Xeia's POV
"Oh, Xeia you're here. Kamusta ang inaalagaan mo?" salubong na tanong ni Ma'am Madi.
Kamusta? Ayon, sinarahan lang naman ako ng pintuan at muntik na ang mukha ko ro'n! Siya na nga 'tong dinalhan ng pagkain ay gano'n pa ang asta. Mapaso sana siya sa kinakain na champorado.
"Maayos naman po. Maayos na maayos. Sa totoo nga po, napakabait niya," sabi ko. Baka kapag sinabi ko kay Ma'am 'yung ginawa niya at nalaman ni Sir ay nako. Tsk Tsk Tsk, baka sabihan niya pa ako ng sumbungera. "Sobranggggggggg bait niya po."
"Really?"
"Opo, hinayaan niya nga po ako na maglibot-libot sa loob ng kwarto niya, e. Saka hindi niya ako pinilit na lumabas, inalalayan pa nga po akong lumabas, e. Sinarado rin niya ng maayos ang pinto," dagdag ko pa.
JD, dapat magpasalamat ka sa akin dahil pinapabango ko ang pangalan mo!
"Oh, that's good. Ngayon lang niya hinayaang may maglibot at magtagal sa kwarto niya," sambit ni Ma'am.
Napatigil naman ako dahil sa mga narinig mo. Ano? Ano raw? Hindi siya nagpapasok? Kahit sila Manang? "Kahit kami," aniya pa.
Kapag pala nagkataon ay ako kauna-unahang nakapaglibot sa kwarto niya? Pero hindi, e, pinalabas niya ko.
"Bakit naman po?" tanong ko. Imposible naman kasi 'yon. Pero kung totoo nga, grabe naman 'yung lalaking 'yon. Bastos na nga, maramot pa.
"Ewan ko sa batang iyon, masyadong mapag-isa," tugon niya. "Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa loob maghapon."
"As in po? Maghapon?"
"Yeah, kaya nga natuwa ako nung sinabi mo na pinapasok at pinalibot ka niya sa kwarto niya," aniya. Paktay! Hindi naman totoo 'yon, e.
Pagkatapos ng usapan namin ay tumulong lang ako kay Manang sa kusina. Naghugas ng mga pinggan at saka pinunasan bago ilagay sa mga lagayan. Nando'n naman ang alaga ko sa kwarto niya. Totoo nga na maghapon siya sa loob ng kwarto niya. Nang pinuntahan ko siya sa kwarto niya ay hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto at hindi sinasagot 'yung, ewan kung ano tawag do'n, pero parang cellphone siya na naka-connect sa kwarto ni Sir.
Pinuntahan ko siya para sabihin na kakain na ng tanghalian pero 'yun nga ang nangyari, hinintay namin siya na bumaba pero nag-alas tres na lang ay wala pa ring bumababang Sir JD. Kaya inutusan ulit ako ni Manang na dalhan siya ng makakain, hindi ko pa nga nakukuha 'yung pinagkainan niya kaninang umaga, e. Ano bang ginagawa ng lalaking 'yon at hindi bumababa? Nasanay na lang raw sila Ma'am at Manang sa gawain niya.
As usual ay nahirapan ulit ako na umakyat pero nakarating din naman ngayon dito sa harap ng kwarto niya. Kakatok na sana ako pero biglang bumukas ang pinto at nakita ko siyang ginugulo ang buhok habak humihikab at saka hinawakan ang tiyan na para bang nagugutom. Hindi ka ba naman kumain ng tanghalian, e?
"O, ano na naman ang ginagawa mo dito?" tanong niya. Hindi man lang tinakpan ang bibig kapag humihikab, ni hindi nga man lang nagulat sa pagdating ko.
"Hindi ka nagtanghalian," tugon ko. "'Eto, kainin mo." Sabay abot sa kaniya ng tray na naglalaman ng mga pagkain.
"Si Manang nagluto?" tanong niya. Kinuha naman niya ang tray na inabot ko sa kaniya.
"Ako," tugon ko.
"Marunong ka pa lang magluto, huh?"
"Malamang. Tatanggapin ko ba 'tong trabaho ko kung hindi ako marunong, huh?" sambit ko. Tumalikod na ako at akamang aalis na.
"Saglit," pigil niya. Lumingon naman ako sa kaniya at tinaasan ng kilay, 'yon ang way ko kapag naghihintay ng sasabihin, 'wag niya lang ma-misinterpret. "Dalhan mo ko ng hapunan mamaya."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay sinara niya kaagad ang pinto. Hindi man lang magpasalamat? Bumaba na lang ulit ako at pumunta sa may garden. Wala namang gagawin, e. Tatawagin na lang siguro ako kapag may kailangan sila. Pagkatapak ko sa garden ay nakita ko si Thalia na nanguguha ng mga litrato.
Hawak-hawak niya ang camera at nagpaikot-ikot siya para siguro makakuha ng magandang makukuhanan ng litrato. Sakto namang napunta sa direksyon kaya pabirp akong nag-pose sa harap camera niya. Binaba naman niya ang hawak na camera at saka lumapit sa akin. Nakasuot din siya ng uniform na kagaya sa akin.
"Ate Xeia, wala kang ginagawa?" tanong niya.
