Nanggigigil si Diane sa kaniyang kuwarto. Katok nang katok ang kaniyang parents subalit hindi niya ito pinagbubuksan.
“Diane. Ano ba ang problema mo anak? Kanina ka pa nagmumukmok diyan!" anang kaniyang ina.
"Just leave me alone Mom!" sigaw niya habang umiiyak pa rin. Hindi niya matanggap na tinalikuran siya ng binata nang gabeng iyon. Ni walang bakas na ginalaw siya nito kaya sobrang sama ng loob niya. Hindi ba siya kaakit akit para rito?
"Come out and lets talk," muling panunuyo ng kaniyang ina. Pero hindi siya sinagot ng dalaga. Hanggang sa daddy na niya mismo ang tumawag sa kaniya
"Come here honey. We will do everything for you. Just come out," ang Daddy niya ang nagsalita.
Nang marinig iyon ng dalaga ay mabilis siyang lumapit sa pintuan.
"Really Daddy?" paniniguro ni Diane.
"Oo, just come out."
Kaya naman napalabas ang dalaga. Awang awa sila sa kanilang anak nang makitang namumugto ang kaniyang mga mata. Kinausap nila ito ng masinsinan.
"Ano ang nangyari at bakit nagkakaganyan k