“ABA, ang tapang mo na ngayon, ah?!” nakangising wika nito.“Kailangan kong maging mabangis sa mga ahas na katulad mong pilit na nagrereyna-reynahan sa kalagitnaan ng kagubatan kahit na alam mong para sa Leon lamang ang titulong ‘yon!”“Ang tapang talaga!” tumawa pa ito ng malakas kasabay ng pagpalakpak. “Sige, ganito na lang. May isang kondisyon ako at sa tingin ko ay hindi mo ‘ko mahihindian dito. Gusto kong makipagkita ka kay Gerald dahil isasauli ko na siya sa ‘yo. Sawa na ‘ko sa kanya at gusto ko naman ng ibang putahe, hahaha!” para itong demonyo kung humalakhak.“Ano ako, tangang katulad mo para sumunod sa ‘yo? Kahit sa bangungot mo ay hindi mangyayari ‘yon, baliw!”“Hahaha! Sige, sabihin na lang natin na kasama ako nina tito at tita sa iisang bubong. At dahil malaki ang tiwala nila sa ‘kin, ay hindi nila mapapansin na unti-unti ko silang papatayin sa lason na ilalagay ko sa kanilang mga pagkain. Mag-uumpisa ‘yan bukas, kaya magdesisyon ka na ngayon! At kapag hindi ka sumunod, a
KAPANSIN-PANSIN ang pananahimik ni Saskia habang nasa sasakyan sila. Hindi man lang siya nito kinausap hanggang sa makarating na sila sa kanyang bahay.“Oh, bakit parang ang bilis niyo naman yatang makauwi? Hindi ba kayo nag-enjoy sa pinuntahan niyo? Aba ‘y tatlong oras lang yata kayong nawala, ah!” salubong sa kanila ng mommy niya.“Ito po kasing si Saskia, Mom, nagyaya agad na umuwi. Pero okay na rin ‘yon, at least sa kaunting oras ay nakapamasyal na rin kami,” sagot niya.Nakita niyang tiningnan lang ng kanyang asawa ang mommy niya, pansin pa rin ang pagiging ilag nito dito. Pero pasasaan ba ‘t baka dumating din ang araw na magkaayos at magkasundo rin ang mga ito.Nitong mga nakaraang linggo ay napansin niya naman ang tuluyang pagbabago ng kanyang mommy. Wala na rin ang dating magaspang nitong ugali. Kaya naniniwala na siyang nagbago na nga talaga ito.“O, siya, ihatid mo na iyang asawa mo sa kwarto ninyo at mukha pagod, at ng makapagpahinga na rin siya,” utos nito.“Okay, Mom. Hal
PAKIRAMDAM ni Saskia ay napakasikip ng kanilang kwarto dahil halos doon lang siya umiikot para mag-isip ng solusyon sa problema niya kay Vivian. Kaya ang ginawa niya ‘y lumabas siya ng silid at dumiretso sa labas ng bahay at umupo sa isang bench na naroroon sa mini garden.Kasalukuyan siyang nakapangalumbaba at matamang nakatitig lang sa isang makulay na bulaklak nang bigla na lang may magsalita sa likuran niya.“May problema ba, hija? Pagpasensiyahan mo sana ang pagiging pakialamera ko dahil inistorbo ko ang pananahimik at pag-iisa mo rito. Pero kasi, sa mga kilos mo ‘y napapansin kong parang may mabigat kang dinadala. At bilang isang ina, gusto kitang tanungin bilang isang anak. Alam kong ilag ka pa rin sa ‘kin, pero malay mo, baka gumaan ang pakiramdam mo kapag nagkwento ka sa ‘kin,” wika ng mommy ni Weston. Bakas sa tono nito ang malumanay na pananalita na para bang inaakit siyang gumaan ang pakiramdam niya rito.Naisip din niyang sa mga sandaling iyon ay kailangan niya ng mapagsas
NAPANSIN siguro ng ginang na napasobra yata ito sa kasasalita kaya humingi ito ng paumanhin sa kanya ng saglit siyang tumahimik.“Pasensiya ka na, hija. Kung naging madaldal ako, hindi mo tuloy maipagpatuloy ang pagkukwento mo sa ‘kin.”“Okay lang po ‘yon. Naninibago lng po ako sa inyo, kasi napaka-jolly niyo po pala! Nakakatuwa naman po kayong kausap!” nakangiting sambit niya.Totoo naman kasi iyon. Hindi pa man niya naisasabi ang totoong problema niya ay tila gumaan na ang kanyang pakiramdam. Hindi siya nagkamaling kausapin ito.“Talaga ba? Naku, ‘yan din ang palaging sinasabi sa ‘kin ng mommy mo. Mag-ina talaga kayo! O, siya, nasaan na nga ulit tayo?”Muli niyang ipinagpatuloy ang pagkukwento.“May pinsan po kasi ako, si Vivian. Simula pagkabata ay sa ‘min na siya nakatira, kapatid ng papa ko ang mama niya. Simula nung iniwan siya sa ‘min ng mama niya, hindi na siya nito binalikan pa. Kaya sina mommy at daddy na ang tumayong mga magulang niya. Bata pa lang kami ay may napapansin na
