Search
Library
Home / Romance / RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER / CHAPTER 12

CHAPTER 12

Author: Haneibuns
2024-08-02 22:29:20

"I'm her boss," pagpapakilala ni Brett.

"I'm Nadia Natividad, Sir," nakangiting wika ni Nadia saka lumingon kay Felip.

"I already know Sir Brett. We've met."

"What?" Hindi makapaniwalang sambit naman nito at tumingin kay Thyra.

"Sorry, Nads."

"It's okay. At least, nakilala ko na siya," nakangiting sagot nito.

"Let's eat together. Thyra will not come with you if I am left alone."

Nanlaki naman ang mga mata ni Thyra.

"S-Sumama na lang po tayo sa mga kasama niyo, Sir."

"Follow me," sambit ni Brett na parang hindi siya narinig at naglakad na.

"Pero, Sir—"

"Don't you want to be with us, Thyra?" Tanong ni Felip kaya napatigil sila.

"Hindi sa ganoon."

"Ah. You're ashamed Sir Brett will see our behavior," komento ni Nadia saka ito natawa.

Hindi naman masabi ni Thyra na ayaw niyang makasama ito at makilala siya nang lubusan.

"I don't mind," saad ni Brett.

Wala namang nagawa si Thyra kaya tumango-tango na lang siya.

Nagpunta sila sa isang restaurant malapit sa dagat at pumuwesto sa garden nito.

"Baka kung ano po ang sabihin ng mga kasama niyo, Sir," sabi ni Thyra nang makaupo sila.

"I texted them."

Magkatabi silang dalawa habang kaharap nila ang dalawa niyang kaibigan.

"How are you? After my birthday, I don't think I ever asked how you were when you got home," tanong ni Nadia habang naghihintay sa inorder ni Brett para sa kanila.

Nasamid naman si Brett sa iniinom niyang tubig kaya agad siyang inabutan ni Thyra ng tissue. Napatingin naman sina Nadia sa kaniya.

"Nakatulog na ako agad. Iniwan kasi ako ni Felip," baling nito sa kaniya.

Napangiti naman ito.

"I'll make it up to you."

"Bumawi ka na lang sa OJT natin," sagot niya.

"Magkasama pala kayong dalawa. Sayang, I will be deployed to another hotel," wika ni Nadia.

"Huwag kang lumabas nang mag-isa. Baka puwede kitang daanan," saad ni Thyra.

Palihim namang sumulyap si Brett dahil sa pagiging caring nito.

"Sabi ni Dad, he can lend me his driver. Baka ikaw ang mahirapan."

"I'll drive her home," pagpriprisinta naman ni Felip.

Tumango naman si Thyra.

"Mag-rerent ako ng apartment if ever na nalalayuan ako sa hotel. I'll bring Thyra with me," sambit ni Nadia.

"She will still work for me," sabat ni Brett.

Napatigil naman sina Felip.

"Is it true, Thyra? Kaya mo ba?" Tanong ni Felip.

Tumango naman siya.

"Magiging okay ka ba?" Tanong ulit nito.

"Bakit ako hindi magiging okay?" Natatawang saad ni Thyra.

Nang dumating na ang order nila ay iniusog ni Thyra ang mga pagkain sa gawi ni Brett saka ito kumuha.

Napatingin naman si Brett sa kanila nang lagyan ni Felip ng kanin ang plato ni Thyra.

Bago magsimulang kumain si Thyra ay binigyan niya muna ng juice si Brett. Hindi naman naiwasang tumingin sina Nadia.

Nang mapansin iyon ni Thyra ay tinaasan niya ng kilay si Nadia.

"Nothing. Just do your job," nakangiting sabi nito.

Bigla namang sumama ang itsura ni Brett nang marinig iyon.

"Baso ko 'yan," wika ni Thyra nang makitang kinuha ni Felip ang baso niya at uminom.

"Sorry." Nataranta naman si Felip.

"That's an indirect kiss," nakangiting komento ni Nadia.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Thyra.

Paglingon niya kay Brett ay nakatingin na ito sa kaniya kaya umayos siya sa pagkakaupo.

"Don't mind me," saad nito.

Nagpatuloy naman silang kumain.

"Excuse me. Bring her a new glass," tawag ni Brett sa isang server.

Napaawang naman ang bibig ni Thyra ngunit agad ding umayos. Napapikit siya sa hiya.

"May naalala ako, 'Te," sambit ni Nadia.

Napatingin naman agad siya at ipinagdasal na sana ay manahimik na ito.

"I-Importante ba 'yan?"

Tumango naman ito.

"Zane requested na mapunta sa hotel kung saan ka pupunta."

Nabilaukan si Thyra.

"A-Ano?"

Hindi siya makatingin kay Brett.

"He requested that from the teachers," dagdag pa ni Nadia.

"What? Pumayag sila?" Tanong naman ni Felip at napakunot-noo.

"Pinapaboran siya ng mga teachers sa department natin," sagot naman nito.

"He's unbelievable," komento ni Felip.

Hindi naman umimik si Thyra at sumulyap sa katabi niya. Nakatingin lang si Brett sa hawak niyang baso.

