KATHERINE
Mabuti na lang talaga at hindi na bumalik ang lalaking ‘yon. Tatlong araw na rin simula ng umalis siya. Pero bakit ko ba siya iniisip? Ano ba ang pakialam ko sa bata na ‘yon? Mabuti nga na hindi ko na siya nakita dahil masungit lang naman siya.
“Ate, okay ka lang po ba?”
“May sinasabi ka ba, Nica?” tanong ko sa kanya.
“Sabi ko po kung okay ka lang po?”
“Okay lang naman ako, bakit mo naitanong?” tanong ko sa kanya.
“Kasi kanina ka pa po tulala d’yan eh. Tapos kalbo na po ang halaman,” sabi niya sa akin kaya nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na nakalbo ko na nga ang inaayos kong halaman.
“Naku, hindi ko namalayan.”
“Mukhang may iniisip ka po, ate. May problema ka po ba?” halatang nag-aalala na tanong sa akin ni Nica.
Ngumiti ako sa kanya dahil ang bait talaga ng batang ito.
“Okay lang ako, Nica. Hindi ko alam kung bakit lumilipad ang isip ko. Bigla ko lang kasi naalala ang mga halaman na binili ni Mr. Laczamana. Lagi kasing namamatay binibili niya para sa mommy niya. Kaya naisip ko na baka–”
“Naku, baka okay na po ‘yon, ate. Hindi na po siya bumalik eh. Ilang araw na nga? Tatlo na yata, kaya baka okay na ‘yon.” sabi niya sa akin.
“Baka nga, ayaw ko naman na nagsasayang siya ng pera sa kakabili ng halaman.”
“Mayaman o ‘yon, marami siyang pera. Huwag niyo na lang po siyang isipin kasi sure ako na okay lang siya,” sabi niya sa akin.
“Hindi naman siya ang iniisip ko kundi ang halaman.”
“Uyy, si ate defensive.. Crush mo siguro si Sir,” nakangisi na sabi ni Nica na halatang inaasar niya ako.
“Masyado na akong matanda para sa ganyan,” sabi ko sa kanya.
“Senior citizen nga may crush. Ikaw pa kaya na hindi naman mukhang matanda,” sabi pa niya sa akin.
“Wala ng tatanggap sa akin. Pangit ang nakaraan ko, Nica. Ayaw ko naman na maging kahihiyan ‘yon ng lalaki,” sabi ko sa kanya at inaayos ko na ang iba pang mga halaman.
“Ate, kahit pa gaano kadilim ang nakaraan mo ay may taong tatanggap sa ‘yo ng buo. Naniniwala pa rin ako na deserve mong sumaya,” sabi niya sa akin. Sa totoo lang lagi niya itong sinasabi sa akin.
“Salamat, Nica. Kung may dumating man ay ipagpapasalamat ko at kung wala man ay magpapasalamat pa rin ako,” sabi ko sa kanya.
“Mayroon po ‘yan, ate. Malay mo nasa tabi-tabi lang. Naghahanap lang ng tamang pagkakataon,” sabi niya sa akin.
“Ikaw talaga. Tapusin na natin ito para makapag-pahinga na tayo,” sabi ko sa kanya.
Ilang araw na ring umuulan kaya medyo marami ang inaayos namin. Ngayon lang kasi bumuti ang panahon. Ginawa ko na lang ang kailangan kong gawin para matapos na ako.
Tinatanong ko si Nica kung may oras siya mamaya kasi gusto ko na sa labas na kami kumain. Wala raw kaya ang ending ay ako na lang ang kakain sa labas mamaya.
Saktong five ng hapon ay natapos na ako sa ginagawa ko. Nakauwi na rin si Nica kaya ako naman ay naligo na para makaalis na ako. Wala rin kasi akong mayaya kaya ako lang talaga ang mag-isang aalis.
Isang simpleng dress ang suot ko ngayon. Nagbook na lang ako ng masasakyan ko papunta sa mall kung saan ako kakain.
Malapit lang naman ang mall pero syempre gusto ko naman na makapag-relax kahit kaunti lang. Lagi na lang kasi akong nasa bahay, laging mga halaman ang kasama ko.
Ang daming tao ngayon dito sa mall. Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon ngayon. Naglakad na ako papunta sa may restaurant.
Hindi ko naman ito laging ginagawa. Ngayon lang ulit. Ang lifestyle ko noong lumalaki ako ay malayo sa buhay na mayroon ako ngayon. Pero wala naman akong pinagsisihan dahil masaya naman ako ngayon.
Simpleng buhay talaga ang bagay sa akin. Wala akong ibang hinihiling kundi good health at peace of mind. Miss ko na naman tuloy ang anak ko.
Siguro kung naging mabuting ina ako ay hindi siguro ako mag-isa ngayon. Siguro kahit pa naghiwalay kami ni Adam ay baka sakaling kasama ko pa rin si Reighn.
