Chapter 171
Ngunit nasa kalagitnaan kami ng mga sweet moment ng biglang lumapit ang ex sa aking asawa kaya ang masaya kong nararamdaman ay pinalitan ng inis at galit dito. Kitang-kita ko kung paano niya ito titigan na may pagnanasa kay Jammies. At sinabi nito continue gaano sila ka saya noon at gano ito ka sweet. Kaya dahil sa inis ko at galit ay mariin kong sinabi dito na "Umalis ka dito, akin lang ang asawa ko!".
Biglang tumahimik ang paligid nang marinig ang matigas kong boses. Kitang-kita sa mukha ni Marga ang pagkabigla, pero hindi siya agad umalis. Bagkus, ngumiti siya na para bang sinasadya niyang inisin ako.
"Relax, Mrs. Flores," sabi niya, ang tono niya'y puno ng sarkasmo. "I'm just reminiscing. Wala namang masama doon, di ba, Jammie?"
Napatingin ako kay Jammie, at halata sa mukha niya ang pagka-irita. Agad siyang tumayo mula sa upuan at hinarap si Marga. "Marga, stop this," madiin niyang sabi. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Kasama ko ang asawa ko, at ayokong nasisira a