Chapter 141
"Halika, sumama ka sa akin?" sabi niya saka tumayo at inalalayan akong tumayo sa upuan.
"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko dito.
"Sa opisina ko, para makapahinga ka. Wag kang mag-alala dahil kinuha nina Mommy at Daddy ang kambal para ipasyal," sabi niya bahang ang kanyang kamay ay nasa aking baywang nga bang naglalakad kami palabas ng HR office.
Habang naglalakad kami patungo sa opisina ni Jammie, hindi ko maiwasang mag-isip. Marami akong tanong na naglalabasan sa aking isip, ngunit pinili ko munang manatili sa katahimikan. Ramdam ko ang init ng kanyang kamay sa aking baywang, na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam—isang pakiramdam na hindi ko matukoy. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon mayroon kami ngayon, ngunit ang mga eksenang ito ay nagsisimulang magbukas ng mga bagong emosyon sa akin.
Nang makarating kami sa opisina ni Jammie, agad niyang pinatay ang ilaw at pinalakas ang aircon. Inalalayan niya akong maupo sa isang komportableng sofa, bago siya tum