Chapter 92
Jammie POV
Napangiti ako nang lihim nang makita ko ang reaksyon ni Emer nang makita niyang may kasama ang bunso naming kapatid. Si Emer ay matagal nang barkada namin ni Jimmie, kaya alam namin kung paano siya mag-isip at magdala ng emosyon. Pero kanina, parang hindi na siya ang dating Emer na confident at laging kalmado. Para siyang nahuli sa akto—hindi ko maiwasang mapailing.
"Ang saya no? Para bang nakita natin ang isang eksena sa drama," sabi ko kay Jimmie habang iniangat ko ang baso ng juice ko.
"Tama ka," sagot niya habang tumatawa. "Pero aminin mo, Jammie, medyo mas kampi ka kay Emer kaysa kay Xavier, di ba?"
Napangiti ako at siniko siya nang bahagya. "Hindi naman sa ganun. Pero iba kasi si Emer. Barkada natin siya, kaya mas kilala natin ang ugali niya. Pero si Xavier... wala akong masabi sa kanya—hindi ko pa kasi siya kilala ng lubusan."
"Well, sa tingin ko, parehong may laban," sabi ni Jimmie habang umakto na parang ini-interview ang sarili. "Kaya lang, depende yan