"Maybe he's not over you yet," sabi ni Nadia.

"Nadia," pagpipigil ni Thyra.

"Why? As your friend, I'm just concerned dahil makakasama mo siya."

"Pupunta tayo roon para sa OJT. Wala naman siguro siyang gagawin," sagot naman niya.

Umiling-iling naman si Felip saka kumain.

"Sa bagay, Felip is with you."

"She can defend herself, but I don't trust Zane," wika ni Felip.

Namula naman si Thyra.

"H-Huwag na natin siyang pag-usapan."

"Okay. But still, delikado pa rin siya," sabi ni Nadia.

"Why?"

Napalunok si Thyra nang magsalita si Brett.

"P-Po?" Napalingon siya sa kaniya.

"Why is Zane dangerous?"

Nanuyo naman ang lalamunan ni Thyra.

"He used to fight those who approached Thyra, Sir. Even though he has many women." Napatingin si Thyra sa pagsagot ni Nadia.

"Is that true?"

Napalingon naman siya.

"O-Opo, pero hanggang salita lang naman po siya. Tsaka hindi ko naman po siya binibigyan ng atensyon."

Hindi naman umimik si Brett kaya hindi mapakali ang mga daliri ni Thyra.

"What if he changes, hindi mo ba siya papatulan?" Tanong ni Nadia.

"Baka ikaw ang patulan ni Thyra," komento ni Felip nang sumama ang tingin niya.

"Kung anu-ano'ng sinasabi mo," pigil-inis niyang sambit.

"Sorry. I'm just asking, because you're single since—"

"Nadia."

"S-Sorry," wika agad nito nang sumeryoso si Thyra.

Bumaling naman siya kay Brett.

"May pupuntahan pa po ba tayo, Sir?" Tanong ni Thyra.

"No more."

Hindi na sila nagsalita pa at tinapos na ang pagkain.

Nang makalabas sila roon ay tumabi si Felip sa kaniya dahil nauna na si Brett sa sasakyan.

"Pagpasenyahan mo na si Nadia. She was just too excited."

"Alam ko," seryoso pa ring sagot niya.

Humabol naman si Nadia sa kanila.

"Sorry, Thyra," nakangusong sambit nito.

"Okay lang. Pero sana 'yong hindi natin kasama ang boss ko."

"Nawalan ako ng preno, eh."

"Alam ko, kaya muntik nang makasagasa 'yang bibig mo," saad niya.

"Sorry na," pagpapa-cute ni Nadia.

"Oo na. Sige na. Mag-ingat kayo pauwi."

Nang makauwi sila ay agad na nagsalita si Thyra.

"Sorry po about sa kanina, Sir. Ganoon lang po talaga kami."

"Why are you sorry for being who you are?" Sambit naman nito. Hindi nakaimik si Thyra.

"Wala po ba kayong ipapahabol na gagawin ko?" Tanong ni Thyra habang bitbit ang bag niya at uuwi siya sa kanila para mag-day off.

"Just go," sagot naman nito habang abala sa kaniyang cellphone.

Lumabi naman si Thyra.

"Kung magluto na lang po ako ng pagkain niyo—"

"Get some rest already. Mag-iisang buwan ka na rito, at ngayon ka lang uuwi," pamumutol nito sa sasabihin niya.

Tumango-tango naman siya.

"Basta kapag kailangan niyo ako, i-text niyo lang po ako."

"Sige. Umalis ka na," sagot nito at nag-angat ng tingin.

"Parang ayaw niyo naman po—sabi ko nga po, aalis na," natatawang sambit niya nang mapakunot-noo si Brett.

Nang makauwi siya ay nadatnan niya ang kaniyang amang nakatulala sa kusina habang nagluluto.

Umubo naman siya kaya napalingon ito. Napangiti siya nang makita si Thyra.

"Hindi ka nagsabi," wika nito.

"Eh, 'di surprise!" Natatawang sambit ni Thyra.

Umiling-iling naman si Thyrone habang nakangiti.

"Kumusta ka na sa bahay ni Sir Brett? Hindi na ba siya nagiging dragon sa'yo?" Natatawang tanong nito.

Naupo naman siya saka napangiti.

"Hindi na po masyado. Nakilala na nga rin po niya sina Nadia. Eh, kayo, kumusta po kayo rito?"

"Okay lang ako. Gano'n pa rin ang trabaho ko sa bukid. Tsaka natatawagan naman kita," sagot nito saka inilapag sa harapan ng anak niya ang niluto niya.

Umayos naman siya sa pagkakaupo.

"Ah, Papa, kumusta 'yong paghahanap niyo sa mga kamag-anak ni Mama?"

Napatigil naman ito.

"Hindi ko pa sila nakikita. Tsaka wala rin akong oras."

"Alam ko pong bago siya nawala ay hindi kayo okay. Wala na po siya, at alam kong okay na siya. Sana ganoon din po kayo," malumanay na sambit niya.

"Ikaw, okay ka lang ba?" Tanong ni Thyrone.

"Kuntento na po ako sa inyo," nakangiting sagot niya.

