“ABA, ang tapang mo na ngayon, ah?!” nakangising wika nito.
“Kailangan kong maging mabangis sa mga ahas na katulad mong pilit na nagrereyna-reynahan sa kalagitnaan ng kagubatan kahit na alam mong para sa Leon lamang ang titulong ‘yon!”
“Ang tapang talaga!” tumawa pa ito ng malakas kasabay ng pagpalakpak. “Sige, ganito na lang. May isang kondisyon ako at sa tingin ko ay hindi mo ‘ko mahihindian dito. Gusto kong makipagkita ka kay Gerald dahil isasauli ko na siya sa ‘yo. Sawa na ‘ko sa kanya at gusto ko naman ng ibang putahe, hahaha!” para itong demonyo kung humalakhak.
“Ano ako, tangang katulad mo para sumunod sa ‘yo? Kahit sa bangungot mo ay hindi mangyayari ‘yon, baliw!”
“Hahaha! Sige, sabihin na lang natin na kasama ako nina tito at tita sa iisang bubong. At dahil malaki ang tiwala nila sa ‘kin, ay hindi nila mapapansin na unti-unti ko silang papatayin sa lason na ilalagay ko sa kanilang mga pagkain. Mag-uumpisa ‘yan bukas, kaya magdesisyon ka na ngayon! At kapag hindi ka sumunod, a