“OO NAMAN, syempre. I’m sorry kung pinagdudahan kita, Honey. Hindi naman kasi talaga nawawala ang pagdududa sa nagmamahalan, ‘di ba?” malambing na sambit ni Katrina sabay yakap sa kanya.Pinagbigyan niya na lang ito at hinayaan sa ginagawa, para hindi ito makahalata na puro kasinungalingan lang ang mga pinagsasabi niya rito.“So, okay na tayo? Hindi mo na ‘ko pagdududahan sa feelings ko sa ‘yo? hindi mo ako pagbabawalan na makipaglapit kay Saskia para sa anak ko?” tanong niya.“Yes, Honey! Kasi, nagpaliwanag ka naman. So, ako pa rin pala ang mas maswerte sa ‘min ni Saskia, dahil ako ang pinipili mong maging asawa at pakakasalan. At baka kapag nagkaanak na tayo, ay mawala na rin ng tuluyan ang koneksyon mo sa kanya, dahil alam kong mas mamahalin mo ang anak natin kaysa sa anak mo sa kanya,” sambit nito na parang nananaginip.“So, sana, huwag kang gagawa ng hakbang na pwedeng ikapahamak ng pamilya ko at ng mga taong inosente. Dahil kahit na anong mangyari, ikaw na ang babaeng pinili kon
“MAY DAHILAN ba sa pag-iiba ng treatment mo sa ‘kin ngayon ang hindi ninyo pagbisita sa ‘kin nung nakaraan?” nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Katrina. Mukhang inaatake na naman ito ng kasamaan ng ugali.“Look, pagod ako ngayon, Katrina. Kaya tigilan mo ako sa mga ganyang katanungan,” hindi niya maitago ang iritasyon sa tinig.“Alam ko kung ano ang pinagkakaabalahan mo at ng pamilya mo, Weston. Alam kong bumalik na si Saskia rito kasama ang anak ninyo. Huwag na huwag mong ide-deny ‘yan sa harapan ko, dahil anumang oras ay pwede kong sabihin ‘yan kay Daddy, at alam mo na ang kasunod na mangyayari pagkatapos,” may pagbabanta sa tono nito.Hindi na siya nagtaka sa sinabi nito. Magtataka pa ba siya, alam naman niya na buhay ng iba ang palagi nitong inaatupag, kaysa ang pagaksayahan na ayusin ang sarili nitong buhay. Pera-pera na lang talaga palagi ang naghahari sa pagkatao nito.“So, what kung may alam ka? Magtataka pa ba ako? Eh, mas aktibo ka pa sa pagbabantay sa buhay ng iba kay
NAGPAALAM muna kay Saskia si Jedrick na uuwi muna ito sa kanilang bahay. Siya naman dahil walang makausap at magawa, ay naisipan na lang niyang magluto ng meryenda habang nagkakasiyahan pa rin ang kanyang pamilya at pamilya ni Weston.Pumunta siya sa kusina at inihanda ang mga kakailanganing sangkap para sa lulutuin niyang pansit. Kasalukuyan siyang naghihiwa ng manok na isasahog nang biglang may magsalita sa likuran niya.“He-hello.”Ang nangingiming si Gladys ang nalingunan niyang nagsalita. Kahit naiilang siya rito, ay kailangan niyang kausapin ito dahil bisita nila ito, at hindi siya tinuruan ng mga magulang na mambastos ng bisita, lalo na kung mabuti naman ang pakikitungo nito sa kanila.“May kailangan po kayo?” magalang na tanong niya rito, saglit na inihinto ang paghihiwa para harapin ito.“Ah, wa-wala naman! Pumunta lang kasi ako ng banyo, eh, nakita kita rito sa kitchen, mukhang magluluto ka. Pwede ba akong tumulong?” malumanay na sambit nito, may kalakip na pakiusap.“Naku,
HINDI INAASAHAN ni Saskia ang mga bisitang napagbuksan niya ng pintuan. Si Mommy Diana—kasama ang asawa nito at ang kapatid ni Weston na si Gladys. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan na niya ang mga ito.Sa pagkakaalala niya, hindi naging maganda ang pagtrato ng mga ito sa kanya nung mga panahon na ipinakilala siya rito ni Weston. Oo, sila ni Mommy Diana ay wala ng problema dahil matagal na silang nagkaayos, pero ibang usapan na kasi ang biglaang pagbisita ng asawa nito at panganay na anak.Alam naman niya ang dahilan kung bakit—dahil kay Wesley. Kung hindi kaya sila nagkaanak ni Weston, ay magpapakita kaya ang mga ito sa kanya sa mismong pamamahay nila? Malamang, hindi. Pasimple niyang hinagilap ng kanyang mga mata ang presensiya ni Weston, pero mukhang wala ito ngayon.“Ah, hija, Kia. Pasenisya ka na pala sa nagawa kong biglaang pagbubunyag kay Weston ng sikreto mo, natin. Pero dahil nasabi ko na rin lang sa kanya, ay sinabi ko na rin dito sa Daddy William at ate Gladys mo. Alam
HINDI NAMALAYAN ni Weston na nakaidlip na pala siya sa pagkakaupo sa sofa. Akala niya ay nananaginip lang siya na may tumatawag sa kanyang pangalan sa labas ng pintuan, pero nung tuluyan niyang imulat ang mga mata at pakinggan ng maigi ang naririnig, doon niya napagtanto na hindi iyon panaginip dahil may kasabay pa iyon ng sunud-sunod na pagkatok.“Sa-sandali lang!” malakas na sambit niya bago dahan-dahang tumayo at tinungo ang pintuan.Pagbukas niya ay nagulat pa siya sa nadatnang tao sa labas—kasama ng kanyang Mommy ang Daddy niya at ang ate Gladys niya.“Ano po ang ginagawa ninyo rito, Dad? Ate Gladys? Ano, nilusob na naman ba kayo roon ni Bastian? Ginulo? Dahil hindi na naman tayo nakakadalaw sa sobrang ganda niyang anak?” nakakunot-noo niyang tanong.“Naku, hindi naman, brother. Gusto ka lang naman namin na dalawin dito sa bahay mo. Okay lang ba kung papasukin mo muna kami bago mo kami pagtatanungin?” nakangiting sambit ng ate niya, na tila ba may kung anong kasiyahan siyang naba
“PAPAANONG…nagkaanak sila, hindi ba hiwalay na sila five years ago?” nagtatakang tanong ni William pagkatapos nitong makabawi sa pagkabigla.“Iyon na nga, mismong nung paghihiwalay nila, ay buntis na pala nun si Saskia. Bale ipinanganak niya si Wesley, sa U.S., doon siya tumira sa pamilya nina Jedrick, at iyon din ang nag-asikaso sa kanya simula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak,” sagot ni Diana.“Naging kaibigan niya rin pala ang mga kaibigan ni Weston, ano? Iyong magkapatid?” tanong ni Gladys.“Oo nga, eh,” sagot ni Diana sabay palihim na sumulyap sa kaharap na si Gerald. Ito lang ang tanging walang sinabi at ikinomento pagkatapos niyang sabihin na anak nina Weston at Saskia ang katabi niyang bata sa larawan.“Kailangan natin na pumunta roon, kailangan kong makita, mahawakan, at makausap ang apo ko. Ito na rin siguro ang tamang panahon para makahingi ako ng tawad kay Saskia,” ani William.“Ako rin po, Daddy. Gusto kong sumama para makita at mahawakan ko rin ang pamangkin ko!” ma