Share

OFW Wife of a Billionaire
OFW Wife of a Billionaire
Author: Roxxy Nakpil

Kabanata 001

Author: Roxxy Nakpil
last update Last Updated: 2024-06-18 12:06:53

KATE POV

“PAKKKKK!”

Sunod-sunod na malalakas na sampal ang pinakawalan ko sa pisngi ng aking long-time boyfriend at fiancé na si Michael nang sorpresahin ko ang aking pamilya. Matagal akong nawala, mahigit dalawang taon akong nagtrabaho sa Dubai bilang Showroom Supervisor sa pinakamalaking supplier ng baking items at ingredients sa buong Middle East—at ito ang pagbabalik na sumalubong sa akin.

"Hay*p ka, Michael!" Galit kong hinampas ang kanyang dibdib at walang pag-aalinlangang hinagis ang dala kong maleta sa kanya. "Bakit si Charlotte pa?! Sa dinami-dami ng babaeng pwede mong mabuntis, bakit kapatid ko pa?!" sumisigaw kong panunumbat, habang patuloy ang pagbagsak ng aking luha. "Napakawalang-hiya ninyong dalawa!"

Walang pakundangan kong pinaghahahampas siya ng paper bag na kapit ko na dapat ay pasalubong ko para sa kaniya. 

“Limang taon, Michael! LIMANG TAON ang sinayang mo!” Pasigaw kong dugtong habang nanginginig ako sa galit at panghihinayang sa panahong sinayang ko para sa kaniya.

Lahat ng nasa aking paligid ay tahimik lamang at wala ni isang nakapagsalita sa biglaan kong pagsulpot sa aming bahay.

Nanlilisik ang aking mata ng tignan ko ang kinatatayuan ng ang aking kapatid na babae. "Charlotte, IKAW!" Halos hindi ko maituloy ang sasabihin dahil sa dami ng emosyon na bumabara sa aking lalamunan. "Bakit si Michael pa?! Hindi ka na nahiya? Ang dami-daming lalaki sa mundo, pero siya pa talaga ang pinili mo?!"

Ilang taon kong tiniis ang lungkot at pagod sa ibang bansa para maibigay sa kanila ang magandang buhay, at ito lang ang isinukli nila sa akin?

"Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko…" Napabuntong-hininga ako, patuloy ang pagpatak ng aking luha kahit anong pigil ko. Nagbabaga ang galit sa puso ko, at sa kabila ng lahat, umaasa akong may magpapaliwanag—kahit isa lang mula sa aking pamilya. Ngunit si Charlotte, nakayuko lang, hindi man lang makatingin sa akin.

Tahimik ang lahat. At ako… naghihintay pa rin ng sagot sa sakit na hindi ko kayang lunukin.

"ATE! SORRYYYY! Huhuhu! Hindi ko sinadya ang nangyari!"

Yun lang ang naisagot ni Charlotte, patuloy na nakayuko at umiiyak nang hagulgol.

"Hindi mo sinadya?! Ano, Charlotte? Kusa bang nalalaglag ang panty mo at biglang pumapasok ang tit* ni Michael sa loob mo nang paulit-ulit?!" Galit kong singhal, nanginginig sa matinding emosyon.

"Kate! Tama na 'yan! Ang bastos ng bibig mo! Ganyan na ba ang ugali mo mula nang mag-abroad ka? Yan ba ang natutunan mo sa mga kaibigan mo roon?" Mariing saway ni Mama, galit na galit sa akin, na para bang ako pa ang may kasalanan sa nangyari. "Wala na tayong magagawa. Nangyari na 'yan! Dapat panagutan ni Michael ang dinadala ng kapatid mo!"

"Ma, alam niyo na pala?! Kailan pa?!" Napalingon ako kay Mama, hindi makapaniwala sa narinig ko.

Nauutal man, nagsalita rin sa wakas ang nakababata naming kapatid. "Ate, gusto ko naman talagang sabihin sa’yo noon pa, pero pinigilan ako nila Papa. Baka daw kasi kapag nalaman mo ang tungkol kay Ate Charlotte at Kuya Michael, itigil mo na ang pagpapadala sa amin. Ga-graduate na daw kasi si Ate Charlotte sa August..." Dire-diretsong sambit ni George, bakas ang inis at sama ng loob. "Gago yang hay*p na 'yan! Dapat diyan pinapatikim!" galit na sigaw niya, sabay umamba ng suntok kay Michael.

