Chapter 99
Pagdating namin sa sala, abala pa rin ang isip ko sa mga sinabi ni Mom kanina. Hindi ko akalaing magiging ganito kabigat ang bawat hakbang na gagawin namin ni Claire. Ngunit sa gitna ng aking pag-iisip, bumukas ang pintuan, at pumasok ang kakambal kong si Jammie, na may malaking ngiti sa kanyang labi.
"Jammie, anong meron at parang ang saya-saya mo?" tanong ko habang nakakunot ang noo, nagtataka sa kinikilos niya.
Lumapit siya sa amin at masiglang sinabi, "Jimmie, Claire, successful ang operasyon ng tatay ni Claire! Nakipag-usap ako sa doktor kanina, at sinabi nilang maayos na ang lahat. Wala na kayong dapat alalahanin."
Napatingin ako kay Claire, na biglang nanlaki ang mga mata sa narinig. Hindi pa niya naproseso ang balita nang bigla siyang lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.
"Jimmie!" bulalas niya, halos nanginginig sa saya. "Ang tatay ko... maayos na siya. Salamat. Salamat talaga!"
Hindi ko alam kung paano magre-react sa bigla niyang pagyakap, pero naramdam