
RESCUED BY A MAFIA LEADER
CASSY ALONTO, isang ulilang dalaga na nagmula sa bahay ampunan ang mapipilitang magtrabaho sa isang drug assossiation matapos siyang malinlang na bibigyan siya ng maayos na trabaho. Hindi siya makakatanggi sapagkat, buhay niya ang kapalit.
Magiging tagahatid siya ng droga. At dahil sa angking ganda nito’y mapapansin siya ng kanilang druglord. Kaya naman, plano niya itong gawing babae. Na siya namang, hinding hindi masisikmura ni Cassy.
Ayaw niyang maging parausan ng may edad na lalaki. Lalo pa at, nasa labing pitong taong gulang pa siya.
Dahil sa nalamang plano ng kaniyang amo’y magbabalak siyang tumakas. Mas gugustuhin pa nitong mamatay kaysa maging parausan lang.
Sa kaniyang pagtakas ay hahabulin siya ng mga tauhan ni Don Alfonso. At dahil makapangyarihan nga ito’y mahihirapan siyang magtago rito.
Kalaunan nga’y mahahanap rin siya ng mga tauhan nito. Ang inaakala niyang, tuluyan siyang mabibihag nang sapilitan siyang hatakin sa van ay siya namang dating ng isang itim na sasakyan.
Kung saan, iluluwa nun ang di pamilyar na mukha ng lalaki. Bago pa siya tuluyang mawalan ng malay, ay makikitang, pinagpapatay ng estrangherong lalaki ang kikidnap sa kaniya.
Paano kung, ang inakala niyang nakatakas siya sa sindikato ay siyang mas lalong pagmulat niya. Lalo pa at, ang lalaking nagligtas sa kaniya'y isa palang Mafia Leader.
Gagawin rin ba siyang tauhan nito, o palalayain? Ano ang dahilan nito para iligtas siya sa mga taong kagaya rin naman niyang druglord.
Abangang ang kuwentong pag-ibig ni Cassy at Kaizer sa Rescued By A Mafia Leader.
Read
Chapter: Chapter 34"Ahhh ehhh, tungkol naman kay Kuya, actually may umampon sa kaniya. Sanggol pa lang siya, kinuha na siya ng ninang niya. Tapos ayon , mabuti nalang hindi nilihim ng umampon sa kaniya na may pamilya siya sa Tagum. Nang malaman niya na namatay ang magulang ko, hinanap niya ako. Kaso, ang tagal bago kami nagkatagpo. Pinasama na naman ako ng kapitbahay namin papunta sa Maynila para raw manilbihan sa simbahan. Naniwala ako kasi simbahan ang sinabi niya. Yun nga lang, binenta ako sa mga nagbebenta ng droga. At yun ang mga nagbabanta sa akin ngayon."Sinulyapan ni Cassy si Layla. Humahagulhol na pala ito at halos maubos na ang tissue na nasa tabi niya. "Hindi ako makapaniwala na na-survive mong lahat yun. Kung ako yun, baka matagal na akong namatay.""Kaya ikaw, huwag kang basta basta maniwala. Magpasalamat ka nalang kasi may protective kang Kuya.""Sige Ate Cassy, pakikinggan kita. Madali kasi akong magtiwala sa isang tao. Tingin ko kasi sa kanilang lahat, kahit may nakatagong masama sa k
Last Updated: 2025-11-11
Chapter: Chapter 33HABANG tinuturuan ni Cassy si Layla na lumangoy, palihim siyang sumusulyap kay Keizer na noo'y kausap si Ronald. Nakatayo lang sila sa glass wall at parehong seryuso g nag-uusap."Ano kaya ang pinag-uusapan nila?" sa isip ni Cassy. "Ganito ba Ate Cassy?" tawag ni Layla. Kaya nawala ang pag-iisip ni Cassy tungkol kay Keizer. "Oo ganyan nga. Kapag kasi malalim, mas mabuti. Pagaanin mo ang sarili mo at dapat kalma ka lang. Kailangan makontrol mo ang balanse mo. Subukan mong magpalutang lutang at huwag kang matakot malunod. Nandito lang ako.""Oo nga, heto, medyo gumagaan ang katawan ko," natutuwang saasd ni Layla na para bang nae-enjoy na nito ang paglangoy."Good, good. Ayan nakukuha muna. Ngayon, kailangan mong makatawid sa kabilang side. Susundan kita.""Okey..." Nagsimula na ngang lumangoy si Layla sa kabilang side ng pool at di na nito gamit ang salbabeda. Nakatutok lang si Cassy upang si madisgraya si Layla nang walang anu-ano'y —"First time magpaturo ng kapatid ko. Thanks," an
Last Updated: 2025-11-10
