SA BORACAY RESORT
TugstugstugsPagpasok ko sa isang beachfront bar dito sa Boracay, sinalubong ako ng nakabibinging tugtugin. Dito ako dinala ng aking mga paa matapos kong malaman ang masakit na katotohanang buntis ang kapatid kong si Charlotte—at ang ama ng dinadala niya ay walang iba kundi ang fiancé kong si Michael.Sa lakas ng musika, sinabayan ko ito ng mapusok na pagsayaw. Walang pag-aalinlangan kong giniling ang aking katawan sa poste sa entablado, walang pakialam sa mga mapanuksong tingin at hiyawan ng mga tao sa paligid. Ang bawat galaw ko ay lalong nakakuha ng pansin, lalo na mula sa mga kalalakihang hindi inaalis ang tingin sa akin. Suot ko lamang ang manipis na telang bahagyang tumatakip sa aking katawan isang puting two-piece na lalo pang nagbigay-diin sa bawat hubog ko tuwing hinahampas ng hangin mula sa dagat.
Wala na akong pakialam. Nagbakasyon ako para mag-enjoy, at hindi ko hahayaang sirain ito ng mga taong minsan kong pinagkatiwalaan , mga taong sa huli pala ay siya ring dudurog sa akin. Mas masakit pa, ang karibal ko ay ang sarili kong kapatid.
Ipinikit ko ang aking mga mata, hinayaan ang musika na lunurin ang sakit, at itinapon ang ulo sa hangin habang sumasabay sa hiyawan ng mga taong nakikisaya sa akin.
“WOHHHHH! YEAHHH!” sigaw ko habang malakas na nakitawa sa grupo ng mga lalaking pumalibot sa akin. May ilan sa kanila ang lumapit, nakisabay sa aking sayaw, at walang pag-aalinlangang hinawakan ang aking bewang. Hindi ako umatras sa halip, hinayaan ko silang sumabay, isinayaw ko ang aking sarili sa kanilang mga bisig. Sa sandaling ito, gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak, sa musika, sa bawat hibla ng kasiyahang pilit kong sinasakyan anumang makapagpapalimot, kahit saglit lang, sa sakit ng pagtataksil ng fiancé ko at ng aking sariling pamilya.
Nang mapagod na ako sa pagsasayaw, nagpasya akong bumaba ng entablado at lumakad patungo sa bar counter. Nagpaalam ako sa grupong kasayaw ko, habang ang ilan sa kanila ay nagyayaya sa isang pribadong lugar at ang iba naman ay gusto akong isama sa kanilang table. Tinawanan ko lang sila at tuluyang lumayo.Nais ko lang magsaya, pero wala akong balak makipag-s*x kahit kanino. Medyo pagewang-gewang akong tumatawa mag-isa habang papalapit sa bar area para makapagpahinga saglit at kumuha ng bagong inumin.
“Ma’am, para po sa inyo!” sabay abot ng bartender ng isang baso ng margarita sa akin.
“Kuya, wala pa akong ino-order! Haha! Kadarating ko lang dito.” Natatawa kong sagot sa kanya.
“Pinabibigay po ni Sir.” Sabay turo niya sa isang lalaking nasa kabilang mesa kasama ang grupo nito. Kumaway pa ang lalaki sa akin, pero hindi ko siya pinansin inirapan ko lang siya at binaling muli ang atensyon ko sa bartender.
“Naku, kuya, hindi ko naman kilala ‘yang lalaking ‘yan. Pakibalik na lang sa kanya.” Mariin kong sabi.
“Ma’am, bayad na po kasi ito ni Sir. Baka po mapagalitan ako.” Sagot ng bartender, halatang nag-aalangan.
“No, thank you, kuya! Kaya kong bumili ng sarili kong inumin. Kung gusto mo, inumin mo na lang o ibigay mo sa iba.” Pagmamatigas kong tanggi, saka lumipat ng pwesto palayo sa grupo ng mga lalaki.
“Naku Mam mapapagalitan po kasi ako!” Kakamot kamot siya sa kaniyang ulo sabay lakad papalayo
“Kuya, pakisunod na lang sa akin ang bote ng tequila, salamat. Nandoon lang ako sa table na ‘yun!” sigaw ko, sabay turo sa sand couch sa di-kalayuan. Gusto kong mapag-isa, at iyon lang ang lugar na may kapasidad para sa dalawa.
