Malilikot at iba't-ibang kulay ng ilaw ang sumasabay sa sayaw ng mga tao. Maingay, masikip, mainit, amoy usok ng sigarilyo, at maraming mga lasing at halos wala na sa sarili ang mga tao na nagsasayawan sa gitna ng dancefloor. Ganyan kagulo ang bar na ito.
Dito agad ako dumiretso matapos kong umalis sa bahay. Hindi ko rin alam bakit itong lugar agad ang naisip ko, basta't dinala na lang ako ng mga paa ko rito at ang nasa isip ay magpakalasing hanggang sa makalimutan ang nangyari kanina. Pero posible ba ‘yon? Ilang shot na ang nainom ko pero sariwang-sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari kanina. Akala ko ba kapag nalasing ka ay mawawala ang sakit na nararamdaman mo? Pero bakit parang dumoble pa ‘tong nararamdaman ko ngayon? Sinubukan kong igalaw ang aking balakang at tinaas ang mga kamay katulad ng ibang sumasayaw. Pinasadahan ko ng aking kamay ang leeg ko pababa hanggang sa aking bewang at itinaas ulit habang iginegewang ang balakang. Hindi ako ang tipo ng babae na pumupunta sa bar, nagpapakalasing at sumasayaw ng sexy tulad ng ginagawa ko ngayon, pero sa ngayon ay hinayaan ko na lang ang sariling mag-enjoy. Hindi ko magawang makapag-enjoy nang ganito dati dahil pinagbabawalan ako ni Andrew. Pero anong pake ko sa kaniya ngayon? Matapos ng nasaksihan ko kanina ay wala na siyang karapatan sa akin ngayon. Magsama-sama sila ng pamilya ko! Sa tuwing may nag-aaya sa akin ng inumin ay hindi ko tinatanggihan at iniinom ko agad iyon habang nakikipagsayaw sa akin. Lasing na nga talaga ako. Pero wala akong pake. Sobrang dami ko na atang nainom at bilang isang tao na hindi masyadong na-expose sa mga inuming nakakalasing ay halos masubsob na ako sa sahig sa sobrang kalasingan. Wala na akong kasama ngayon at mag-isa na lang akong sumasayaw na parang baliw habang bitbit ang isang bote ng alak na wala nang laman. Isang paggalaw pa sa aking balakang ay may naramdaman akong mainit na kamay na unti-unting bumalot sa kanang bewang ko at sumunod naman sa kaliwa ko. Hinigpitan niya ang paghawak sa aking bewang upang kontrolin ang mukhang baliw na pagsayaw ko at unti-unting inaalalayan sa marahang pagsayaw, naramdaman ko rin ang dibdib niya sa aking likod at ang pagsabay niya sa galaw ko. Kahit nakatalikod ako sa kaniya ay amoy na amoy ko pa rin ang mabango at halatang mamahalin nitong pabango. Napapikit ako nang taas-baba niyang pinasadahan ang aking bewang. Mas lalo niyang inilipat ang katawan sa akin hanggang sa naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tenga. “Damn, even if you wear a simple clothes and jeans, you're still so fucking hot,” namamaos nitong bulong sa akin. Tumindig ang aking mga balahibo nang tumama ang hininga niya sa aking leeg. Kahit nahihirapan dahil sa hilo ay humarap ako sa kaniya, pinagsalamatan ko rin ang mga kamay niyang nakaalalay sa bewang ko kaya hindi ako nahirapan. Pinasadahan ko ng tingin ang itsura niya pero dahil medyo madilim ay hindi ko masyadong makita ang mukha niya, dagdag pa ang mga malilikot na ilaw na nagpapahilo sa akin at nagpapalabo sa paningin ko. Pero isa lang ang sigurado ako, mukhang gwapo ‘to. “Sino ka?” tanong ko habang nakapikit na, hindi na kinayanan ang hilo. Yumuko ako at bahagyang tumigil sa pagsayaw dahil mas lalo akong nahihilo. Tumigil naman siya sa pagsayaw nang napansin ang kalagayan ko hanggang sa ako rin ay napatigil na. Nakatayo na lang kami sa gitna ng dancefloor at ako ay halos sumandal na sa kaniyang balikat. Hinila niya pa ako lalo palapit sa kaniya hanggang sa maramdaman ko ang ilong niya sa aking pisngi. Marahan niyang idinaloy sa aking pisngi ang kaniyang ilong at lumipat na naman iyon sa aking tenga, bahagya akong nakiliti nang naramdaman ko ang maliliit nitong balbas sa aking panga. “Are you interested in me? Why are you asking who I am?” tanong nito pabalik sa akin. Kumunot ang noo ko pero nanatili sa aking pwesto kaya malamang ay hindi niya iyon nakita. “Nagtatanong ako kung sino ka dahil hindi kita kilala, hindi dahil interesado ako sa ‘yo,” lasing kong sagot. “Really? Bakit hindi mo tinatanong kung sino ‘yong nauna mong nakasayaw? Bakit ako lang ang tinatanong mo?” Halos ilayo ko na ang mukha ko sa kaniya dahil sa kiliting dala ng kaniyang balbas pero lagi naman niyang hinahabol para bumulong. “Pinapanood mo ba ako?” Inangat ko na ang tingin ko sa kaniya, ang mga talukap ko ay halos bumagsak na pero pinipilit ko lang dumilat kahit hindi ko naman masyadong kita ang itsura na. Hindi siya sumagot sa tanong ko. Nakatingin lang din siya sa akin. Napapikit ulit ako at sumandal sa kaniyang balikat, hinayaan naman niya ako. Normal lang ba ‘tong gawin sa hindi ko kakilala? Marami akong nakikita sa gilid na naghahalikan at kung ano-ano pang kababalaghan ang ginagawa. “Oh, fuck...” narinig kong bulong nito na para bang nahihirapan ito sa kung ano. “Problema mo?” kunot noo kong tanong. Nagulat ako nang yakapin niya ako bigla, mahigpit iyon kaya dikit na dikit ako sa katawan niya. Naramdaman ko ang matigas na umbok sa may banda ng aking tiyan at sa ilang sandaling pag-iisip kung ano ‘yon ay parang may humalukay sa aking tiyan. “I want to go somewhere else. You wanna come with me?” bulong ulit nito pero sa ngayon ay may halong pang-aakit na. Parang nanlamig ang buong katawan ko at tumaas ang mga balahibo sa aking katawan. Shit! Tama ba ‘tong naiisip ko? Saan kami pupunta? “A-Anong sinasabi mo?” Tinulak ko siya nang bahagya upang ilayo ang katawan niya sa akin, bahagya naman niyang nabitawan ang aking bewang. Geez, lasing na nga talaga ako. Naiinitan ako at gusto kong hubarin ang damit ko. Humawak ako sa braso niya upang alalayan ang sarili na makatayo nang maayos. Sinubukan kong maglakad at kung saan pupunta. “Where are you going?” Hinuli niyang muli ako at hiniwakan sa bewang. “You wanna go home or you want to come with me?” Hindi na ako sumagot at sumandal na lang sa kaniya. “I guess you wanna come with me, huh?” Hindi na ako nakasagot nang hinila na niya ako paalis.