Chapter 154
Paglabas namin sa silid ng kambal, pareho kaming tahimik na naglakad papunta sa hallway. Nang makarating kami sa harap ng kanyang silid, huminto si Kiera at tumingin sa akin.
"Good night, Dante," malambing niyang sabi, sabay ngiti.
Ngumiti rin ako at tumango. "Good night, Kiera. Magpahinga ka na. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako."
Bagama't engaged na kami, hindi ko pa rin maiwasang igalang ang kanyang espasyo at desisyon. Alam kong mahirap para sa kanya ang lahat ng pinagdaanan namin, at bilang isang lalaki, responsibilidad ko na bigyan siya ng respeto, lalo naβt siya ang ina ng aking mga anak.
"Salamat," mahinang tugon niya. "Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa akin at sa mga bata."
Lumapit ako, hinawakan ang kanyang kamay, at tinitigan siya nang diretso sa mata. "Hindi mo kailangang magpasalamat, Kiera. Ginagawa ko ito dahil mahal kita. Gusto ko lang siguraduhin na lagi kang masaya at ligtas."
Bahagya siyang ngumiti at tumango bago tumalikod at pumasok sa k