PAGLABAS ni Saskia ng silid na kinaroroonan ng kanyang Daddy, ay nadatnan niyang nakaupo si Vivian sa hallway seating. Nakabusangot ito at hindi maipinta ang mukha. Lalagpasan na sana niya ito, pero pagtapat niya rito ay agad itong tumayo at tiningnan siya ng mapang-uyam habang nakataas ang isang sulok ng labi.
“Hindi na muna natin itutuloy ang pagkikita ninyo ni Gerald bukas dahil sa nangyari kay tito. Kaya magpasalamat ka.”
“Ako, magpapasalamat sa ‘yo? Para saan?” wika niya sabay turo sa sarili, at ngumisi rin siya ng mapang-uyam.
“Huwag mo ‘kong tinatawa-tawanan, Saskia! Ano, nagagawa mo nang tumawa ngayon dahil okay na ulit kayo ni tita? Huh, asa ka! Ginagawa lang ‘yon ni tita para kay tito! Kapag gumaling na si tito, babalik din ang dating pagtrato niya sa ‘yo na parang ibang tao!”
“Oh, tapos? Kailangan ko bang matakot diyan sa mga sinasabi mo? Teka nga lang, bakit kasi mukhang ikaw pa ang apektado kaysa sa ‘kin? Pakialam mo ba kung ano ang gustong pagtrato sa ‘kin ni Mommy?”
“Gi