Chapter 194
Pagkatapos naming mamili, napagdesisyunan naming kumain sa isang restaurant sa loob ng mall. Habang naghihintay kami ng order, ramdam ko pa rin ang kakaibang aura mula kay Claire at Kiera. Tahimik lang silang nag-aayos ng gamit, pero halatang may natitira pang inis. Si Jammie naman ay mukhang kampante, pero alam kong naghahanap din siya ng paraan para mapalambot ang loob ni Kiera.
Pag-upo namin, si Kiera ang unang nagsalita. “So, ano, ano’ng plano niyong gawin sa fan club niyo?” tanong niya habang ini-stir ang juice niya.
Napatingin ako kay Jammie, na bahagyang natawa. “Uh, baka magpa-autograph signing na lang kami?” biro niya, pero agad siyang tinapunan ng matalim na tingin ni Kiera.
Si Claire naman ay sinamaan din ako ng tingin. “Jimmie, sa susunod, baka gusto mong lagyan ng wedding photo natin ang suot mong t-shirt,” aniya, halatang nagpaparinig.
Napangiti ako at agad na hinawakan ang kamay niya. “Baby, wala naman akong control sa iniisip ng ibang tao. Ang mahalaga