Chapter 237
Kinabukasan ay busy ang lahat sa paghahanda para sa aming blessing ng mansyon. Kumpleto na ang lahat, pagkain, bisita at pari.
"Ready na ba kayo?" tanong ko sa dalawa kong panganay habang ang two weeks baby naming triplets ay tulog na tulog pa din habang nasa crib nila.
Tumango si John at Jenny nang sabay, parehong nakasuot ng magaganda nilang damit. “Opo, Mommy! Excited na po kami!” sagot ni Jenny habang masayang tumatalon-talon.
“Pero, Mommy, pwede po ba akong maghawak ng holy water?” tanong ni John, puno ng kuryusidad.
Natawa ako at hinaplos ang ulo niya. “Hay naku, anak. Baka mabuhos mo sa sarili mo.”
“Hindi po! Pangako, dahan-dahan lang ako,” sagot niya, tila ba gusto talagang maging bahagi ng blessing.
Lumapit si Jammie at inayos ang kuwelyo ng suot niyang polo. “Okay na ba ang lahat? Nasa labas na ang pari, hinihintay na lang tayo,” aniya.
Tumango ako. “Oo, love. Tara na.”
Naglakad na kami palabas, at agad kaming sinalubong ng aming pamilya at mga bisita. N