Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at naisipan kong tumakas mula sa kaniya. Hindi ko lang din talaga naiwasang kabahan lalo na sa paraan ng pagtingin niya sa ultrasound na hawak ko na para bang alam niya kung ano ang ibig sabihin no'n. At no'ng nagsimula siyang humakbang papunta sa akin ay bigla na lang akong natakot kaya nag-panic na ako.
Pero bakit ko nga ba naisipang umalis? Siya naman itong nakabuntis sa akin at may responsibilidad na kailangang gampanan. Dapat siya nga itong kabahan nang malala at magtago sa akin, eh.
Pagkarating ko sa bahay ay uminom agad ako ng tubig para pakalmahin ang sarili.
Ano na ang gagawin ko ngayon? Hahanapin ko ba siya at kakausapin tungkol sa bata? Manghihingi ba ako ng sustento sa kaniya?
Inalala ko ang itsura niya kanina. Ang seryoso at dilim ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nakilala kaya niya ako? Alam niya ba talaga kung ano ang ipinunta ko roon?
Ano na? Kakausapin ko ba siya?
“Pero para saan pa?” tanong ko sa sarili. “Kilala s