Chapter: Chapter 32**KEIZER's POV** PINANOOD ko lang si Cassy at si Layla na noon ay nasa pool. Iba ang saya ng kapatid ko. Nagkukwento siya na para bang, matagal na silang magkakilala ni Cassy. Natural na siguro sa kapatid ko na magtalambuhay sa mga taong komportable siya. Si Cassy naman, nakangiti. Yung ngiti na kapag kinausap mo siya, gagaan ang pakiramdam. Isa pa, yun yung mga ngiti na gusto kong masulyapan sa kaniya. Hinigop ko ang kape ko habang nakatutok sa kanila. Katabi ko si Ronald na ginagaya rin ako. Nakahawak ng kape at pinapanood ang dalawa. Pero mas okey na yun kaysa makahalata pa siya. "Sir, simula nang dumating si Cassy, parang napapansin ko na ingat na ingat ka sa kaniya. Your risking your life just for her lalo na noong kidnappin siya ni Don Alfonso." Kamuntikan ko ng maibuga ang kape ko nang marinig ko iyon kay Arnold. Kakaisip ko lang na hindi siya mag-iisip ng kakaiba pero nakakapansin rin pala siya. "Hindi naman. Simula kasi ng dalhin ko siya sa bahay, naging masayahin ni
Last Updated: 2025-11-09
Chapter: Chapter 31HINDI gumising ng maaga si Cassy. Kasi hindi naman darating si Keizer. Nalungkot siya kahit papaano, kasi inaasahan pa naman niya na darating ito. Maging ang kaniyang mga trainor ay di rin matutuloy, ayun yun kay Ronald. Idagdag pa na, hindi pa ito tumawag sa kaniya noong isang gabe. Naiintidihan naman niya iyon, kasi baka may katransaction siya. Bilang isang Mafia Leader, kailangan naka secured lahat ng transaction niya upang di pumaltos. Para siyang na-drain na battery nang umagang iyon. Walang kagana-gana at walang kabuhay. Nakahilata lang siya sa kama habang nagmumuni-muni. May kumatok sa kaniyang pintuan. Alam niyang si Ronald iyon. Ipapaalam na naman sa kaniya na kakain na. "Lalabas din ako maya-maya," aniya sa kumakatok. "Ma'am, mainit pa po ang agahan kaya bumangon na po kayo." "Ayos lang. Iinitin ko nalang sa microwave." "Pero Ma'am, kailangan niyo na pong mag-agahan. Tumawag po kasi si Sir Keizer." "Tumawag siya?" tanong niya na para bang gusto niyang makasiguro kun
Last Updated: 2025-11-08
Chapter: Chapter 30 **KEIZER's POV**Pinalagitik ko ang aking leeg, matapos manggulo ang babaeng yun. Hindi ko alam kung anak ba talaga yun ng mayaman dahil parang hindi nag-aral. Ilang beses ng napahiya pero patuloy pa rin siyang gumagawa ng kaniyang kahihiyan.Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Layla. Nakangiti ito at alam kong may hihingin na naman 'tong pabor. May pahalik at yakap pa sa akin. Ganito naman lagi e. Nagtatampo ng malala pero agad rin nakikipag-bati."May kailangan ka na naman nuh?" sabi ko sa kaniya. Malawak syang ngumiti sa akin dahil nahalata ko siya."Kuya,puwede bang dalhin ko dito si Agnes?"My brows frown when I heard that. Akala niya ata, wala akong alam sa pagkatao ng kaibigan niyang iyon. "Nope."Mabilis nag-iba ang kaniyang timpla. From sweet and clingy temper to pouty childish irap girl ang atake. Yung tipong gusto niya akong sumbatan at hindi nga ako nagkamali. "Eh bakit si Ate Cassy, puwede rito? Allergy ka ba Kuya kay Agnes?" "Hindi lang allergy, magkakabu
Last Updated: 2025-11-07
Chapter: Chapter 29HINDI maiwasan ma-excite ni Cassy sa tuwing tumatawag si Keizer. Halos araw-araw apat na beses itong tumawag. Daig pa ang mag-jowa na hindi matiis ang isa't isa. Pero sempre, ayaw magpahalata ng dalaga na hinihintay niya ang tawag mula sa telepono si Keizer. "Nakapagtanghalian ka na ba?" tanong ni Keizer sa telepono habang nakaharap sa kaniyang laptop. "Oo. Hinatiran nila ako kanina ng fastfood,. Baka nga tumaba na nga ako rito. Namimiss ko ng mag-training.," kaswal na sagot ni Cassy. "…is that so, magpapadala ako ng trainor dyan. You supposedly rest." "Pagod na pong mag-rest. Gusto ko pang matutong lumaban para maisalang na ako sa mga kombate." Nakagat ni Keizer ang labi. Kahit kagagaling lang kasi ni Cassy sa trauma, ang gusto pa rin nito ang iniisip. Tinatrato na nga siyang disney princess pero iba pa rin ang hanap. "Okey, maghintay ka lang dyan bukas. At mag-relax ka na rin." "Ahhh ano—" "What?" curious na tanong ni Keizer sa naputol sanang itatanong ng dalaga.
