Pagkatapos ko sa trabaho ay dumiretso ako sa isang pharmacy para bumili ng pregnancy test. Tatlo ang binili ko para makasigurado. Umuwi rin ako agad pagkatapos.
Pumasok na ako sa banyo para subukan ang pregnancy test na binili. Nanginginig ang aking mga kamay habang isa-isang kinukuha sa mga lalagyanan ang mga pregnancy test. Kinakabahan talaga ako pero gusto ko na ring malaman ang totoo.
Kakalbuhin ko talaga si Aling Mashang kapag naging negative itong resulta. Siya naman kasi ang nagsabi na baka buntis ako, kaya ayan tuloy, pinapakaba niya ako.
Pero kung... mag-positive ito? Matatanggap ko kaya?
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.
Makalipas ang ilang minutong pagmumuni-muni ay napagdesisyunan ko nang subukan ang pregnancy test. Sinunod ko lang ang instructions kung paano iyon gamitin kaya kahit papaano ay hindi naman ako nalito at nagawa ko naman iyon nang tama.
Kinakabahan kong tiningnan ang hawak kong pregnancy test habang nakaupo sa inidoro. Katatapos ko lang at naghihintay