Lumabas si Brett upang kumain ng dinner nang matapos niya ang presentation para sa meeting niya kinabukasan.
Nameke siya ng ubo nang makapasok siya sa kusina at sumeryoso upang malaman ni Thyra na papasok na siya. Ngunit napakunot-noo siya nang makitang wala siya ro'n. Isang plato lang ang nasa lamesa at naka-set-up na ang kakainin niya. Tinignan niya ang pagkain kung kumain na si Thyra, ngunit hindi pa iyon nababawasan. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ito, pero hindi siya sumasagot. Umiling-iling siya saka nagsimulang kumain at sadyang binagalan niya. Ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin si Thyra. Hindi na niya tinapos ang pagkain at kunot-noong nagtungo sa harapan ng kuwarto nito. "Hey. Wash the dishes," utos niya habang nasa pintuan. Wala namang sumagot. "May ipapagawa pa ako sa'yo. Don't sleep early," dagdag niya pa. Tahimik pa rin sa loob kaya pumasok na siya. Wala siyang nakita roon. "Where are you?" Sinubukan niya ulit na tawagan ngunit napalingon siya sa side table ni Thyra at nakitang nag-riring ang cellphone niya roon. "Where is she?" "Thyra!" Tawag niya saka lumabas doon. "Hey! Come out! Don't tire me out with shouting!" Wala pa ring sumagot. "Did I push her that hard?" Bulong niya habang pababa ng hagdan. Bigla namang kumidlat kaya binilisan niya ang paglalakad. "F*ck!" Nagmadali siyang pumunta sa poolside at hinanap doon si Thyra ngunit wala siyang nadatnan. Malakas na ang ulan kaya kunot-noo na siyang naghahanap. Nagliwanag ang mukha niya nang makitang nakabukas ang pintuan ng bodega. Tumakbo siya at sinuong ang ulan papunta ro'n. Agad niyang binuksan ang pinto at tumambas si Thyra. "Thyra!" Nataranta siya nang makitang umiiyak ito at niyayakap ang sarili. "T-Thyra, wake up." Hindi naman ito sumasagot. "P-Papa," rinig niyang iyak ni Thyra. Hinawakan niya ito at naramdamang mainit. Agad niya itong binuhat at inilabas doon. Dumad*ing si Thyra habang papasok sila sa kuwarto ni Brett. Dahil basang-basa na sila ay inilapag niya ito sa bathtub. Napalunok siya nang makitang basang-basa ang katawan ni Thyra. Kinuha niya ang towel at pinunasan ang katawan ni Thyra. "I-I need to remove your clothes, it's dripping wet." Nagmulat naman ito ng mata. Bumilis ang tibok ng puso ni Brett nang tumingin ito sa kaniya. "S-Sir Brett." "Allow... Allow me to change your clothes." Napapikit naman ito at dahan-dahang tumango. Nanginginig ang mga kamay niya habang tinatanggal ang butones sa pang-itaas na damit ni Thyra. Gumalaw naman ito para tuluyang matanggal ang damit niya. Hinatak din ni Brett ang pang-ibaba niya, at tanging underwear na lang ang natira. Napaiwas siya ng tingin kay Thyra nang abutin niya ang likod nito at tinanggal ang hook ng bra niya. Tatanggalin na sana niya ang bra nito ngunit hinawakan siya ni Thyra, kaya napatingin siya. "Ako na po," mahinang wika ni Thyra. Agad naman siyang binitawan nito at kinuha ang bathrobe saka ibinigay sa kaniya. "Tell me when you're done." Kinuha naman iyon ni Thyra at tumalikod na siya. Lumabas siya saglit upang makapagpalit din siya at iwas-tinging bumalik. "S-Sir, patulong po." Pagkaharap niya ay nakita niya itong nakasuot na ng bathrobe. "M-Mahina po ang mga paa ko kapag may sakit ako." Tumango naman si Brett ngunit nag-alangan siya nang buhatin niya ito at humawak siya sa leeg niya. Mabilis silang lumabas sa banyo, lalo na nang maisip ni Brett na walang suot panloob si Thyra. "You should've told me that you have a fever," saad niya nang maibaba niya si Thyra sa kama. ‘I forgot, hindi ko pala siya kinakausap.’ "S-Sir, doon na lang po ako sa kuwarto—" "Can you walk?" Kunot-noong tanong ni Brett. "Sige po. K-Kahit damit ko na lang po ang pakikuha niyo," saad nito at niyakap ang sarili habang nakaupo. Mabilis namang umalis si Brett at ilang minuto itong nawala. "Thank you po," wika ni Thyra nang bumalik ito saka ibinigay sa kaniya ang damit niya. "Go change." "Sir, n-nahihiya po ako—" Agad na tumalikod si Brett at pinatay ang mga ilaw. Tanging lampshade lang ang nakabukas. Tumayo siya sa dulo ng kama habang nakatalikod kay Thyra. Napalunok siya nang makita ang anino ni Thyra na nagbibihis. Napamura siya sa kaniyang isipan nang makitang nagtatanggal ng bathrobe si Thyra mula sa kaniyang anino at kitang-kita niya ang hugis ng katawan nito. Kahit pilit siyang umiiwas ng tingin ay hindi niya mapigilan. Simula sa pagsuot nito ng underwear, hanggang sa matapos ito. ‘Forgive me.’ "Tapos na po." Ilang beses kumurap si Brett para maibalik ang kaniyang katinuan. Agad niyang ibinalik ang bathrobe sa banyo. Pagbalik niya ay kinukumutan na ni Thyra ang kaniyang sarili. "Do you feel cold?" Tumango naman ito. Hininaan ni Brett ang aircon saka tumabi sa kaniya. Bahagya siyang nagulat nang biglang tumagilid si Thyra at humarap sa kaniya. Pupungay-pungay ang mga mata nito. "S-Sir." Napalunok si Brett nang marinig ang pamilyar na tonong iyon sa boses niya. Ang boses niya noong halikan siya nito. "What?" Kalmadong tanong niya. "Mag-iisang buwan na po ako rito, papalitan niyo na po ba ako?" Namamaos na ang boses ni Thyra. Napatitig naman si Brett. ‘This scene looks familiar, and with this Thyra again.’ "Why did you ask?" "Kaya po ba hindi niyo ako kinakausap, dahil kumukuha pa po kayo ng perfect timing para palitan ako?" "No." "Ayoko pong umalis. Kailangan ko po 'to." Hindi naman siya umimik. "Mag-iipon pa po ako, Sir." "I know." "Puwede po bang magtanong?" Tumango naman si Brett. "Hindi po ba kayo satisfied sa trabaho ko?" "You work well." "Eh, ano po ang ayaw niyo?" Huminga naman siya nang malalim at tumagilid din upang humarap sa kaniya. "You're too good. Your innocence puts you in danger." Napangiti naman si Thyra at pumipikit-pikit na siya. "Isa po kayong malaking gate na bakal. I want to enter you, pero hindi ko pala kaya." Napakunot-noo naman si Brett. "Why?" "Malayo pa lang ako, ipinagtatabuyan niyo na ako." "I'm just—" "Okay lang po, Sir. Boss ko kayo, at maid niyo lang ako. Napanuod ko na po 'to, at hindi po tayo maaaring maging magkaibigan." Tumingin naman si Brett sa mga mata niya. "Did you know that you talk a lot?" "Sorry po." "You're being talkative with me now." "I feel like I needed to po." "What?" "Para makita niyo mula sa aking okay lang magsalita. Para malaman nila ang feelings mo, at para maging kumportable ako sa inyo." "Ano'ng nararamdaman mo?" Tanong ni Brett. "Nilalamig at inaantok," sagot ni Thyra saka humikab. ‘Literally. This Thyra Haze.’ "Go to sleep." Nakatingin lang ito sa kaniya kaya nailang naman siya. "Sir." "Hmm?" "Sorry po sa nangyari." Tumango lang siya saka inayos ang kumot ni Thyra, at naramdamang nanginginig siya. Inilapit ni Brett ang kaniyang katawan sa kaniya upang hindi siya lamigin. "Thank you, Sir—" "Let's just imagine that we're drunk. Let's pretend tomorrow that this did not happen." Bahagya namang naguluhan si Thyra. Niyakap siya ni Brett. Nagulat din ito nang yakapin siya pabalik ni Thyra. "Why are you like this? You're getting soft," mahinang sambit niya. "Kaysa naman maging hard po ako," sagot nito at napapikit na siya. Napangisi naman si Brett saka tumango-tango. "Sana ganito ka na lang lagi," bulong ni Thyra, ngunit narinig niya iyon. Kinabukasan ay nagising si Brett na wala na si Thyra sa kaniyang tabi. "Good morning," bati niya nang madatnan ito sa kusina. "Kain po," aya naman