KATHERINE
Dahil ang katabi ko ngayon ay si Lauren..
“Bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya.
“Bakit, bawal ba akong manood ng sine?” tanong niya sa akin at lumingon siya kaya sobrang lapit ng mukha naming dalawa.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong napalunok ng wala sa oras. Paano ba naman kasi ang bango ng lalaking ito. Tapos ang gwapo pa niya. Pero kailangan kong ayusin ang sarili ko dahil nakakahiya itong ginagawa ko.
Umiwas na ako ng tingin sa kanya at muli na lang akong tumingin sa screen. Ayaw ko naman na isipin niya na pinagbabawalan ko siya dito ngayon. Dahil hindi naman ako ang may-ari ng sinehan. Nakikinood lang rin naman ako. Baka nga ganito rin ang mga trip niya.
“Maganda ba?” tanong niya pero hindi ko alam kung sino ba ang kinakausap niya.
“Snob naman,” sabi niya kaya lumingon ulit ako sa kanya.
“Ako ba ang kausap mo?” tanong ko sa kanya.
“May iba pa ba akong kilala dito maliban sa ‘yo?” tanong niya.
“Ano ba ang maganda–”
“Ikaw,” sagot niya kaya biglang kumuno ang noo ko.
“Ako?”
“Ikaw, ano sa tingin mo ang palabas, maganda ba?” tanong niya sa akin.
“Maganda naman–”
“Maganda nga,” sabi niya pero sa akin naman siya nakatingin.
“Hindi ko alam na gusto mo pala ang mga ganito,” sabi ko sa kanya.
“Medyo,” sagot niya.
“Iniwan mo ang mag-ina mo sa restaurant? Sino ang kasama nila doon? Sana sinama mo na lang sila para nanood rin sila,” sabi ko sa kanya at muling nanood ng palabas.
“Mukha ba akong may asawa na?”
“Alam mo, hindi maganda na itinatanggi mo ang mag-ina mo. Kapag may anak at asawa ka na ay ‘wag ka ng kumilos na para bang binata ka pa,” sabi ko sa kanya pero bigla na lang siyang tumawa kaya nagulat ako.
“May nakakatawa ba?” tanong ko sa kanya dahil siya lang ang bukod tangi na tumawa.
“Natatawa lang ako dahil pinipilit mo na may asawa na ako. Mukha ba talaga akong may asawa na? Hindi pa nga ako makaporma sa babaeng gusto ko eh,” sabi niya sa akin.
“Bakit naman? Bakit hindi mo pormahan kung gusto mo pala?” tanong ko rin sa kanya.
“Baka kasi mabasted ako,” sagot niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.
“Ikaw mababasted? Parang malabo naman yata ang sinasabi mong ‘yan,” sabi ko sa kanya dahil hindi ako naniniwala.
“Hindi ka ba naniniwala na mababasted ako?”
“Alam mo, malabo ang mata ng babaeng babasterin ka lang.”
“So, ibig sabihin ay malabo ang mata niya. Kung sabagay matanda na siya kaya nga siguro malabo na mga mata niya,” sabi niya kaya hindi na lang ako nagbigay ng comment ko.
Mukha kasing hindi naman totoo ang sinasabi niya. Nanood na lang ako dahil naisip ko na sayang naman ang bayad ko dito. Mukhang maganda naman ang palabas. May binili akong popcorn kaya naman ito na ang kinakain ko.
“Gusto mo?” tanong ko sa kanya.
Hindi naman siya tumanggi at kumuha naman siya. Kaya share kaming dalawa habang kumakain ng popcorn. Hindi na ako tumingin sa kanya dahil naiinis lang ako sa sarili ko dahil pinupuri ko siya na gwapo. Kasi gwapo naman kasi talaga.
Bigla na lang akong natigilan dahil bigla na lang nagkadikit ang mga kamay namin dahil sabay kaming dalawa na kumuha ng popcorn. Mabilis ko naman na binawi ang kamay ko dahil nga ako itong nahihiya sa kanya.
“Sige, mauna ka na.” sabi ko sa kanya.
“No, ikaw na.”
“Okay na ako, hindi na ako kakain.” sabi ko at binigay ko ito sa kanya.
Halatang nagulat siya pero bigla na lang siyang ngumiti kaya naman parang tumigil bigla ang mundo ko. Alam kong medyo madilim pero kasi ang gwapo ng lalaking ito. Kahit na madilim ay talagang makikita pa rin kung gaano ba siya kagwapo.
“Bakit ang gwapo mo?” wala sa sarili na tanong ko sa kanya.
“Gwapo ako?” nakangiti na tanong niya sa akin.
“May sinabi ba ako na gwapo ka? Anong sinasabi mo?” tanong ko sa kanya at umiwas ako ng tingin.
“Oo, narinig ko. Malinaw na malinaw,” sabi niya sa akin.
“Wala naman akong sinabi eh. Baka nabibingi ka lang,” sabi ko sa kanya.
“Kung nahihiya kang aminin ay okay lang. Ang mahalaga ay narinig ko na sinabi mo na gwapo ako,” nakangiti na sabi niya.
“Alam mo mali nama talaga n–”
Nagulat ako dahil bigla na lang bumukas ang ilaw dahil tapos na pala ang palabas. Hindi ko man lang namalayan na tapos na pala. Paano ba naman kasi nalipat ang atensyon ko sa lalaking ito. Inayos ko na ang bag ko dahil aalis na ako. Pero hindi ko alam bakit hindi pa itong isang ito umalis.
“May pupuntahan ka pa ba after dito?” tanong niya sa akin.
“Sa grocery lang. Bakit?”
“Samahan na kita, may bibilhin rin ako.”
“Ikaw ang bahala,” sabi ko na lang at nauna na akong naglakad palabas.
Siya naman ay nasa tabi ko lang at sabay kaming naglalakad na dalawa. Nagpaalam muna ako sa kanya na pupunta lang ako sa banyo pero talagang sumunod pa siya at naghihintay sa akin sa labas.
“Ang gwapo ng lalaki sa labas noh,” narinig ko na sabi ng isang babae.
“Totoo, super gwapo. Para siyang artista na parang model. Gusto ko nga magpapicture kaya lang nahihiya ako.”
“Kasama niya yata ang girlfriend niya,” sabi ng isa pang babae.
Kahit hindi ko itanong ay alam ko na kilala ko ang tinutukoy nila. Sure ako na si Lauren ang tinutukoy nila. Mukha ba niya akong girlfriend para ganun ang sabihin nila. Ang tanda ko na para maging girlfriend niya.
Nang lumabas ako ay umayos siya ng tayo niya at sumunod na sa akin. Ako naman ay tahimik lang na kumuha ng cart. Kaunti lang naman ang bibilhin ko, ako lang naman kasi mag-isa sa bahay kaya matagal ko pa bago maubos ang mga binibili ko.
“Ito lang lahat ng bibilhin mo?” tanong niya sa akin.
“Sapat na ito para sa akin. Ako lang naman ang mag-isa sa bahay,” sagot ko sa kanya.
“Wala ka na bang balak na mag-asawa ulit?” tanong niya sa akin na hindi ko inaasahan.
Hindi ko lang inaasahan na itatanong niya sa akin ang tungkol sa ganito. Hindi naman kasi kami close para magtanong siya.
“Matanda na ako para mag-asawa pa ulit. Saka walang lalaki ang gustong—”