siya sa malaking gate ng paaralan nang mapansin ang grupo ng mga kababaihang estudyante na nagkukumpulan. Nangunot ang kaniyang noo nang mapansin si Lea na isa sa mga usisador na naroon.

Lumapit siya sa kaibigan saka pasimple itong kinalabit.

“Hoy, tsismosa! Ano bang pinagkakaguluhan niyo riyan?” aniya.

“Huwag kang magulo, Mika! May naligaw na Adonis dito sa school natin! OMG! Ang guwapo!”

“Adonis?” Napangiwi siya.

Ang kilala niya kasing Adonis ay ’yong ka-village nila na madilaw ang ngipin at palagi pang nagmumuta ang mga mata.

“Oo, Adonis! Ayon, oh! Tingnan mo naman kung gaano kaguwapo! Para siyang anghel na ipinatapon dito sa kalupaan!” nangingisay na sabi nito. Daig pa nito ang kinokombulsyon.

Nakipagsiksikan siya sa mga estudyante na naroon at pinilit masulyapan ang tinutukoy ni Lea na Adonis. Ilang sabunot, kalmot, at tulak ang kaniyang natamo bago niya nakamit ang tagumpay na makita ang lalaki.

Napanganga siya nang ang bumulaga roon ay ang kaniyang daddy. Nakasandal ito sa pintuan ng kotse habang humihithit ng sigarilyo. Hindi niya gusto ang lalaking naninigarilyo ngunit hindi niya alam kung bakit kapag ito ay ang angas tingnan.

“I told you! Ang guwapo niya, ’di ba?” kinikilig pa ring sabi ni Lea.

“L-Lea . . . S-siya ang Daddy ko.”

Isang sapak na naman sa ulo ang kaniyang natamo mula sa kaibigan.

“Aray!” malakas niyang daing.

Masamang tingin ang ipinukol niya kay Lea habang sapo ang kaniyang ulo.

“Tama lang ’yan para magising ka na sa kahibangan mo! Kanina ka pang umaga!”

Muli pa sana siyang sasampalin nito sa ulo katulad ng nakagawian nitong gawin kapag naiirita sa kaniya ngunit isang malaking kamay ang pumigil sa palad nito.

Magkasabay silang napatingala ni Lea sa may-ari ng kamay na ’yon.

“D-Daddy!” laglag ang panga na usal niya.

“How dare you lay your fucking hand on her?” buo at mariin na tanong nito kay Lea.

Ang kaninang masayang mukha nito ay nabahiran ng takot. Namumula na rin ang pulso nito dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Crixzus.

“D-Daddy . . . K-Kaibigan ko siya!”

Sinubukan niyang hawakan ang braso ng lalaki para awatin ito ngunit hindi ito nagpatinag.

“Kaibigan? There's no such thing like that, baby. Kadalasan, kaibigan ka lang nila dahil may kailangan sila sa ’yo. And worst, aabusuhin ka nila katulad ng ginagawa niya sa ’yo.”

Ano raw? Baby? tanong niya sa isip.

May kung anong bagay na tila nagliparan mula sa kaniyang sikmura nang tawagin siya nitong ‘baby.’

Itinapon nito sa ere ang kamay ni Lea na naging sanhi ng muntikang pagkatumba ng kaniyang kaibigan. Salamat na lang sa mga estudyante na naroon dahil nasalo si Lea ng isa sa kanila.

“Are you alright?”

Parang tumigil sa pag-inog ang kaniyang mundo nang haplusin nito nang marahan ang kaniyang ulo. Wala sa loob na napatango na lang siya nang marahan.

“Tara na. Umuwi na tayo.”

Inakbayan at saka inalalayan siya nito na makasakay sa passenger's seat ng kotse. Tigalgal na napasunod na lang siya sa lahat ng sabihin nito.

Maging ang mga estudyante na naroon ay tila natulos sa kanilang mga kinatatayuan sa nangyari.

Muli niyang sinulyapan ang kaibigan na si Lea. Katulad ng iba ay nakitaan niya ng pagkainggit ang mukha nito. Ang akala niya ay galit ito ngunit bago sila makaalis ay nag-thumbs up ito sa kaniya.

“Bakit mo hinahayaan na saktan ka ng itinuturing mong kaibigan? Hindi ba dapat ay siya ang kasangga mo, tagapagtanggol, o ’di kaya ay sandalan mo?” pagbubukas nito ng usapan habang binabaybay nila ang daan.

Saglit siyang nag-isip. Lahat naman ng sinabi nito ay nagawa na ni Lea kaya maituturing niyang tunay na kaibigan niya ang babae.

“Nagkakamali ka ng iniisip, D-Daddy. Mabuting tao si Lea. Kung ano man ang nakita mong ginawa niya sa akin kanina ay ginagawa ko rin ’yon sa kaniya. Ganoon lang talaga kami.”

Ang totoo ay mas malala pa kapag siya ang nanakit sa babae. Umuuwi ito minsan na may bakat ng bente-kuwatro niyang ngipin sa braso.

Hindi na ito tumugon sa kaniyang paliwanag.

Ang akala niya ay dederetso na sila sa bahay ngunit ibang direksiyon ang kanilang tinahak. Patungo iyon sa sentro ng siyudad kaya naman nagtataka na napatingin siya sa seryoso nitong mukha.

“Saan tayo pupunta? Hindi pa ba tayo uuwi?”