niya sa kaniya habang kumakain ng noodles. "How are you feeling?" "Okay na po ako, Sir." Tumango-tango naman siya. Nagtimpla si Brett ng kaniyang kape at hinulaan ang sukat ng mga inilagay niya upang magkapareho ang lasa sa timpla ni Thyra. Ngunit napangiwi siya sa pait dahil hindi iyon kagaya ng gawa nito. Naupo siya sa harapan ni Thyra, ngunit hindi man lang ito nag-angat ng tingin. "Get ready before lunch. I have a meeting," saad niya saka inilabas ang kaniyang cellphone. "Sige po, Sir," sagot nito at umayos sa pagkakaupo. "We will have lunch with my colleagues. You can buy anything you need later." "Wala naman po akong kailangan, Sir," sagot nito. Nagtaas naman ng mga kilay si Brett na parang nadismaya saka tumango-tango. Lumabas na siya ro'n nang matapos siya upang ayusin ang mga dadalhin niya sa meeting nila. Naghihintay si Thyra sa balcony ng building nina Brett nang biglang tumawag si Nadia sa kaniya. "Thyra Haze!" Pakantang tawag nito sa kaniya. "Bakit?" Natatawang sagot niya. "Nasa mall kami nitong si Felip. I'm already buying the ones I'll use for OJT. I wish you were here. Napaka-boring nito," angal ni Nadia. "Hinihintay ko ang boss ko. Ongoing ang meeting niya." Napatingin siya sa pintuan. "Really? Hindi mo pa siya ipinakita sa akin nang maayos. Maybe I know him." Napakagat-labi naman siya. "Baka." "OMG! Maybe my parents know him, too," bulalas ni Nadia. "Next time, sasabihin ko kung sino siya." "Basta guwapo siya, ah?" Natawa naman si Thyra sa kaniya. "Oo." "Sige na. I won't let Felip talk to you anymore, baka mawili pa, eh." "I can hear you," sabi ni Felip sa background. Umiling-iling naman si Thyra habang nakangiti. "Tell her, mag-ingat siya," dagdag pa nito. "Heto naman, parang hindi kayo laging nagkakausap," sambit ni Nadia. "Bye na. Mag-ingat kayong dalawa." Narinig pa niyang nag-uusap ang dalawa nang patayin niya ang tawag. Sakto namang lumapit si Brett sa kaniya at inaya na siyang umalis. Ang mga taong nagtatrabaho para sa Forteluna ay kasabay nila sa loob ng elevator. Napatingin ang mga lalake sa kaniya at hindi maiwasang pag-usapan siya ngunit patay-malisya lang siya. "Too loud," sita ni Brett habang nakakunot-noo kaya natahimik sila. Kumaway ang mga lalake kay Thyra nang makalabas sila, ngumiti naman siya at nag-bow sa kanila. "Who is she, Sir?" Tanong ng engineer na kasama ni Brett. Napatingin naman si Thyra habang papunta sila sa sasakyan ni Brett. "She's with me." "Hi, Miss! What's your name?" Tanong ng isa. Ngumiti naman siya. "I'm—" "She's none of your business." Nanlaki naman ang mga mata ni Thyra at napalingon kay Brett. ‘Nagpapaka-cool 'to.’ Tumango-tango naman ang mga lalake. "Get in," utos ni Brett at pinagbuksan siya ng pintuan. "You must have worn your simplest clothes," wika nito habang nagmamaneho. "Nakasuot na nga po ako ng t-shirt, Sir." Hinawakan niya ang suot niyang gray na t-shirt. "Why are they still talking to you?" "Ewan ko po," sagot niya at nagtaka sa tanong nito. Napakunot-noo si Brett nang mag-park ang mga kasama niya sa isang mall. "Why here?" "We just opened a branch, Sir," sagot ng isa kay Brett. Nagsuot naman ng shades si Brett kaya mas pinagtinginan siya ng mga tao sa loob. Pumasok na ang mga kasama nila sa isang restaurant nang maagaw ng paningin ni Thyra sina Felip at Nadia. Natawa siya nang makitang wala silang ganang nakaharap sa mga cellphone nila. "What?" Tanong ni Brett nang mapahinto siya. "Sir, lalapitan ko lang po saglit sina Felip at Nadia. Huwag po kayong magpapakita," paalala niya. Naiwan si Brett sa harap ng pintuan nang tumakbo na si Thyra at hindi man lang siya nakapagsalita. Agad namang tumayo ang dalawa nang makita si Thyra at