Share

Chapter 12

Xeia's POV

"Are you sure of how you call me? Baby? What a sweet endearment. Hindi pa nga tayo, baby na agad ang tawag mo sa akin? Baby JD."

Naunang lumingon si Manang Cora sa likuran at ako naman ay dahan dahan.

Ano? Endearment? Hindi pa kami ay baby na ang tawag ko sa kaniya? Huh! Kapal naman ng mukha. Feelingero ampucha.Tinignan ko siyang nakakunot ang mga noo at tinaasan siya ng kilay. Hindi naman siya ang tinatawag kong baby, ah?

Nakita ko ang isang lalaki na nakatayo malapit sa may hagdanan na kanina ay pinag-akyatan namin. Nakasuot siya ng plain grey t-shirt at black shorts, may hawak din siyang laptop. I'm sure apple ang tatak ng laptop niya.

"Ano?" tanong ko sa kaniya. "Baby ka ba, huh? Huh?"

Hindi naman siya ang tinutukoy ko, e. Mukha ba siyang sanggol? E, ang tangkad tangkad kaya niya.

"Kababanggit mo lang ng pangalan ko, 'di ba?" sambit niya.

"Kababanggit? Ng pangalan mo?" tanong ko sa kaniya. "Bakit si baby JD ka ba, huh? Bakit kita tatawaging baby? Jowa ba kita?"

"Ah, Xeia," awat ni Manang sa akin. Nilingon ko naman siya at tila pinapatigil ako sa kung ano pa ang pwede kong sabihin.

"Bakit po?" tanong ko. Nilingon ko muli ang lalaking feelingero at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Bigla na lamang may binulong sa tenga ko si Manang. Nakatingin pa rin ako sa lalaki. Bigla namang lumaki ang mga mata ko sa mga sinabi ni Manang!

"Now I will ask you," sambit niya habang naglalakd siya patungo sa aming kinatatayuan. Unt-unti naman akong tumiklop, shit! Tinignan ko siya para humihingi ng tawad sa ginawa kong pagsagot-sagot sa kaniya.

"Bakit mo ako tatawaging baby? Jowa ba kita?" Tanong niya, ginaya pa niya pa ang sinabi ko kanina. Nang nasa harapan ko na siya ay yumuko ako, hindi siya matignan. Baka mawalan pa ako ng trabaho nito! Bigla niya naman hinawakan at inangat ang baba ko na ikinagulat ko. Magkatinginan na kami ngayon. Narealize ko din na sobrang tangkad niya kapag malapitan na.

"You can call me baby when you're mine," sambit niya na nakangisi saka kami nilagpasan.

"Manang, bakit hindi niyo agad sinabi sa akin?" Parang naiiyak kong tanong kay Manang. Huhuhu, yare ako nito. "Bakit sinabi ni Ma'am Madi na sanggol ang aalagaan ko?"

"Hindi ko rin alam, iha," aniya. Iling-iling siyang tumungo sa may hagdanan. "Halika ka na at ibibigay ko na sa 'yo ang idadamit mo."

Sumunod naman ako kay Manang para bumaba na. Waaaaaaa. Bakit kasi baby ang sinabi ni Ma'am? Natawag ko pa siya na baby! Nakakahiya! Sinagot-sagot pa ako at sinungitan. Tinignan ko pa siya mula ulo hanggang, sigurado ako na nainsulto siya sa ginawa kong 'yon.

"Manang, ano na mangyayari sa akin?" parang batang tanong ko sa kaniya. Sunod naman ako ng sunod sa kaniya na bumaba sa hagdan. "Bakit gano'n?"

"Pinapatigil na kasi kita pero patuloy ka pa din sa pagsasalit," sambi niya. Nanisi pa si Manang.

"Malay ko ho ba?" sabi ko. "E, sabi ni Ma'am na baby ang aalagaan ko 'yun pala gurang!"

Tumawa naman si Manang sa sinabi ko. "Gurang? Baka kamo, gwapong gurang?"

Kumunot naman ang mga kilay ko. Ano raw? Gwapong gurang? Gwapo? What the...gwapo? Isa pa. Gwapo? Huh! Gwapo nga!

Nung nagkatinginan na kami ay napagmasdan ko ang mata niya, para nga akong hinihigop, e. Ang ilong niya ay matangos din katulad ng kay Ma'am Madi. Mahahaba ang pilik mata at maganda din ang ayos ng kilay niya na bumagay sa mga mata niya. Ang mga labi niya ay katulad ng kay Song Kang. Hindi ko nga maikakaila na may itsura siya.

Aish. Bakit iniimagine ko siya? Huh?

"Oh, eto ang isusuot mo," sabi ni Manang. Hindi ko namalayan na nasa kwarto ko na pala kami. May nakalapag ng damit pang-kasambahay sa kama. Grey pants at short sleeve shirt. Nilapitan ko 'yon at tinignan, maganda din pala. Minsan pinangarap ko ding makasuot ng pag-yayang damit. May dalawang pocket sa harap ang shirt, magharap likod din ang bulsa ng pants.

"Ang dami naman po," sambit ko. Pagkuha ko ng isa ay may isa pa, bale lima, limang pares.

"Syempre, hindi naman pwede na paulit-ulit mong suotin ang isa," sabi ni Manang. "Oh, siya. Sige na at magbihis ka na nang may masimulan ng trabaho."

Tumalikod na si Manang at ako naman ay pinigilan siya.

"Manang, teka po," tigil ko sa kaniya. Nilingon naman niya ako at naghahantay ng sasabihin ko. "Aalagaan ko po ba talaga si Sir JD? E, gurang nam-este malaki naman na siya, e."

"Ano ba ang in-offer na trabaho ni Ma'am Madi sayo?" tanong niya. Sinagot niya ang tanong ko ng isa pang tanong. Ganito ba ang mga tao dito? Sasagutin ka ng tanong din?

"Ah, eh. Mag-alaga ng baby," tugon ko. Aish. Sabi ni Ma'am ay mag-aalaga ako ng baby! Magiging babysitter ako. Excited ako dahil makakahawam ulit ako ng baby, sa amin kasi ang dadamot ng mga nanay, hahawakan lang, e.

"'Edi 'yun ang gawin mong trabaho," sambit niya. Seryoso siya? E, ang laki-laki na nga no'n, e. Maliban na lang kung special child siya pero deretso ang paglalakd at pagsasalita niya, e. At hindi siya mukhang special child 'no!

Tuluyan ng umalis si Manang at naiwan naman ako sa kwarto na nag-iisip. Waaaaaaa. Bakit ganito ang first day ng trabaho ko?! Tinumba ko ang sarili ko sa kama na parang tubig 'yon. Sinipa-sipa at sinuntok-suntok ang kama. Bakit ang malas ko?!

-

"Oh, 'eto, ibigay mo kay sir JD," sambit ni Manang. Inabot niya sa akin ang tray na may lamang isang mangkok ng champorado at gatas. Naggagatas pa 'yun? Baby nga, baby gurang. Pagkatapos kong mag-emote sa kwarto kanina ay agad na akong nagbihis ng binigay na damit ni Manang. "At humingi ka na rin ng tawad sa kaniya."

"Po? Bakit naman po?" gulat ko tanong kay Manang. Malay ko ba? Tinitigan niya lang ako na at kinunotan ng noo. Bumagsak ang balikat ko. Pinalobo ko ang bibig ko at saka ito binuga.

Tumungo na ako sa kwarto ni sir JD, hindi baby JD, ha. Katulad kanina ay second floor pa lang ay pagod na ako kaya huminto muna ako saglit, may bonus pa akong dala na tray. Yare kapag natapon 'to! Nagpatuloy na ako sa pag-akyat at dumaretso sa kwarto niya. Habang naglalakad ako ay iniisip ko kung paano pala ako papasok sa kwartp niya? E, may dala-dala ako. Hindi rin ako makakatok dahil may hawak ako. Ah! Malakas naman ang boses ko, ay hindi. Naka soundproof pala ang kwarto niya! Bahala na!

Nasa tapat na ako ng kwarto niya at sisipain na sana ang pintuan pero napansin kong nakaawang ang pintuan, hindi nakasara. Tumalikod naman ako at ang pinangtulak ko ay ang likod ko pero bago pa man lumapat ang likod ko sa pintuan ay nagulat ako dahil wala akong naramdamang kahit ano sa likod ko! Kaya ang nagyari ay muntik na akong matumba kaya napapikit na lang ako pero may sumalo sa akin! Inalala ko ang tray na hawak ko kaya ginawa ko ang lahat para hindi matapon 'yon. Pagkadilat ko ay nakita ko na naman ang mukha niya.

Parang pamilyar ang nangyari sa akin ngayon! What the? 'Yung sa cafeteria! Ang pinagkaiba lang ay napa-upo ako no'n at ngayon ay nakatayo.

"Ginagawa mo?" aniya. Nang matauhan ay binitawan niya na ako at umayos naman ako ng tayo.

"Oh, 'eto," sabi ko sabay abot ng tray na hawak ko. Akala ko ay tinitigan niya lamang 'yon pero 'di kalauna'y kinuha na rin niya. Pagkakuha niya ay inayos ko kaagad ang damit ko. Buti na lang ay hindi natapon sa akin ang champorado at gatas, bagay ata sa akin mag-waiter, e?

"Why are you still here?" tanong niya sa akin nang mapansing na nandito pa rin ako sa loob ng kwarto niya. Napansin kong basa ang buhok niya, katatapos lang ata na maligo, iba na rin ang suot niyang damit, e. "Aren't you leaving yet?"

Ginala-gala ko muna ang mata ko sa kwarto niya. Ang ganda ng interior design ng kwarto niya, white and black. Sa gilid ng pinto ay ang malawak niyang kama, purong white 'yon. Sa harap ko naman ay ang sofa at coffee table kung saan niya nilagay ang tray na dinala ko sa kaniya. Sa harap ng kama niya ay may flat screen TV at ang bandang baba no'n ay ang cabinet, may mga picture frame kaso nga lang hindi ko makita dahil malayo ako. Sa kaliwang bahagi naman ng TV ay ang study table niya na ang katabi ay ang malaking bintana.

"Lumabas ka na nga," sabi niya sa akin habang hawak ang dalawa kong balikat at tinutulak ako palabas.

"Ang damot naman, tinitignan lang naman ang kwarto," bulong ko sa sarili ko. Ang ayos at ang linis parang babae ang may-ari. Tuluyan na nga niya akong napalabas kaya humarap ako sa kaniya para mag-sorry dahil sinagot-sagot ko siya kanina pero bago pa man ako makapagsalita ay walang alinlangan niyang sinarado ang pinto! Pota, muntik na ang mukha ko ro'n, ha?

"Bastos!" sigaw ko sa kaniya as if na maririnig niya 'yon. Napabuga ako ng hangin dahil sa inis mag-so-sorry na nga ako sa kaniya, e! Umalis na lang ako at bumaba na lang. Hindi naman ako napagod sa pagbaba hindi katulad kanina. Bumalik na lang ako sa kusina. Pagkarating ko ay kausap ni Manang si Ma'am Madi. Sabay silang napatingin sa akin. May itatanong nga pala ako kay Ma'am Madi.

"Oh, Xeia you're here. Kamusta ang inaalagaan mo?"

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status