Chapter 84
Heart POV
Ang mabilis na paglipas ng mga araw ay tila nagbibigay sa akin ng bagong sigla. January 2, 2024, pasukan na muli ng mga bata. Maaga akong nagising upang ihanda ang lahat ng kailangan nila. Habang natutulog pa si Brandon, sinimulan ko nang magluto ng almusal para sa pamilya.
Habang nagpiprito ako ng itlog, naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran. “Good morning, mahal,” bati ni Brandon habang hinahalikan ang gilid ng aking leeg.
“Good morning,” sagot ko nang may ngiti. “Ang aga mo naman gumising," dagdag kong sabi dito.
“Nararamdaman wala kana sa tabi ko kaya ako nagiging, kaya bumangon ako dahil gusto kitang tulungan,” tugon niya sa akin.
“Pwede mo akong tulungan sa paggising sa mga bata,” sagot ko habang iniabot ang plato ng hotdog at itlog. “Siguraduhin mong maligo sila bago mag-almusal," sabi ko dito.
Ngumiti si Brandon at tumango. “Opo, Commander.” Tumalikod at naglakad saka umakyat sa hagdan upang puntahan ang kwarto ng mga bata.
Habang