Chapter 176
Brandon POV
Habang nagbibihis ako sa kwarto, naramdaman ko na parang masyadong tahimik ang buong bahay. Pagbaba ko, nagulat ako na wala na si Heart at ang kambal. Agad akong nagtungo sa sala at tinanong ang yaya ng mga bata.
"Yaya, nasaan si Heart at ang kambal?" tanong ko, ramdam ang inis sa boses ko.
Nagkibit-balikat si Yaya at parang nag-aalangan bago sumagot, "Sir, sabi po ni Maβam Heart na mabagal daw po kayong kumilos kaya nauna na sila sa Hawaii."
Halos kumulo ang dugo ko sa narinig ko. "Ano? Sinabi niya talaga 'yun?" tanong ko ulit, halos hindi makapaniwala.
"Opo, Sir," sagot ng Yaya na halatang takot na takot. "Nagmadali po sila kanina kasi baka daw po hindi na sila umabot sa flight."
Napapailing ako sa inis. "Heart talaga, ang hilig magdesisyon nang hindi man lang ako sinasabihan ng maayos!" Mabilis akong bumalik sa kwarto at kinuha ang phone ko para tawagan siya, pero hindi niya sinasagot.
Sinubukan ko ulit nang ilang beses, pero wala pa ring sagot. Napatingin a