niyakap siya. "I thought you were busy," sabi ni Felip. "Kunwari ka pa. You want to see her, too," natatawang sambit ni Nadia. "Katatapos lang ng meeting ni Sir." Sumulyap siya kay Felip dahil kilala na niya ito. "What happened to your palm?" Kunot-noong tanong ni Felip nang makita ang kanang palad niyang may hiwa. Napatingin naman doon sina Thyra. "Nahiwa lang. Nabitawan ko kasi 'yong kutsilyo," sagot niya saka itinago 'yon. "Fool anyone, Thyra,” hindi kumbinsidong saad ni Felip. "Totoo naman. Alangan namang saktan ko ang sarili ko?" Natatawang wika naman niya. "Not you, your boss." Nabigla naman siya. "Hey! His boss was kind, he even picked her up," saway naman ni Nadia. Hindi naman naalis ang tingin ni Felip kay Thyra. "Huwag na lang nating gawing issue ang sugat ko. Maliit lang naman," sambit niya. "Are you okay?" Tanong ni Felip. Tumango naman siya. "Join us. Let's eat together," aya ni Nadia. "At babawi pa ako sa'yo," dagdag naman ni Felip. Ipinulupot naman ni Nadia ang braso niya sa braso ni Thyra. "Magpapaalam muna ako." "Just text him. Maybe he will understand," saad ni Felip. "No. She's on duty, she needs to be with me." Nanlaki naman ang mga mata ni Thyra saka napalingon. "S-Sir?" "OMG! Sir Brett Leo Forteluna?" Hindi makapaniwala si Nadia at napatakip pa sa kaniyang bibig. "Do not go with them without me, Thyra Haze." Napalunok naman siya dahil sa presensya nito.Nanlaki ang mga mata nila nang humandusay si Hilary."M-Mommy!" Sigaw ni Laureen at napatakbo ito palapit sa kaniyang ina.Hindi alam ni Thyra kung hahawakan niya ito o hindi dahil may dugo itong lumalabas mula sa kaniya. Nanghihina ang kaniyang tuhod at hindi makapaniwala sa nasaksihan.Dumudugo ang tiyan nito matapos tumagos ang bala mula sa kaniyang likuran patungo sa gilid ng kaniyang tiyan.Napatakip si Thyra sa kaniyang bibig nang makita kung sino ang bumaril."T-Tito?" Gulat na sambit ni Brett dahil hindi na makapagsalita sa gulat si Thyra.Nakatayo si Thyrone malapit sa pintuan at hawak nito ang isang baril. May tungkod pa rin ito at walang bahid sa mukha nito ang pagsisisi sa ginawa niya."Hayop ka, Hilary. Masama ka talagang tao. Pati anak ko, idadamay mo sa pagiging demonyo mo," malumanay at seryosong wika nito.Napalingon sila sa kaniya at masama na agad ang tingin ni Laureen.Nagpunas ng luha si Laureen saka tumayo at patakbong lumapit kay Thyrone.Nanlaki ang mga mata ni
Napalunok si Thyra at hindi pa rin mawala ang paningin kina Hilary at Bettina. Naguguluhan siya kung ano'ng nangyayari. Kung ano ba ang plano ng kaniyang ina kay Bettina, at kung may plano rin ba ito kay Bettina.Huminto si Hilary sa pagtawa at huminga nang malalim saka umiling-iling habang nakangiti."You should have seen yourself, Thyra," wika nito.Nakakunot-noo pa rin siya."B-Bakit, M-Mama? H-Hindi ko maintindihan."Tila bumara sa kaniyang lalamunan ang salitang 'Mama' dahil sa kaniyang nakikita.Humakbang ng dalawang beses si Hilary kaya hinawakan ni Brett ang kamay ni Thyra. Ramdam naman nito ang pamamawis at panginginig ng palad ni Thyra.Tulad ni Thyra ay naguguluhan din si Brett, ngunit nilalakasan niya ang kaniyang loob para sa kaniyang girlfriend at kaniyang parents."Do you know how long I've been waiting for this? Na makita kita, at bonus na lang na kasama mo ang mga Forteluna," sabi ni Hilary at bigla itong sumeryoso.Biglang nanghina ang mga tuhod ni Thyra at muntik n