Naramdaman niya ang pagkulo ng kaniyang tiyan. Kanina pa siya nagugutom kaya nais niya sana ay makauwi na agad para makakain.

Napanguso siya nang hindi sumagot ang lalaki. Para sa kaniya ay mas okay pa na si Skye ang nakakasama niya dahil kahit papaano ay sinasagot siya nito.

Huminto ang sasakyan. Bumaba ang kaniyang ama-amahan nang maayos na maiparada nito ang kotse sa isang parking lot. Siya naman ay nanatili sa kinauupuan habang hinihimas ang kaniyang nag-aalburuto na tiyan.

Napaigtad siya nang biglang bumukas ang pintuan sa kaniyang gilid.

“Baba,” maotoridad nitong utos.

Nagugulumihanan, napatingala siya sa lalaki.

“Hihintayin na lang kita rito.”

Pakiramdam niya kasi ay bibigay na ang kaniyang tuhod dahil sa gutom.

“Tss. Gusto mo ba na buhatin pa kita riyan?” mayroong himig ng pagbabanta sa baritonong boses nito.

May pagmamadaling nilisan niya ang sasakyan sa takot na baka totohanin nito ang sinabi. Mukha pa naman itong hindi nagbibiro.

“Let’s go.”

Lumiwanag ang kaniyang mukha nang makitang papasok ito sa isang restaurant. Biglang nabuhay ang katawang lupa niya nang maisip ang masasarap na pagkain.

Lakad-takbo ang kaniyang ginawa para masabayan ang lalaki. Sobrang hahaba ng biyas nito kaya naman ang isang hakbang nito ay katumbas ng dalawang hakbang niya.

Nang makaupo na sila sa table ay kaagad na ibinigay sa kaniya ni Crixzus ang menu.

“Order whatever you want.”

Kagat ang pang-ibabang labi na napangiti ang dalaga. Sa wakas ay malalamnan na rin ang kaniyang nag-aalburuto na tiyan. Mistula kasing nagdidigmaan na ang mga bulate niya.

Nang makapili na siya ay kaagad kumaway sa waiter si Crixzus upang ibigay rito ang lahat ng kaniyang order.

After a few minutes, magkakasunod nang ini-serve ang kanilang order.

“Are you sure kaya mong ubusin lahat ’yan?” tanong ni Crixzus sa kaniya.

Halos punuin kasi ng kaniyang mga order ang kanilang table.

“T-tutulungan mo naman akong ubusin ’to, ’di ba po?” alanganin niyang tanong.

“Tss.” Dinampot ni Crixzus ang fork at knife na nasa gilid ng plato.

Natapos nila ang pagkain na halos puputok na ang kaniyang tiyan. Ayaw niyang magalit ang kaniyang daddy kaya naman pinilit niyang ubusin ang mga ito.

Ngunit, biglang nasapo niya ang kaniyang tiyan nang makasakay sila sa kotse. Nakaramdam siya ng panlalamig at pagkabalisa.

Nakakainis! Bakit ngayon pa? Nausal niya sa sarili.

“Is there something wrong?”

Napansin marahil nito ang pagiging aligaga niya. Hindi siya mapakali sa kaniyang kinauupuan.

“A-ah, e-eh . . . O-okay lang ako," pagsisinungaling niya.

Bigla kasi siyang tinawag ng kalikasan. Pakiramdam niya ay nakadungaw na ang dulo nito at ano mang oras ay papalabas na.

“Okay,” maiksing tugon ni Crixzus bago binuhay ang makina ng kotse.

Lalong tumindi ang sakit ng kaniyang tiyan nang umandar na ang sasakyan. Sumabay pa ang lamig ng aircon sa panlalamig na kaniyang nararamdaman. Mahigpit siyang napakapit sa pintuan ng kotse habang namimilipit.

“Hindi ka okay! Namumutla ka na! Dadalahin na kita sa ospital!”

Mabilis siyang umiling. Hindi niya batid kung paano sasabihin sa kasama na napasobra lang ang kain niya.

“H-hindi na kailangan . . .”

“Shut up! Gusto mo ba na panoorin lang kita habang namimilipit sa sakit?”

Biglang nag-U-turn ang sasakyan. Ilang segundo lang ay nasa tapat na sila ng hospital.

“Come on!”

May pagmamadali nitong tinanggal ang kaniyang seatbelt ngunit papalabas pa lang ito nang sasakyan nang sumabog na ang masamang hangin na kanina pa niya pinipigil. Dagli itong natigilan.

“What the fuck is that smell?” Mabilis na tinakpan ni Crixzus ang kaniyang ilong. Ilang saglit pa’y bigla na lamang itong naduwal sa amoy.

Mamatay-matay na ang binata bago nabuksan ang pintuan ng kotse at saka mabilis tumakbo palabas para makahinga. Nais ni Mikaela na lumubog na lang sa kaniyang kinauupuan dahil sa labis na kahihiyan.

Masama siyang tiningnan ng lalaki.

“Did you just fart?”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Mhaine P. San Buenaventura
please update this book it's really good to read
2024-08-16 16:50:25
1
user avatar
Rich Jae Altez
haha nasa isip si di daddy long legs at si judie hahaha ......
2024-07-10 10:25:54
0
user avatar
Rich Jae Altez
astig, exciting ......
2024-06-23 15:58:53
0
default avatar
Carina Manimtim
sana mag update po eto...
2024-06-01 15:39:42
0
14 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status