Chapter 82
Brandon POV
Dumating na ang araw ng aming outing, at puno ng excitement ang buong pamilya. Ang mga bata ay maaga pa lang ay gising na, nagpapaikot-ikot sa bahay habang nag-iimpake si Heart ng mga kailangan namin.
βDaddy! Ready na po ako!β sigaw ni Princess Sarah habang bitbit ang kanyang maliit na backpack na puno ng laruan.
βMe too, Daddy!β sabay na sabi ng kambal na sina Jimmie at Jammie, suot ang kanilang mga summer hats.
βRelax lang, mga anak,β natatawa kong sabi habang inaayos ang mga gamit sa kotse. βSiguraduhin niyong wala kayong naiwan.β
Habang abala ang mga bata, lumabas si Heart mula sa bahay, suot ang kanyang simpleng summer dress na nagpapatingkad lalo ng kanyang ganda. Napangiti ako at napapailing. βMahal, parang ikaw ang pinakamagandang tanawin sa outing na ito,β biro ko sa kanya.
βAng aga mo namang bolero,β sagot niya, tumatawa.
Matapos masigurado ang lahat, umalis na kami papunta sa beach resort nila Janith. Habang nasa biyahe, puro tawanan at kantahan ang n