Last Updated: 2025-11-06
Chapter: CHAPTER 47 - THE FINALEMay lumabas na lalaki sa pintuan katabi ng screen. Dala nito ang dalawang mikropono. Ibinigay nito sa dalawa.“Ang mauuna, ay si Mr. Baigon!” sabi ng nakamaskara na di nauubusan ng kasiglahan.Napulunok naman ang matanda matapos marinig ang sinabi nung unggoy. Nag static muli ang screen at muling nagsalita ang unggoy.“Unang katanungan! Sino ang lalaki sa screen at ano ang papel niya sa mga plano mo?” Sa pagkakataong yun ay seryuso na ang unggoy base sa boses nito. Lumiwanag ang screen at nakita ang nakatiwarik na lalaki na tadtad ng bala ng baril. Napaluha si Samantha ng makita kung sino ang lalaki. Nag-init ang pakiramdam ni Mr. Baigon na tila nahintakutan sa kinahinatnanan ng kaniyang tauhan.“Your answer is the tittle, and your explanation will be your lyrics. And by the way, ang song na dapat mong isa tinig dito ay ang SAD TO BELONG. O diba, bongga?” Akma sanang magsasalita si Mr. Baigon ng atakehin siya sa puso. Di kinaya ang init na nagdudulot ng pag-epekto ng kaniyang hig
Last Updated: 2024-02-27
Chapter: CHAPTER 46“So the player is complete. Howʼs the day to the both of you,” sabi ng isang boses na sinabayan ng halakhak.Nagmumula ito sa isang monitor na hindi nila makita. Galit na galit si Mr. Baigon.“Sino ka! Hayop ka. Bakit andito kami! Pakawalan mo kami ” sigaw niya sa nagsasalita ngunit muli itong humalkhak na wariʼy iniinsulto siya.“Easy easy.... Maglalaro lang naman tayo okay? Isa pa, paniguradong masasagot ninyo ang mga katanungan dahil base lang naman ito sa inyong buhay,” sabi ng boses.Napaiyak ang babae dahil pakiramdam niya ay papatayin sila.“Anong laro! Lumabas ka hay*p ka! Hʼwag kang magtago duwag!” sagot ni Mr. Baigon.“Okay, bibigyan ko kayo ng sample kung ayaw niyo akong pagbigyan.”Dahil sa pagmamatigas ni Mr. Baigon ay automatic na nabuksan ang pintuan. Nabigla ang dalawa dahil sobrang dilim pala ng labas.Hindi nila alam kung lalabas sila o hindi gayung wala silang dalang flashlight o kung anu man na pwede nilang gamitin pang-ilaw“Hon! Tingnan mo! May apat na matang nag
Last Updated: 2024-02-27
Chapter: CHAPTER 45PAGKATAPOS makapagplano ang tatlo ay nagsama na sa isang kuwarto si Frank at Iresh. Natulog muna ang kanilang chikiting sa Tita Antonia niya. Nakapag-usap na rin si Frank at Lola nito at pati sʼya ay gulat na gulat sa lahat ng nangyari.“Franklin is 5 years old now,” sabi ni Frank na nooʼy ka gagaling lang sa CR.“Yeah. Ang bilis nga niyang lumaki.”“Kaya dapat masundan na natin sʼya.”Muntik ng mabilaukan si Iresh mula sa iniinom niyang gatas dahil sa sinabi ni Frank. Parang nagbalik lahat ng hiya niya noong unang may mangyari sa kanila.“Pagod tayo sa dami nang rebelasyon na nangyari ngayong araw kaya dapat magpahinga na tayo,” pangangatwiran ni Iresh na umayos na ng higa at kinumutan ang sarili.“Para ka namang ewan. Its like our honeymoon after being aparted for 5 years,” reklamo ni Frank na lumapit sa nobya at mahinahong hinihila ang kumot.“Matulog ka na pwede ba?”“I forgot about what happen to us. Di ko nakita expression mo noong mga panahong pinag-iisa tayo,” pilyong nakangi
Last Updated: 2024-02-27