Bigla namang sumingit si Papa at pumagitna. "Isa ka pa, George! Tumigil ka na! Isara mo yang bibig mo kung ayaw mong pasabugin ko 'yan! Sinabihan na kitang huwag kang makialam!" Mariing banta niya, pilit pinapatahimik ang kapatid namin.

"Putsa naman!"* Napahampas ako sa ulo, hindi pa rin lubos matanggap ang narinig ko. "Hindi ko maisip kung paano kayo pumayag na hayaan si Charlotte at Michael na ipagpatuloy ang kababuyan nila!"

Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang mapagtantong limang buwan na pala silang magkasama sa bahay na ito—at walang nagsabi sa akin.

"Tshhhh! Lahat pala kayo, alam niyo na noon pa?! Ma, Pa, ano?! Wala kayong balak sabihin sa akin dahil natakot lang kayo na hindi na ako magbigay ng suporta sa inyo?!" Mas lalo akong nanlumo, ramdam ko ang bigat ng pagkakanulo nila sa akin. "Pinagkaisahan niyo ako! Sana man lang naisip niyo na malalaman ko rin ito! Sana sinabi niyo nang mas maaga para kahit papaano, naihanda ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon!"

Hirap na hirap akong pigilan ang galit at sakit na nararamdaman ko. Parang binunutan ako ng puso sa mismong tahanan na dati kong inisip na bubuuin para sa kanila.

"Aba, Kate! Napakapangit naman ng tabas ng dila mo!" Mariing singhal ni Papa, sabay turo kay Michael. "Bakit hindi mo tanungin yang fiancé mong magaling kung bakit kayong magkapatid pa ang pinatulan niya?!"

"Kaya tama na ang paninisi mo sa kapatid mo! Hindi porket ikaw ang sumusuporta sa amin ay may karapatan ka nang magsalita ng ganyan!" Dagdag pa niya, nanggigigil sa galit. "Napakayabang mo na!"

Bigla siyang sumugod sa akin, akmang sasampalin ako, ngunit agad siyang pinigilan ni George.

Napahagulgol ako, ramdam ang hinanakit. "Pa, sana kahit papaano, nagpakita kayo ng concern sa akin. Sana sinabi niyo ang totoo! Anak niyo rin ako! Kapatid ko ang nabuntis ng fiancé ko! Sana naisip niyo kung gaano kasakit ito para sa akin!"

Nanlabo ang paningin ko sa patuloy na pagluha. "At ang mas masakit pa, kinunsinti niyo si Michael! Hinayaan niyo siyang tumira dito imbes na palayasin! Kaya pala panay ang tinginan ng mga kapitbahay natin nang bumaba ako sa taxi. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit..."

Napailing ako, halos hindi na makapagsalita sa bigat ng emosyon.

Ngunit imbes na lumambot ang loob ni Mama, lalo siyang nagalit. "Aba, napakayabang mo na ngang sumagot sa amin! Pinagmamalakihan mo na kami ngayon? Hindi ba si Charlotte ang mas naagrabyado dito?!"

Halos pasigaw na ang boses niya. "Sige, sa’yo na ang pera mo! Akala mo ba hindi kami mabubuhay nang wala ang ipinapadala mo?! Napag-abroad ka lang, ganyan ka na umasta! Huwag kang mag-alala, ibabalik namin sa’yo lahat ng pinadala mo pati ang ginastos mo sa pag-aaral ng kapatid mo at ni Michael! Tutal, sasampa na siya ng barko bilang kapitan—sige, kwentahin mo lahat, singku-singkuhan ng naibigay mo sa amin!"

Matalim ang tingin niya sa akin, puno ng hinanakit. "Ingrata kang bata ka! Kapatid mo ang magbubuntis at magpapakahirap, hindi ikaw! Ngayon, paano pa siya makakapasok sa eskwelahan habang lumalaki ang tiyan niya, lalo na’t hindi pa man lang siya naikakasal?!"

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko sa sobrang sakit. Hindi ko maintindihan ang mga magulang ko. Parang hindi ako ang anak nila.