"Ate? "Bakit Ate? Mas matanda ba ako sa 'yo?"
"Mas matangkad ka kasi akin, e," tugon niya. Gano'n ba 'yon? Kapag mas matangkad sa'yo ang tao ay mas matanda din sila sayo?
"Ilan taon ka na ba?" tanong ko sa kaniya.
"19 na 'ko," sagot niya. Kitam? Matangkad lang siguro ako dahil siya ang kasama ko pero kapag iba at siguradong maliit ako. Kay Jung-Hyun pa nga lang, e, saka kay Sir. Psh.
"Tignan mo ako nga dapat ang tumawag sa'yo ng ate, e. Mag-e-eighteen pa lang ako this May," sabi ko sa kaniya. Inaya ko naman siyang umupo, nangangawit na 'ko, e.
"Oh? 2 years pala ang gap natin," aniya. "Kailan sa May?"
"Uhm... May 2. May 2 ang birthday ko," sabi ko. Minsan ay ang sarap din matawag na ate, 'no? Sa amin kasi ay hindi ko ka-close ang mga bata sa lugar namin. Hindi ko naranasan na maging ate at hindi ko rin naranasang magkaroon ng ate pero kuya, kuya ay nagkaroon ako, dati.
"Ako naman ay sa katatapos lang ng birthday ko noong nakaraang buwan lang," aniya. "Magco-collage ka na, right?"
Napapalibutan ako ng mga spokening dollar, huh?
"Ah, oo. Sa Lakestone ako mag-aaral," sabi ko. "Ikaw saan k-"
"Hala! Same tayo!"
"Talaga?" tanong ko. May makakasama pala kami ni Colline. "Anong kinuha?"
"Tourism. Tourism Management," sabi ko. "Gusto mag-flight attendant, e."
"Omo! Baka tayo talaga para sa isa't isa! Tourism din akin at mag-fa-flight attendant din ako!" tuwang tuwa niyang sabi. Oh? Hindi ko inaasahan 'yon, ha? Ayos 'yon, tatlo kami nila Colline. Mas na-excite tuloy ako na mag-collage.
Nagkwentuhan pa kami ni Thalia. Tinanong ko siya kung ano ang pinag-aaralan nila, gaano kahirap na pinagsisihan ko naman sa huli. Tinatakot na niya ako! Dapat pala hindi na ako nagtanong, e. Nang mag-alas singko na ay pumasok na kami dahil tutulong kami sa paghahanda ng hapunan.
"Tawagin mo na si JD do'n, Xeia," utos ni Ma'am nang nakahain na sa hapag ang mga hinandang pagkain. "Sabihin mo ay kakain na."
"Ah, Ma'am. Hindi raw bababa si Sir, dalhan ko na lang raw siya," sabi ko sa kaniya.
"Gano'n ba? Ano ba kasing kinakaabalahan ng lalaking 'yon at hindi makaalis-alis sa kwarto?"
"Ewan ko din, Ma'am, e," tugon ko. Tinignan naman niya ako kaya pumunta na akong kusina para ihanda ang kakaining hapunan ni Sir.
Bago ako umakyat ay tinawagan ko muna si tatay para kumustahin, mabuti na lang ay dumating na si tita, kapatid ni tatay, bago ang araw ng trabaho ko para bantayan si tatay hanggang bago magpasukan lang naman, e. May deal kami ni tatay, e.
"Hello, tay?"
"Oh, anak. Kamusta ka naman diyan? Pinapahirapan ka ba nila diyan, ha?" Tanong niya. OA naman nito. Halos wala nga akong ginagawa, e. Madami naman kami dito.
"Ayos lang ho ako dito. Kayo po ba?"
"'Eto, nagluluto si tita mo ng uulamin namin," tugon niya. "Ikaw ba ay kumain ka na?"
"Kakain pa lang po, kaluluto lang kasi namin," sagot ko sa kaniya. Nilalagay ko na ang plato, mangkok at baso sa tray. "Anong pong ulam?"
"'Yung paborito mo, sharshado," aniya. Uy! Ang sarap naman niyan. Bigla namang kumulo ang sikmura ko. Hay, nagugutom na ang alaga ko sa tiyan.
"Sige na, tay. Dadalhin ko lang sa alaga ko 'tong pagkain niya," sabi ko. Nagugutom na rin ako, e.
"Mag-iingat ka riyan, ha? Alagaan mo ang sarili mo," aniya. Nakakapanibago si tatay, hindi pa rin ako sanay na ganiyan siya magsalita ar mag-alala sa akin. Ang sarap pala sa feeling na may nag-aalala sa'yo, 'no?
"Opo, tay. Ingat din po kayo diyan ni tita! Bye." Binaba ko na ang cellphone ko at binuhat na ang tray para makaakyat na.
Nang makaakyat ay nakota kong nakabukas ang pinto. Nakasanayan na ata niya na bukas ang pinto, ha? Hindi na ako kumatok at pumasok na lang sa loob. Nilapag ko sa coffee table niya ang tray na hawak ko. Nasaan siya? Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong nakabukas ang kurtina sa may balcony niya. Pupuntahan ko na sana pero may nakita ako sa TV niya.
Omo! Nanonood siya ng ganiyan? Seryoso?