PAGDATING ni Weston sa bahay ay nagtaka siya dahil hindi niya makita ang kanyang mommy sa buong kabahayan. Nilibot rin niya pati sa labas ng kanyang bahay, ngunit hindi niya talaga ito mahanap.Nasanay kasi siya na sa bawat pagdating niya ay nadadatnan niya itong nasa sa salas na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV o kaya naman ay nagbabasa ng magazine. O kung hindi naman, ay naroroon ito sa kanyang mini garden habang nagmumuni-muni. Minsan naman, ay naroroon ito sa kusina para tumulong sa pagluluto kay nanay Lita.Kaya nakapagtatakang hindi niya ito makita sa buong kabahayan ngayong araw. Hindi na siya nakatiis kaya agad niyang pinuntahan si nanay Lita sa kusina na kasalukuyang nagluluto para sa kanilang dinner upang itanong kung saan naroroon ang kanyang mommy.“Excuse me, nanay Lita. Alam niyo po ba kung saan naroroon si mommy? Hindi ko siya mahanap dito sa buong kabahayan, eh,” magalang na tanong niya rito.“Naroon po siya Sir sa kwarto ninyo ni Ma’am Sas—” hindi na nito natapos ang
“SASAMA ako sa ‘yo bukas, Baby. Magmamatyag lang ako sa malayo kasama ang mga tauhan ko. Hindi ako papayag na mag-isa ka lang na pupunta roon!” wika ni Weston sa malakas na tinig na para bang siya ang kinagagalitan nito.“Pero, Weston. Paano sina mommy at daddy? Kabilin-bilinan sa ‘kin ni Vivian na huwag akong magsasama ng kahit na sino! Paano kung makatunog siya na may mga kasama ako at nagmamatyag lang sa paligid?” problemadong sambit niya.“Alam kong hindi siya ganoon katalino para malaman niya ang diskarte ko! Kaya huwag kang mangangamba, okay?”“Si-sige. Pero siguro, kailangan ko munang tawagan sina mommy at daddy. Bahala na kung galit pa rin sila sa ‘kin, ang mahalaga ay malaman nila ang binabalak ni Vivian sakali mang makatunog siya sa plano natin!”“Sige, sige. Tatawagan ko rin ang mga tauhan ko para makapaghanda bukas,” wika nito sabay talikod at lumabas ng kanilang silid.Siya naman ay mabilis na dinampot ang sariling cellphone para tawagan ang personal number ng kanyang momm
“SANIA, kailan ka pa natutong magsinungaling at maglihim sa ‘kin? Kahit anong palusot mo, at kahit ano pa ang idahilan mo, ay alam kong may dinaramdam kang isang malalim na bagay. Hindi mo rin maitatago sa ‘kin ang pamumugto ng mga mata mo. Alam kong umiiyak ka ng palihim. Now tell me, ano ba ‘yon?”Tama ito, hindi nga siya makakapagsinungaling sa asawa dahil kilalang-kilala na siya nito. Kaya wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang sabihin dito ang siyang nagpapabagabag at nagpapalungkot sa kanyang damdamin.“Juancho, paano kung…tama pala lahat ng mga sinabi sa ‘tin ni Saskia?” wika niya.“Ano ang ibig mong sabihin diyan, Sania?” nakakunot-noo nitong tanong.“Anak natin siya, ‘di ba? At kilala dapat natin siya. At bilang mga magulang, pakiramdam ko ay nagkamali tayo sa biglaang panghuhusga sa kanya. Nung magsumbong siya sa ‘tin tungkol sa pagkakaroon ng relasyon nina Vivian at Gerald, ay hindi natin siya pinaniwalaan, bagkus ay agad tayong nagalit sa kanya. Hindi man lang muna t