Tumalikod na lang ako, hindi na kayang pakinggan pa ang mga masasakit na salitang ibinabato nila sa akin. Walang lingon-lingon, walang sagot. Para akong nabingi sa lahat ng sinabi nila.

Dala lang ang aking shoulder bag at hand carry luggage, lumabas ako ng bahay.

Wala na akong maramdaman. Para akong manhid.

Narinig ko ang pagtawag ni George, pilit akong pinipigilan, pero wala na akong lakas para lumaban.

Walang pag-aalinlangan, sumakay ako sa unang dumaan na taxi—at tuluyang iniwan ang lugar na minsang tinawag kong tahanan.

“Kuya sa airport po tayo!” Humagulgol kong sabi sa driver .

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (16)
goodnovel comment avatar
Roxxy Nakpil
Hello Na-naks Readers Para sa mga patuloy na nagbabasa ng aking libro. Mayroon po akong pa games . Para sa darating na kapaskuhan kung nais mong sumali. Paki check po sa aking fb page Roxxy Nakpil GoodNovel Author ang instruction para makasali. Nagbasa ka lang baka magka smart watch ka pa ...
goodnovel comment avatar
Roxxy Nakpil
Hello Na-naks Readers Para sa mga patuloy na nagbabasa ng aking libro. Mayroon po akong pa games . Para sa darating na kapaskuhan kung nais mong sumali. Paki check po sa aking fb page Roxxy Nakpil GoodNovel Author ang instruction para makasali. Nagbasa ka lang baka magka smart watch ka pa ...
goodnovel comment avatar
Roxxy Nakpil
Hello Na-naks Readers Para sa mga patuloy na nagbabasa ng aking libro. Mayroon po akong pa games . Para sa darating na kapaskuhan kung nais mong sumali. Paki check po sa aking fb page Roxxy Nakpil GoodNovel Author ang instruction para makasali. Nagbasa ka lang baka magka smart watch ka pa ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 464

    "Hon, patawarin mo ako. Matinding galit ang naramdaman ko noon kaya nagpadala ako sa mga taong gusto lang sirain tayo, imbes na magtiwala sa’yo bilang asawa ko. Mali ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Habang nasa mansion pa ako, ang dami nang nangyari. Ang mommy mo at si Annie, laging kinakampihan si Pearl. Nang masampal ko siya, hindi ko iyon sinadya. Nabigla lang ako. Sinabi nilang umamin ka raw kay Pearl na mas mahal mo siya kaya nananatili siya sa mansion kahit hiwalay na sila ni Jeff.“Dahil sobrang nasasaktan na ako, napagdesisyunan kong pumunta sa US para sundan ka. Miss na miss na kasi kita, kaya binalewala ko ang pride ko. Pero pagdating ko, nakita kita sa kama na may ibang babae. Napakasakit nun, Hon! Pero imbes na kausapin ka, umalis ako at dumiretso kina Mommy. Hindi ko inaasahan na sa pagbisita ko, mas malaking kawalang-hiyaan pa pala ang gagawin nila Jasmin sa akin."Malungkot ang naging reaksyon ni Haime. "Hon, sorry. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang babaeng

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 463

    “Okay. Tungkol ito kay Pearl at Jessie, ‘yung babaeng kasama niya sa restaurant na nakuhaan mo ng picture. Si Jessie ay nakababatang kapatid ni Pearl na lumaki sa Amerika. Isang kaibigan niya ang nagkumpirma na lahat ng nangyari kay Haime at Jessie ay pinagplanuhan. Sinundan ni Jessie ang bawat galaw ni Haime, mula sa disco bar hanggang sa makuha niya ang tiwala nito. Sinadya niya itong akitin dahil sa utos ni Pearl. Pati ang pagkuha ng litrato sa kwarto kasama si Haime ay plano nila para tuluyan mo siyang hiwalayan,” paliwanag ni Detective.“Sabi ko na nga ba, Natalie. Kilala ko si Haime. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong kasamang bagay,” sabi ni Nicholai.“Kaya pala may pagkakahawig ang dalawang bruha! Sarap sabunutan,” inis na sabi ni Ryan.Ramdam ko ang galit na unti-unting lumalabas. Puno na ako ng inis at pagkadismaya sa nalaman ko. Ngunit iyon pa lang ang magandang balita. Kailangang maghanda ako sa masamang balita.“Ano naman ang masamang balita, Detective?” tanong ko, kina