Madilim na ang paligid, at tanging ang maliit na lampara sa ibabaw ng lamesa ko ang nagbibigay-liwanag. Tahimik akong nakaupo, nakatitig sa dalampasigan, nang biglang may inabot sa aking bote ng tequila mula sa likuran.“Thank you, kuya!” sabi ko, iniisip ko na ito ang bartender na inutusan ko kanina.
“Walang anuman, Miss. Kanina mo pa tinatanggihan ang inumin na binibigay ko sa’yo.” Sagot ng lalaki, sabay lapit sa aking tainga. Nagulat ako sa biglaan niyang pagsasalita lalo na nang marinig ko ang mababa at matipunong tono ng kanyang boses. Para akong nakuryente sa pagdampi ng kanyang tinig sa aking pandinig, dahilan para mapaatras ako nang bahagya.
“Ay, putsa” Napasigaw ako sa pagkagulat. “Ano ba naman ‘yan?! Sorry, kuya, pero gusto ko lang mapag-isa ngayon. Wala akong interes sa kahit ano pang inaalok mo.” Pasinghal kong sagot at hindi na nag-abala pang lumingon.
“Miss, makikipagkilala lang naman sana ako. Wala akong masamang intensyon, promise.” Sagot niya, sabay tingin sa akin na animo’y may kasamang pang-aakit. Lalo pa niyang pinungay ang kanyang mga mata, tila umaasang makuha ang atensyon ko pero hindi iyon umubra sa akin.
“Iba na lang ang lokohin mo, huwag ako. Quota na ko sa mga manloloko, pwede ba lubayan mo na lang ako!” Mariin kong sagot bago tumayo mula sa aking upuan. Kinuha ko na rin ang boteng dala niya dahil sa totoo lang, kanina pa ako nauuhaw sa alak. Habang naglalakad papalayo, tinungga ko na ito nang hindi man lang lumilingon.
Narinig ko na lang ang mga kasamahan niya na nagtatawanan at kinakantsawan siya nang bumalik siya sa kanilang pwesto.
“Woooh! Wala! Hindi tumalab ang kapangyarihan ni Mr. Santiago! Hahaha!” Malakas na halakhakan ng grupo niya.“Bro, first time ‘yan ah! May nanabla sa’yo!” Pangaasar pa ng isa.
“Hindi na effective ang mga galawan mo, bro. Magbago ka na ng estilo! Sa dami ng nadale mo sa ganyang diskarte, wala nang naniniwala! Hahaha!” Dagdag pa ng isa sa kanila.
Napakamot na lang siya ng ulo habang nakatingin sa akin. “Mga siraulo! Mag-inom na lang tayo!” sagot niya bago bumalik sa kanyang grupo. Tuloy ang kasiyahan nila, kasama ang mga babaeng katabi nila maliban sa kanya, na tila nagpaiwan at walang kaharutan ng mga sandaling iyon.
Makalipas ang halos isang oras, napansin kong nagsitayuan na ang mga kasama niya, kasama na rin ang mga babaeng ka-table nila. Alam ko na kung saan sila patungo, kaya napapailing na lang ako. Siya lang ang naiwan at patuloy na umiinom mag-isa. Lasing na lasing na ang grupo niya, pero siya, mukhang mas piniling uminom pa kesa sumama sa kanila.
Napabuntong-hininga ako at isinandal ang likod sa upuan, bumalik sa sarili kong mundo. Muling bumalik sa isip ko ang sakit na naramdaman ko kaninang umaga ang pagkakanulo ng sarili kong pamilya. Napakapit ako sa bote ng tequila at tuloy-tuloy na lumagok, pilit kong nilulunod ang pait na bumabagabag sa akin.
Sa gitna ng katahimikan, muling may boses na umalingawngaw sa aking likuran.
“Malalasing kang mag-isa niyan, Miss.”
Napairap ako bago lumingon. “Ikaw na naman?! Hindi mo ba ako lulubayan? Nagsialisan na mga kasama mo oh!” inis kong sagot sa kanya.
Ngunit imbes na sumagot, ngumiti lang siya, tila inaasar ako.
Lalo akong nainis. “Bakit ka tatawa-tawa diyan?!” tanong ko, nagtatakang pinagmamasdan ang kanyang mapangiti ngunit mapanuksong ekspresyon.
“Interesado ka din pala sa’kin. Napansin mo pang umalis ang mga kaibigan ko, ha?” sabay kindat niya.Bigla akong namula sa sinabi niya. Minsan talaga, hindi ako nag-iisip bago magsalita kaya ako napapahamak. May punto rin siya. Totoo namang kanina pa ako pasulyap-sulyap sa grupo nila, kaya nalaman kong naiwan na siyang mag-isa.