“JUANCHO! Juancho! Ano ang nangyayari sa ‘yo?!” sunud-sunod na tanong niya sa asawa nung bigla na lang itong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.Niyugyog niya ito sa ulo at sa buong katawan sa pagbabakasakaling magising ito, pero walang nangyari, kaya nataranta na siya. Wala pa naman silang kasamang kasambahay dahil nasa bakasyon pa ang mga ito, maging si Vivian ay wala pa rin kahit gabi na.Kaya ang ginawa niya ‘y dinampot niya ang cellphone para tawagan ang mga kaibigan o kamag-anak nilang mga nasa malapit lang. Pero nagtaka siya ng makita niyang napakaraming missed calls ni Saskia, kaya naisipan niyang ito na lang din ang tawagan niya.Anong pasasalamat niya nung sumagot naman agad ito. Hindi pa man ito nakakapagsalita sa kabilang linya ay inunahan na niya ito.“A-anak, Saskia! Kailangan ko ang tulong mo, ngayon din! Ang daddy mo, nawalan ng malay! Hindi ko alam ang nangyari kung bakit siya nagkaganito!”Hindi na niya narinig ang isinagot nito dahil siya namang pagdating ni Vivi
PAGDATING nila sa bahay ay agad silang sinalubong ng nag-aalalang si Mommy Diana.“Hoy, kayong dalawa, saan kayo galing, ha? Ni hindi man lang kayo sa ‘kin nagpaalam? O, kaya naman kahit kay Lita, hindi? Paano kung nadisgrasya kayo, ha? Pinag-alala ninyo akong dalawa! Kanina pa kami kahihintay sa inyo para mag-dinner!” sambit nito sa kanila na para bang pinagagalitan silang dalawa.Nagkatinginan muna silang dalawa ni Weston, pagkatapos ay ito na rin ang nagpaliwanag sa ina.“Mommy, nagmamadali po kasi kami kanina ni Saskia. Nagkaroon po kasi ng emergency ang Daddy niya, nasa ospital ito at kasalukuyang naka-confine. Sa pagkataranta namin at pagmamadali, ay nakalimutan na namin ang magpaalam,” paliwanag ni Weston.“Hala, ano raw ba ang nangyari sa Daddy mo, hija?” bigla ang pag-aalalang rumehistro sa mukha nito.“Hayun po, nagpapalakas ng katawan. Nawalan daw po kasi ng malay sabi ni Mommy, kaya agad niyang itinakbo sa ospital” sagot niya.“Eh, kumusta naman daw siya ngayon?” muling ta
PAGLABAS ni Saskia ng silid na kinaroroonan ng kanyang Daddy, ay nadatnan niyang nakaupo si Vivian sa hallway seating. Nakabusangot ito at hindi maipinta ang mukha. Lalagpasan na sana niya ito, pero pagtapat niya rito ay agad itong tumayo at tiningnan siya ng mapang-uyam habang nakataas ang isang sulok ng labi.“Hindi na muna natin itutuloy ang pagkikita ninyo ni Gerald bukas dahil sa nangyari kay tito. Kaya magpasalamat ka.”“Ako, magpapasalamat sa ‘yo? Para saan?” wika niya sabay turo sa sarili, at ngumisi rin siya ng mapang-uyam.“Huwag mo ‘kong tinatawa-tawanan, Saskia! Ano, nagagawa mo nang tumawa ngayon dahil okay na ulit kayo ni tita? Huh, asa ka! Ginagawa lang ‘yon ni tita para kay tito! Kapag gumaling na si tito, babalik din ang dating pagtrato niya sa ‘yo na parang ibang tao!”“Oh, tapos? Kailangan ko bang matakot diyan sa mga sinasabi mo? Teka nga lang, bakit kasi mukhang ikaw pa ang apektado kaysa sa ‘kin? Pakialam mo ba kung ano ang gustong pagtrato sa ‘kin ni Mommy?”“Gi
BIGLANG tumunog ang cellphone ni Saskia na nakasilid sa kanyang shoulder bag na nakapatong sa mesa, kaya napabitiw siya sa pagkakayakap sa kanyang daddy para tingnan kung sino ang tumatawag, baka kasi ang asawa na niya iyon. Pagtingin niya sa screen ng cellphone, ay ang asawa nga niya ang tumatawag.“Hello, Weston? Oo, nandito pa ‘ko sa silid ni Daddy. Sige, maya-maya lang ay lalalabas na rin ako, magpapaalam lang muna ako kina Mommy at Daddy. Hintayin mo na lang ako riyan,” wika niya sa asawa, pagkatapos ay pinatay na niya ang tawag.“Asawa mo, anak?” tanong ng mommy niya.“Opo, Mommy.”“Bakit hindi mo man lang isinama rito sa loob para naman makilala namin siya?” sabat naman ng Daddy niya.“Gusto nga po sana niyang sumama kanina, kaso nga, pinigilan ko kasi, akala ko, galit pa rin kayo sa ‘kin. Ayaw ko kasi na madamay siya sa galit ninyo sa ‘kin.”“Pasensiya na anak, ha? Pero sa susunod, dapat kasama mo na siya,” ani ng mommy niya.“Opo, Mom. By the way, bago ako magpaalam sa inyo n
