Chapter 228
Napangiti ako sa lambing ng aking apo. Alam kong kahit mahina pa si Brandon, mararamdaman niya ang pagmamahal ng kanyang pamilya.
"Jammie, Keira, ihatid niyo na sila sa bahay. Siguraduhin mong makapagpahinga ka, lalo't malaki na ang tiyan mo," bilin ko.
"Yes, Mom," sagot ni Jammie bago inalalayan si Keira palabas kasama ang kanilang panganay na kambal anak.
Habang pinagmamasdan kong lumabas sila, muli akong napatingin kay Brandon. Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahang hinaplos ito. "Mahal, bumangon ka na ha? Hindi pa tapos ang kwento natin."
At sa unang pagkakataon, naramdaman kong bahagyang gumalaw ang kanyang mga daliri sa aking palad.
Napasinghap ako sa gulat. Hindi ako sigurado kung totoo ang naramdaman ko o isang ilusyon lamang ng aking pagnanais na magising siya. Muling hinaplos ng hinlalaki ko ang likod ng kanyang kamay, at doon ko muling naramdaman—bahagyang paggalaw ng kanyang mga daliri.
"Brandon…" halos pabulong kong tawag sa kanya, puno ng pag-asa at