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 462

    Napasulyap ako kay Annie, na tila naintindihan ang tingin ko.“Kuya, wala kaming pinalayas. Kusa siyang umalis! Sinampal pa niya si Pearl bago siya umalis. Narinig ko rin sa mga kaibigan ko na nakatira na raw siya sa condo ni Mark,” sabi ni Annie habang si Pearl ay tahimik na nakatayo sa likod niya.“Annie, tigilan niyo na ang kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie,” mariin kong sabi, napapadiin ang mga bagang ko.“Hindi kami gumagawa ng kwento. Tawagan mo si Mark para malaman mo,” sagot niya nang matapang. Hindi siya natatakot kahit galit na galit na ako.“Sige, tawagan mo, Haime. I-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan,” dagdag pa ni Mommy, tila naghahamon.Kahit galit na galit ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mark. Sinunod ko ang gusto nila at niloud speaker ito.“Hello, Haime? Napatawag ka?” tanong ni Mark sa kabilang linya.“Mark, may gusto akong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba sa condo mo ang asawa ko?” tanong ko, puno ng tensyon

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 461

    HAIME POVSa wakas, natapos din ang back-to-back meetings at branch visits namin dito sa US. Finally, makakauwi na rin ako. Makikita ko na si Natalie. Magkakausap na rin kami tungkol sa mga isyung nagdulot ng gulo sa amin, pati na rin kung bakit halos isang buwan na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe ko.Habang naglalakad ako papunta sa lobby para isauli ang keycard ng hotel, naramdaman ko ang mga tingin at bulungan ng mga receptionist na kapwa Pilipino. Parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko na lang talaga makauwi. Nang papaalis na ako, isa sa kanila ang mahina akong tinawag.“Sir, may gusto lang po sana kaming sabihin,” alanganing sabi ng receptionist. Nagtinginan pa sila at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.Dahil sa pagkamausisa ko, napahinto ako. Lagi ko silang nakikitang nagbubulungan tuwing dumadaan ako, kaya hindi ko napigilang bumalik sa harapan nila.“Yes? Ano ’yun, Miss?” tanong ko sa babaeng receptionist.“Sir, kasi po, last m

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 460

    malakas na tumawa si Jeff. "Kapatid ko si Haime, I'm his older brother," sagot niya, sabay tawa. "So you mean yung boss na sinasabi mong naiinis ka ay si Natalie?" tanong pa niya."MY GAWD! I think I'm in trouble!" sabi ko, napayuko sa gulat.Itinaas ni Jeff ang mukha ko para mawala ang pagkahiya ko. "It's ok. Hindi naman ako close sa hipag ko, at yung kapatid ko, dating live-in partner yun ng asawa ko. Ngayon finally na annuled na ako dahil kay Haime. Ayun, nagpapakasaya na naman ang malanding babaeng yun sa mansion." Mahabang paliwanag niya, hindi ko alam kung lasing ba siya o nagsasabi ng totoo.Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Natalie, hindi niya naikwento sa akin ang mga bagay na ito. Kaya siguro siya umalis sa bahay ng mga Rodriguez."Wohhhh! Cheers natin yan! Parehas pala tayong bwisit sa buhay!" nag-toast kami. Tapos may inilabas si Jeff na parang sigarilyo."Ok lang bang mag-smoke ako dito sa loob ng cubicle?" ta

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 459

    JASMIN POVNakakainis talaga si Natalie, ang yabang, akala mo kung sino na. Akala niya kasi dahil nakapang-asawa ng mayaman, may karapatan na siyang magmataas. Kung hindi lang dahil kay Haime, hindi siya makikilala ng mga malalaking tao. Hindi siya dapat nandiyan, lumalago lang ang negosyo dahil sa tulong ng asawa niya. Tapos ngayon, ganyan ang mga ugali. “Bakit, nagagalit siya kasi hindi ko siya pinatira sa bahay nung tumawag siya? Aba, kasalanan ko ba na ang buong pamilya ko nakatira sa amin? Akala ko hindi na siya magche-check ng mga finances, kaya nga nila ako kinuha. Naiirita na talaga ako. Isa pa tong si Brett, puro abala na lang sa buhay ko. Bwisit na buhay!” naiinis kong bulong habang papasok sa office.Pinatawag ko ang isa sa mga tauhan ko at nagpaalam na uuwi muna ako, sila na lang ang bahala sa office. Ayokong dagdagan pa ang stress ko. Pero naiisip ko lang, bakit sila Natalie naging maayos ang buhay? Tapos ako, eto, ang daming problema. Naisipan kong dumiretso sa paborit