“JUANCHO, binibisita ka ng anak mo rito. Syempre anak mo pa rin siya kaya hindi niya maiwasan ang mag-alala,” ang mommy na niya ang sumagot sa tanong ng kanyang daddy dahil nawalan na siya ng imik.“Teka, nasa ospital ba ako?” nagtatakang tanong nito nung mapansin ang nakakabit na maliit na tubo ng dextrose sa braso nito. Pagkatapos ay inilibot nito ang paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan nila.“Oo. Bakit, hindi mo ba natatandaan ang huling nangyari sa ‘yo?” tanong ng mommy niya.Hindi nito pinansin ang tanong ng mommy niya, sa halip ay nagpumilit itong bumangon.“Teka, Juancho! Huwag ka munang bumangon dahil baka mapasama ang lagay mo! Sandali lang at tatawag ako ng doctor!” tarantang wika ng mommy niya, pagkatapos ay pinindot nito ang wall-mounted call button na nasa itaas na bahagi lang ng hospital bed na kinahihigaan ng kanyang daddy.“Hello, this is the nurse’s station. How can I help you?” sagot na narinig niya mula sa kabilang bahagi.“Hi, could you please call Dr. Reye
NAPANSIN ni Saskia na nakahinga ng maluwag ang kanyang mommy pagkalabas ni Vivian ng silid, pagkatapos ay muli siya nitong kinausap.“Halika, anak. Maupo ka at marami tayong pag-uusapan, at marami rin akong mga katanungan sa ‘yo,” nakangiting wika nito sa kanya.Umupo siya sa upuan na kanina lang ay kinaroroonan ni Vivian, pagkatapos ay umupo rin sa harapan niya ang mommy niya. Kinuha nito ang isa niyang kamay at hinawakan iyon ng mahigpit na parang may nais ipadama.“Anak, hindi ko alam kung paano ko ba uumpisahan ang mga katanungan at mga sasabihin ko sa ‘yo.”“Mom, ang gusto ko lang po sanang malaman sa ngayon ay kung ano ang nangyari kay Dad, kung ano ang dahilan kaya siya nagkaganyan?” alanganing tanong niya.Nakita niyang muli ang pagbabanta ng mga luha sa mga mata nito. Hindi rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang pangangatal ng mga labi nito na para bang nagpipigil ng emosyon. Nararamdaman niyang isang mabigat at malalim na bagay ang naging dahilan kaya nagkaganoon ang kanyang
“A-ANAK, Saskia! Salamat naman at naparito ka! Pero paano mo ba nalaman na rito sa hospital na ‘to naka-confine ang daddy mo?” gulat na tanong nito.“Mom, naiwan niyo lang naman po kasing nakabukas ang cellphone ninyo. Hindi niyo po napatay bago ninyo ipinatong sa kung saan, kaya naririnig ko lahat ng mga pag-uusap ninyo mula sa kabilang linya, maging ang pagdating ng ambulansiya,” sagot niya.“Salamat naman kung ganoon,” pagkatapos ay tumayo ito mula sa pagkakatunghay sa kanyang daddy at lumapit sa kanya. Ikinulong nito sa magkabilaang kamay ang kanyang maliit at magandang mukha.“Kumusta ka na, anak ko? Alam mo bang miss na miss na kita? Pwede bang…umuwi ka na sa bahay natin? Pag-usapan natin ang lahat, ayusin natin,” lumuluhang wika nito.Binalot ng konsensiya at awa ang kanyang puso nung makita niyang umiiyak ang kanyang mommy sa mismong harapan niya. Hindi siya makapaniwala na kinukumusta siya nito at gusto nang pauwiin sa bahay nila.Parang kailan lang ay galit na galit pa ito s