Chapter 181
"Buti pa bantayan niyo na lang ang lola at lolo habang nagde-date sila," sabi ko, pilit na pinipigilan ang tawa habang nakatingin sa kambal.
Si Jenny, agad na tumingin kay John at sabay silang napaisip. "Pwede rin!" sabi ni Jenny, sabay taas ng kilay. "Baka maglambingan na naman sila. Hindi ba, Kuya?"
"Oo nga!" sagot ni John, sabay irap na kunwari. "Ang sweet nila, pero kailangan ng bantay. Baka kung saan pa sila magpunta."
Napatingin ako kay Kiera, at sabay kaming tumawa. Ang kambal talaga, parang mas matured pa kaysa sa edad nila.
"Baka naman gusto niyong bigyan din sila ng rules sa date nila," biro ni Kiera. "Sabihin niyo na, 'Lolo, bawal masyadong sweet sa public.' O kaya, 'Lola, bawal masyadong magpa-cute kay Lolo.'"
Tumawa si Jenny habang umiikot-ikot ang isang laruan sa kanyang kamay. "Lola Heart? Pa-cute? Parang hindi bagay!" sabay tawa nito ng malakas.
"Hoy, Jenny," sabat ni John. "Si Lola Heart kaya, kahit matanda na, mukhang artista pa rin! Kaya nga in-lo