Chapter 151
Napatakip ng bibig si Kiera, pigil ang tawa. Napailing ako pero sinubukan kong sagutin nang mahinahon ang tanong ng kambal. "Ah, ganito kasi 'yon, mga anak. Ang baby ay ginagawa ni God at inilalagay niya ito sa loob ng tummy ng mga mommy. Kaya kailangan nilang mag-ingat at kumain ng masusustansya para sa baby, okay?"
"Wow!" sabi ni Jenny, tila amazed. "Ang galing naman ni God! So ibig sabihin, si God din ang naglagay sa amin ni Kuya John sa tummy ni Mommy?"
"Exactly," sagot ko, ngumingiti. "Kaya mahalaga na laging nagpapasalamat tayo kay God dahil binigyan niya tayo ng pamilya."
Tumango si Kiera sa tabi ko at sumingit, "At tama rin si Dad niyo. Kaya tayo dapat maging mabait at matulungin lalo na kapag dumating na ang bagong baby sa mansyon, ha?"
"Yes, Mommy!" sabay na sagot nina John at Jenny. Ramdam ko ang tuwa nila sa balitang ito, pero higit pa roon, alam kong masaya sila dahil bahagi kami ng bawat tanong at kwento nila.
"Okay, magpakabait kayong dalawa, ha?" sabi ko ba