Habang kumakain ay napag-usapan nila ang OJT nila at ang pagtatrabaho pa rin niya kay Brett.

‘Kung sakaling maka-graduate ako, sana pagtiyagaan siya ng papalit sa akin.’

"Uuwi ka na agad?" Tanong ng kaniyang ama habang inaayos ang bag niya.

"Dalawang araw lang po kasi ang pahinga ko. Basta tawagan niyo lang po ako, Papa," saad ni Thyra.

Matagal namang napatitig si Thyrone sa kaniya.

"Kung sakaling makilala mo ang mga kamag-anak ng Mama mo, sana itrato ka nila nang maayos." Nakangiti ngunit malungkot ang mga mata nito.

Napakunot-noo naman siya.

"May hindi po ba kayo sinasabi sa'kin?"

"Hindi sila kasing bait ng iniisip mo," sagot naman nito.

"A-Ano'ng ginawa nila sa'yo?" Napalunok si Thyra.

"W-Wala, anak."

"Sinungaling," madiing sambit niya.

"Anak—"

"Bata pa lang ako nang mawala si Mama. Hindi ko rin siya maalala. Ano ba kasing nangyari sa inyo, Papa? Si Mama, may ginawa ba sila sa kaniya?"

"Hindi mo maiintindihan. Ang Mama mo, hindi siya katulad ng ibang ina."

"Diyos ko, Papa! Hindi naman po gano'n kahina ang utak ko para hindi maintindihan," halos sumigaw at naiiyak na sambit ni Thyra.

Hindi naman ito umimik.

"Wala po akong pakialam kung ano'ng klaseng ina siya. Gusto ko lang malaman kung ano pong ginawa nila sa'yo kaya ka nagkakaganiyan. Tapos ayaw niyo akong bigyan ng impormasyon?"

"Hindi pa ito ang tamang panahon—"

"Kailan pa, Papa? Kapag masama na rin ang loob ko sa inyo?"

Hindi ito umimik at napalunok na lang.

"Tawagan niyo na lang po ako. Mag-ingat kayo rito."

Tumalikod na siya at umalis doon.

Habang papasok siya sa loob ng bahay ni Brett ay hindi mawala sa isipan niya ang mga hinala at teorya niya.

"You're home. Let's eat dinner," sambit ni Brett saka tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa.

Ibinaba naman ni Thyra ang mga gamit niya at hinilot ang kamay.

"Iaakyat ko lang po ang mga gamit ko, Sir," malamyang wika niya saka binuhat ulit ang bag niya.

Habang paakyat siya sa hagdanan ay pumatak ang kaniyang luha.

Napatigil siya sa harap ng kaniyang kama at bumuhos ang luha niya.

"Thyra, what happened?"

Napalingon siya at nakitang sumunod si Brett sa kaniya habang bitbit ang iba pa niyang mga gamit.

"W-Wala po," sagot niya saka tumalikod sa kaniya at nagpunas ng luha.

"What happened? Tell me," pag-uulit nito at lumapit sa kaniya.

Hindi naman siya umimik at mas lalong tumulo ang kaniyang luha.

"Why are you crying?" Sambit ni Brett sa likuran niya.

"M-May kulang po kasi sa akin," mahinang sagot niya.

"Kung may kulang man sa'yo, just be yourself. You're still Thyra."

Hindi naman siya umimik.

"Maging bato ka lang, you can handle whatever you are going through."

"H-Hindi ko po kayang maging matigas ngayon," sagot niya saka siya humarap.

"Then sumandal ka sa alam mong strong, and you'll be fine."

Lalapit pa sana si Brett, ngunit umatras si Thyra.

"Okay po ako. Sorry po." Umiwas siya ng tingin.

"Why are you saying that? When you're trying to be soft with me, lagi kang humihingi ng tawad. I don't understand," nalilitong sabi ni Brett.

"S-Sorry, Sir. Nililimitahan ko po ang sarili ko sa inyo. Boss ko po kayo." Nag-angat siya ng tingin.

"What? You have crossed the line, and you're telling me that sh*t?" Nakakunot-noo ito.

Hindi nakaimik si Thyra.

"Ikaw ang unang nagsabing nandiyan ka lang for me. But when I do the same, it's not okay with you? How is that even possible?" Pigil-inis na sambit ni Brett.

"Na-realize ko po kasing hindi ko kailangan maging close sa inyo." Napalunok siya.

Napakunot-noo naman ito.

"Don't make me laugh."

"Pero, Sir—"

"You don't even remember how close you get to me."

"P-Po?"

"You really don't remember what you did when you're drunk?" Kunot-noong sambit nito.

"H-Hindi po. Ano'ng ginawa ko?"

"Nevermind."

Tatalikod na sana si Brett ngunit hinawakan ni Thyra ang braso niya.

"Ano pong ginawa ko para maging ganiyan kayo sa'kin?"

"You k*ssed me," matigas na sagot ni Brett.

Napabitaw naman si Thyra at nanlaki ang mga mata niya.

"You k*ssed me so hard and you can't even f*cking remember it!"

"A-Ano?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP