MAS naging madalas ang palitan ng putok ng baril sa labas ng mansiyon, habang si Mikaela ay nanatiling nakatayo sa gitna ng kaniyang madilim na silid . . . may kaba sa dibdib.
“H-hindi ko alam! Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan!” Napasabunot siya sa sariling buhok, pikit-matang humikbi.
Hinawakan ni Marco Moretti ang kaniyang baba—ang lider ng Red Serpents—inangat ang kaniyang mukha at pinakatitigan siya sa mga mata.
“Mikaela,” ang boses nito ay maotoridad kaya kagyat siyang napamaang. “Kailangan mong magpasya ng tama. Ang mundo na kinabibilangan mo ay mas mapanganib kaysa sa inaakala mo.”
“Pero . . . paano ako magtitiwala sa ’yo? Hindi nga kita lubusang kilala!” sigaw ni Mikaela, na halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa halo-halong emosyon na naroon.
“Alam kong kaalyansa ka ni Crixzus kaya kaduda-duda! Bakit nais mo akong tulungan? Bakit hindi mo sinabi sa akin nang mas maaga? Bakit hinintay mo pang ako mismo ang makatuklas ng mga lihim niya?”