Dahil sa akin kaya mas pinili ng anak ko na lumayo sa akin. Napa-buga na lang ako ng hangin kasi hindi dapat ako ganito. Magagalit sa akin ang anak ko kapag nalaman niya na patuloy ko pa rin na sinisisi ang sarili ko.
Pagkarating ko sa may restaurant ay nakangiti akong binati ng staff nila. After ay hinatid niya ako sa magiging table ko. Binigay niya sa akin ang menu kaya naman pumili na ako ng gusto ko.
Nang makapili na ako ay sinabi ko rin agad ang gusto ko. Habang naghihintay ako ay nag-picture ako ng sarili ko. Wala lang, gusto ko lang magkeep sa phone ko para sa memories.
Gusto ko na malaman na kaya ko mabuhay ng ganito. After ilang minutes ay dumating na ang food ko.
Kumain rin naman agad ako dahil balak ko pang manood ng movie mamaya. Hindi ko alam kung ano ba ang maganda pero pipili na lang ako mamaya.
Habang kumakain ako ay may pumasok sa may entrance. Ang lalaking ilang araw ko ng hindi nakikita. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa pero ako rin ang unang umiwas.
May kasama siyang babae at may kasama silang batang babae. Ang buong akala ko ay single siya pero mukhang mali ako dahil mukhang pamilyado na siya.
Hindi ko alam kung saan sila nakaupo dahil hindi na ako lumingon pa. Tinapos ko na lang at inubos ko ang pagkain ko.
Nag bill out na rin ako. After ko magbayad ay lumabas na rin agad ako sa restaurant. Wala naman akong balak na tumambay pa doon. Tinahak mo na lang ang daan papunta sa may cinema.
Bumili ako ng ticket. Mabuti na lang at magsisimula pa lang ito. Mas pinili ko ang nasa pinakadulong upuan. Saktong pag-upp ko ay nagsisimula na ang palabas kaya nasa screen lang ang atensyon ko.
Expected ko na may tatabi sa akin. Lalo na vacant naman ang nasa katabing upuan ko. Wala naman akong interes sa kung sino ang nasa tabi ko kaya lang ang bango ng pabango niya. It smells familiar kaya naman tumingin ako sa taong nasa tabi ko at nagulat ako.
Dahil ang katabi ko ngayon ay si…
KATHERINE“Ate, ako na po ang maghuhugas ng mga hugasin,” nakangisi na sabi ni Lauren na para bang inaasar pa niya ako.Kakatapos lang namin kumain na dalawa kaya naman ako na ang maghuhugas nito. Nakakahiya naman kung siya pa ang maghuhugas eh siya na ang nagluto.“Ako na, ikaw na nga ang nagluto eh,” sabi ko sa kanya.“Ako na po, ate.” Nakangisi pa rin na sabi niya.“Bakit ba ang kulit mo? Ang sabi ko ay ako na, kung ayaw mong makinig sa akin ay–”“Ang ingay mo talaga, ate.” sabi niya sa akin at pinatakan niya ng halik ang labi ko.“Tumigil ka nga! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa m–”“Hinahalikan ka,” nakangisi na sagot niya after niya ako ulit halikan sa labi.“Bakit ka ba panay halik? Alam mo ba na hindi tama itong ginagawa m—”“Ituro mo nga sa akin kung ano ba ang tamang paghalik,” nakangisi na sabi niya kaya ako itong maang na nakatingin sa kanya.“You’re unbelievable,” bulalas ko habang nakatingin ako sa gwapo niyang mukha na ngayon ay nakangiti.“Yes, at mas unbelievable pa an
KATHERINE“Kailangan pa ba kitang utusan na halikan rin ako?” Tanong niya sa akin na alam kong may kasamang utos.“Anong gagawin ko? Dapat ko bang sundin ang batang ito?” Tanong ko sa sarili.“Kiss me back, please.”Sh*t! May pa please pa siyang nalalaman pero mali ito. Hindi dapat ito nangyayari kaya naman mabilis ko siyang itinulak. Hindi dapat ako magpadala sa kanya. Hindi talaga dapat.“Tumigil ka nga! Ate mo na ako, kaya please lang tumigil ka,” sabi ko sa kanya.“Paano kung ayaw ko?”“Bakit ka ba ganyan?” Tanong ko sa kanya.“Bakit ako ganito? Dahil sa ‘yo,” sagot niya sa akin.“Ha? Bakit?”“Ilang taon ka na ba?” tanong niya sa akin.“42 na ako,” sagot ko sa kanya.“42 ka na pero manhid ka pa rin,” sabi niya sa akin kaya mas lalo akong naguluhan sa kanya.Hindi ko kasi talaga alam kung ano ba ang tinutukoy ng batang ito.“Ano ba ang ibig mong sabih–”Nagulat ako dahil muli na naman niya akong hinalikan sa labi na dahilan para manlaki na naman ang mga mata ko. Ano ba talaga ang gi
