Chapter 236
Agad akong tumayo at inilagay ang sanggol sa stroller saka kami lumabas sa silid.
Habang tinutulak ko ang stroller palabas ng silid, ramdam ko ang matinding kaba at excitement sa dibdib ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na ang mansyon na dinisenyo ko ay para pala sa amin ni Jammie.
Paglabas namin, nakita ko sina Dad at Mom na nakangiti habang nakasakay na sa kanilang sasakyan. Sina John at Jenny naman ay panay ang hila kay Jammie, halatang sabik na silang makita ang bagong bahay.
“Mommy, bilisan natin!” sigaw ni Jenny, halos tumakbo na sa sasakyan.
Napatawa si Jammie. “Mukhang mas excited pa ang mga anak natin kaysa sa atin.”
Umiling ako at ngumiti. “Sino ba namang hindi mae-excite? Imagine, bahay natin ‘yon, Jammie. Ang pinaghirapan kong disenyo… at ngayon, titirhan natin.”
Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. “At kasama natin ang buong pamilya natin.”
Pagdating namin sa labas, sumakay na kami sa sasakyan. Habang binabaybay namin ang daan patungo sa bagong