Chapter: CHAPTER 44NANG matapos mag moment ang mag-ama ay nag-usap nang masinsinan si Iresh at Frank.“Bibigyan kita ng pagkakataon na sabihin lahat sa akin,” panimula ni Iresh.“Noong mga panahon na itinatanggi ko ang anak natin ay panahon kung kailan nagkaroon ako ng amnesia.”“Amnesia? Kung kailan may nangyari sa atin?”gulat na sabi ni Iresh na halatang hindi naniniwala.“I know its very impossible to believe that but Dr. Santos will prove that. Noong pumunta tayo sa factory at pinalabas kita ay kumuha ako ng gamot for headache mula sa kaniya. And unfortunately, iba ang nakuha ko. Noong panahon na ininom ko yun ay panahon kung kailan ako nag birthday dahil boung magdamag nga kaya sumakit ang ulo ko. Half day ang nawala sa alaala ko.”He give the phone to Iresh na nooʼy naka dial na ang numero ng naturang doctor.Nagkausap nga sila ni Iresh and she found out na totoo ang sinasabi ni Frank.“How about Samantha? Paʼno ko malalaman na totoo nga ang sinasabi mo na hindi mo kinuntyaba ang doctor?”“That ni
Last Updated: 2024-02-27
Chapter: CHAPTER 43LUMAPIT si Frank kina Jacob at Tayler. Hindi mapaniwalaan ni Samantha na buhay pa pala si Frank. Namutla na siya at pinagpapawisan. For sure, isusumbong sʼya nito sa mga pulis.Parehas sila ni Mr. Baigon. Kung gaano kaganda ang ngiti nila noong simula, ganoon din napalitan ng takot ang kanilang nadarama.Ang mga taong halos nawala ng limang taon ay nagbalik na. Kinuha ni Frank ang microphone mula sa announcer. Ngunit, bago pa ito makapagsalita, ay may matandang umakyat sa entablado at niyakap sʼya.“APO KO! NAGBALIK KA NA NGA! ANG TAGAL TAGAL KA NAMING PINAGHAHANAP!!” hagulhol na sabi ng lola ni Frank.Niyakap siya pabalik ni Frank. Miss na miss na rin kasi nito ang lola niya. Bumulong ito sa matanda.“Lets talk later. I will explain everything to you grandma.”Ngumiti ang matanda na maluha luha pa. Tumango ito saka bumaba. Nagtama ang mga mata ni Tayler at Frank. Nagtanguan at nagngitian silang dalawa bilang pagbati.“Iʼm sorry for being missing for how many years. Something happen t
Last Updated: 2024-02-27
Chapter: CHAPTER 42PAGDATING ni Iresh sa mansyon ay agad siyang nagpahinga. Nakatingin siya sa kisame at nilingon ang anak na nooʼy mahimbing na natutulog. Napangiti siya dahil kamukhang kamukha ito ng ama niya.“Son, Iʼm sorry for lying. I hope, your dad is still alive,” saad nito sa anak kahit hindi nito naririnig.Pumatak ang mga luha niya. The whole five years kasi ay sinisi niya ang lalaki. Nagpapakasaya sa babaeng inakala niya ay sila pa. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay ang isiping pagtanggi nito sa anak nila.Naguguluhan siya subalit sa dami ng yaman niya ay hindi niya makuha ang sagot. Hindi mabibili ang katotohanan bagkus, kinakailangan pa nito ang matinding pananaliksik upang makamtan ang kasagutan.***“We are now arrive Sir,” sabi ng Personal Assistant ng binata mula sa airport. Hindi na nito pinansin ang P. A niya at nagtuloy tuloy si Frank sa labas papunta sa sasakyan. Wala siyang driver at hindi na rin ito nagpahatid.Sa kaniyang pagmamaneho ay di niya mapigilan ang hindi mapakali.
Last Updated: 2024-02-27