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 458

    POV NATALIEIlang minuto lang ang nakalipas at dumating na ang doktor at ibinigay sa akin ang discharge papers. Mali ang pagkakakilala ko kay Mr. Tan—akala ng lahat, isa siyang babaero. Pero nagulat ako sa naging kilos niya nang maaksidente ako. Mabait pala siya at marunong rumespeto sa isang relasyon. Alam niya kung saan siya lulugar. Simula nang pumayag akong mangupahan sa isa niyang condo unit, ni minsan ay hindi siya pumunta rito. Malaya akong nakakagalaw at walang nararamdamang pressure mula sa kanya.Iniwasan ko ang pamilya ni Haime, pati na rin siya mismo. Kahit si Mayet na paulit-ulit na nangangamusta, hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag at emails ni Haime. Tuwing binabasa ko ang mga mensahe niya, wala man lang akong nakikitang paghingi niya ng tawad. Siguro, hindi niya alam na nahuli ko siya noong araw na iyon—o baka naman, nalason na ng pamilya niya ang isip niya.Ayos lang naman ako, lalo na ngayon na nalaman kong magkaka-baby na ako. Kaya ko namang buhayin mag-isa ang

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 457

    Pagdating namin sa ospital, agad na sinuri ng doktor si Natalie."Doc, kumusta na siya?" tanong ko habang pinupunasan ang sarili kong basang damit dahil sa ulan. Ramdam ko ang pag init ng katawan ko, tila sinamaan ako dahil naulanan ako pero hinayaan ko na lang."Mabuti naman siya, Mr. Tan," sagot ng doktor. "Buti na lang at nakasuot siya ng seatbelt nang mangyari ang aksidente. Bibigyan na rin kita ng gamot para sa sipon mo, baka lumala pa."Habang nag-uusap kami ng doktor, unti-unting dumilat si Natalie. Napatingin siya sa suwero na nakakabit sa kanya, tapos nilinga-linga ang paligid na tila naguguluhan. Halata sa mukha niya ang pagkalito kaya nilapitan ko siya para pakalmahin."Natalie, nasa ospital ka. Nakita ka namin sa kalsada kanina at naaksidente ka," mahinahon kong paliwanag."Ahhh... salamat," sagot niya nang may halong pagkalito.Nagpatuloy naman ang doktor sa pagsasalita. "At isa pa, Mr. Tan, mabuti na lang at hindi naapektuhan ang sanggol sa sinapupunan niya. Malakas ang

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 456

    Kaagad kong ini-start ang makina ng kotse at pinaharurot ito sa kalsada. Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan ako pupunta. Naibenta ko na ang townhouse ko, at ang condo ni Haime na dati naming tinirhan ay okupado na ng mga estudyante. Wala akong ibang matakbuhan kaya naisipan kong tawagan si Jasmin."Jasmin, pwede ba akong humingi ng pabor?" Pilit kong pinipigilan ang aking luha, ayokong malaman niya agad ang pinagdadaanan ko."Ano yun, Natalie?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses niya."Pwede bang makituloy muna ako sa inyo?" mahina kong tanong."Bakit? May problema ba? Okay lang naman, kaya lang nandito rin ang pamilya ni Ate ngayon. Di ba nasunugan sila? Siksikan kami dito sa bahay. Okay lang ba sa'yo?" paliwanag niya."Aah, ganun ba? Sige, wag na lang, magho-hotel na lang ako para hindi ako makadagdag sa abala, nakakahiya din sa Ate mo. Nandiyan pala sila ngayon." sagot ko, pilit na pinapatawa ang sarili."Sigurado ka, sis? Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli, ram

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status