"B-Brett. Oh my God," mahinang sambit ni Thyra saka tumulo ang kaniyang luha. Napatakip siya sa kaniyang bibig."Why? What happened? May problema—"Hinawakan agad ni Thyra ang kamay nito at nanginginig na hinatak."Where are you going?" Takang tanong ni Benjamin."S-Sorry po. Pero mauuna na po muna kami. Mag-usap na lang po tayo sa susunod. K-Kung makita niyo po si Bettina, sabihan niyo po kami," mabilis at natatarantang sambit niya.Magsasalita pa sana sila ngunit patakbo nang hinatak ni Thyra si Brett patungo sa sarili niyang sasakyan."Why? Ano'ng nangyayari?" Kunot-noong tanong ni Brett nang maikabit nito ang kaniyang seatbelt.Sunod-sunod ang pagpatak ng kaniyang mga luha saka pinaandar ang kaniyang sasakyan."N-Nawawala raw si Thrina. Kailangan natin siyang mahanap, b-baka may ginawa na si Bettina sa kaniya. A-Ayokong mangialam ang parents mo dahil marami pa silang hindi alam," natatarantang sagot ni Thyra saka pinaharurot ang sasakyan."What? Fuck it!" Bulalas ni Brett.Wala nam
Napatakip si Thyra sa kaniyang bibig at bumilis ang tibok ng kaniyang puso."G-Grabe naman si Anthony," komento niya habang nakatingin sa sasakyan nito.Agad na bumaba si Anthony sa kaniyang sasakyan at lumapit sa lalake.Napalunok si Thyra at bumaba na rin siya.May mga sugat ang lalake at nahihirapan din itong gumalaw at tumayo.Nanginginig siyang lumapit, at mas lalong kinabahan nang mabilis na hawakan ni Anthony ang lalake sa kuwelyo nito at iniangat ito nang walang kahirap-hirap."A-Anthony, baka mamatay naman 'yan," pigil niya."You better answer us, and you better not be quiet," banta ni Anthony sa lalake at hindi pinakinggan si Thyra.Napaubo ang lalake at duguan ang noo nitong tumingin kay Anthony. Nakasuot ito ng facemask na itim.Humakbang naman palapit si Thyra at mabilis na hinablot ang facemask nito.Kumpirmadong ang boyfriend nga iyon ni Bettina."Nahuli ka rin namin," kunot-noong sambit ni Thyra.Napangisi naman ito kahit halatang nasasaktan sa posisyon niya.Napada*ng
"What? Why are you so shocked? Akala ko ba ay alam mo na?" Nakangising tanong ni Bettina.Mas lalong nakaramdam ng kaba si Thyra nang makitang may baril sa tabi nito.Siguradong mamamatay siya kapag may masabi siyang masama dahil wala siyang kalaban-laban."A-Ano'ng kailangan mo sa akin? Gagawin mo rin ba sa akin ang ginawa mo kay Felip?" Tanong niya saka ito sinamaan ng tingin.Natawa naman si Bettina."What I want to happen is simple, Thyra. I just need your cooperation."Napalunok siya sa narinig at hindi makapagsalita.Sumeryoso si Bettina at umayos ng upo."Get out of here and get your whole family away. Nasira lang naman ang mga plano ko noong ipinakilala mo ang bastarda mong anak. I'm ready to buy your business, as long as you're gone. At huwag na huwag ka nang magpapakita kay Brett at kina Dad.""A-At kung hindi ako papayag—""Something bad will happen to you, and your family, especially to Thrina," pamumutol nito sa sasabihin niya.Napaawang ang bibig ni Thyra at sumikip ang
"N-Nasaan siya? Where's Brett?" Natatarantang tanong ni Thyra kay Anthony nang makasalubong niya ito sa hallway ng hospital. Pinipigilan niyang pumatak ang kaniyang luha."He's inside. Kasama niya sina Tita, Tito, Thrina and Tito Thyrone. He is still conscious, but he says he feels dizzy. Nauntog kasi siya," turo ni Anthony sa isang room doon.Napakagat-labi siya saka nagmadaling pumasok sa loob.Naabutan niyang umiiyak si Thrina habang hinahaplos ni Brett ang ulo nito.Umagos ang luha sa kaniyang mga pisngi nang makita niyang may mga gasgas sa katawan nito.Malapit nang maghilom ang sugat sa kaniyang tagiliran, ngunit nadagdagan na naman iyon."B-Brett," namamaos na sambit ni Thyra.Napatingin ito sa kaniya at matamlay na ngumiti."No. Don't cry. I told you, hindi ako basta-basta mamamatay," pabirong sabi nito.Patakbong lumapit si Thyra at niyakap si Brett. Nakatingin naman sa kanilang dalawa si Thrina at tumahan ito sa pag-iyak."Stop crying, love," mahinang saad ni Brett saka pinu