"Forgiving people in silence and never speaking to them again is a form of self care." - poetsglobe.
I saw this post while scrolling through my Instagram feed. Well, yeah. Mas mabuti na siguro 'yong manahimik na lang ako at hanapin ang peace nang mag-isa. Hindi ka magiging masaya kung ang saya na hinahanap mo ay mula sa iba. Ang tunay na saya ay ang katahimikan ng isip mo at pagiging kuntento kahit walang tulong mula sa ibang tao.
Pinapangako ko sa sarili ko na hahanapin ko ang saya kahit ako lang. Kahit sarili ko lang ang kasama ko. Bubuuin ko ulit ang sarili ko. Babangon ako para bumuo ng panibagong simula. Panahon na rin siguro para kalimutan ang mga taong dulot lang sa akin ay sakit. Masaya naman ako noong wala siya, siguradong makakaya ko rin ito ngayon.
Kaya mo ito, Cami. Mahirap pero kakayanin mo at kailangan mong kayanin.
Naging awkward ang biyahe sa loob nang ilang minuto. Dahil ito sa huling sinabi ni Dash. Ayoko nang mag-assume dahil pakiramdam