KATHERINE “Ano ba ang problema mo? Bakit ganyan ang mga tanong mo sa akin?” tanong ko sa kanya pero hindi naman siya sumagot dahil lumalapit siya sa akin. Ako naman itong umaatras hanggang sa muntik na akong matumba pero mabilis niya akong hinila kaya napahawak ako sa dibdib niya. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Hanggang sa nagulat ako nang bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Feeling ko ay bigla na lang tumigil ang lahat ng nasa paligid kahit pa kaming dalawa lang naman ang nandito ngayon. Literal na lumaki ang mga mata ko sa pagkagulat. After ilang taon ay ngayon lang ulit ang may humalik sa akin. Hindi ko alam pero bakit may kakaibang bigay sa puso ko ang naging halik niya. Nang mahimasmasan ako ay mabilis ko siyang itinulak. “Ano bang ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya. “Pinapa-tahimik lang kita dahil ang ingay mo,” sabi niya sa akin kaya buong pagtataka akong tumingin sa kanya. Kanina ay nagtatanong siya about kay Adam. Tapos ako ang maingay? Ako ba talaga? Ewan k
KATHERINE“Baliw ba siya?”Hindi ko mapigilan na hindi itanong sa sarili ko nang makita ko si Lauren na sinisira ang gate ko. Mabilis akong lumabas ng bahay para puntahan siya. “What do you think you’re doing?” tanong ko sa kanya.“S–Sinisira ko,” sagot niya sa akin na halatang lasing siya.“Bakit mo sinisira?”“Wala lang gusto ko lang. Masama ba? Magsusumbong ka ba sa ex-husband mo? Edi magsumbong ka sa kanya! Wala akong pakialam!” sagot niya sa akin na patanong.“Ano ba ang problema mo?”“Problema ko? Ikaw, ikaw ang problema ko,” sagot niya sa akin.“Tungkol ba ito sa mga halaman na binili mo?” tanong ko sa kanya.“‘Yong halaman mo na namatay lahat? Tsk! Ang pangit ng mga halaman mo, nakailang bili na ako pero wala pa rin,” sabi niya kaya hindi ko alam kung masasaktan ba ako o hindi.“Hayaan mo papalitan ko na lang ‘yon lahat. May puwede ba akong tawagan para magsundo sa ‘yo?” tanong ko sa kanya dahil alam ko naman na hindi niya kayang magdrive.“D–Dito ako matutulog,” sabi niya at
KATHERINE“Matanda na ako para mag-asawa pa ulit. Saka walang lalaki ang gustong—”“Paano naman kung mayroon,” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.“Mauna na ako sa ‘yo,” sabi ko sa kanya at tumalikod na ako dahil tapos na akong magbayad ng mga binili ko.Ayaw ko kasi na nag-uusap kami ng ganito sa harap ng ibang tao. Lalo na matanda na ako. Ayaw ko ng ganito kaming dalawa at nag-uusap ng tungkol sa personal kong buhay eh hindi naman kami close.“Ihahatid na kita,” sabi niya at bigla na lang niyang kinuha sa kamay ko ang bitbit kong grocery.“Baka may ibang lakad ka pa. Okay lang ako,” sabi ko sa kanya.“Wala na akong pupuntahan. Ihahatid muna kita sa bahay mo bago ako uuwi,” sabi niya sa akin.“Okay lang ba sa ‘yo?” tanong ko sa kanya.“Okay na okay,” nakangiti na sagot niya sa akin.“Sige, ikaw ang bahala.” sabi ko sa kanya at hinayaan ko na lang siya.Sa parking lot na kami pumunta na dalawa. Kahit pa may hawak siya ay pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto ng kotse. Gentleman tala
KATHERINEDahil ang katabi ko ngayon ay si Lauren..“Bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya.“Bakit, bawal ba akong manood ng sine?” tanong niya sa akin at lumingon siya kaya sobrang lapit ng mukha naming dalawa.Hindi ko alam pero bigla na lang akong napalunok ng wala sa oras. Paano ba naman kasi ang bango ng lalaking ito. Tapos ang gwapo pa niya. Pero kailangan kong ayusin ang sarili ko dahil nakakahiya itong ginagawa ko. Umiwas na ako ng tingin sa kanya at muli na lang akong tumingin sa screen. Ayaw ko naman na isipin niya na pinagbabawalan ko siya dito ngayon. Dahil hindi naman ako ang may-ari ng sinehan. Nakikinood lang rin naman ako. Baka nga ganito rin ang mga trip niya. “Maganda ba?” tanong niya pero hindi ko alam kung sino ba ang kinakausap niya. “Snob naman,” sabi niya kaya lumingon ulit ako sa kanya.“Ako ba ang kausap mo?” tanong ko sa kanya.“May iba pa ba akong kilala dito maliban sa ‘yo?” tanong niya.“Ano ba ang maganda–”“Ikaw,” sagot niya kaya biglang kumuno ang no