RESCUED BY A MAFIA LEADER

RESCUED BY A MAFIA LEADER

last updateLast Updated : 2024-06-02
By:  AzuusOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
9Chapters
464views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

CASSY ALONTO, isang ulilang dalaga na nagmula sa bahay ampunan ang mapipilitang magtrabaho sa isang drug assossiation matapos siyang malinlang na bibigyan siya ng maayos na trabaho. Hindi siya makakatanggi sapagkat, buhay niya ang kapalit. Magiging tagahatid siya ng droga. At dahil sa angking ganda nito’y mapapansin siya ng kanilang druglord. Kaya naman, plano niya itong gawing babae. Na siya namang, hinding hindi masisikmura ni Cassy. Ayaw niyang maging parausan ng may edad na lalaki. Lalo pa at, nasa labing pitong taong gulang pa siya. Dahil sa nalamang plano ng kaniyang amo’y magbabalak siyang tumakas. Mas gugustuhin pa nitong mamatay kaysa maging parausan lang. Sa kaniyang pagtakas ay hahabulin siya ng mga tauhan ni Don Alfonso. At dahil makapangyarihan nga ito’y mahihirapan siyang magtago rito. Kalaunan nga’y mahahanap rin siya ng mga tauhan nito. Ang inaakala niyang, tuluyan siyang mabibihag nang sapilitan siyang hatakin sa van ay siya namang dating ng isang itim na sasakyan. Kung saan, iluluwa nun ang di pamilyar na mukha ng lalaki. Bago pa siya tuluyang mawalan ng malay, ay makikitang, pinagpapatay ng estrangherong lalaki ang kikidnap sa kaniya. Paano kung, ang inakala niyang nakatakas siya sa sindikato ay siyang mas lalong pagmulat niya. Lalo pa at, ang lalaking nagligtas sa kaniya'y isa palang Mafia Leader. Gagawin rin ba siyang tauhan nito, o palalayain? Ano ang dahilan nito para iligtas siya sa mga taong kagaya rin naman niyang druglord. Abangang ang kuwentong pag-ibig ni Cassy at Kaizer sa Rescued By A Mafia Leader.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

LAGATAK ang pawis ni Cassy habang dahan dahang pumupuslit mula sa CR ng gasolinahan. Nanginginig siya na baka makita siya ng driver na naghihintay sa kaniya.

Kapag nahuli siya nito’y siguradong katakot takot na parusa ang ipapataw sa kaniya ni Don Alfonso, ang kanilang drug lord. Mabuti sana kung one shot lang sa ulo o isang bala lang kung papatayin man siya.

Kaso hindi.

Sa kagaya nilang alipin ng mga nagtutulak ng droga, ay isang nakakatakot at karimarim ang mararanasan nila bago sila malagutan ng hininga.

Iyon ay kung magkamali sila.

Andoon yung lalatiguhin sa boung katawan hanggang sa mamatay ito, lalaslasan dahan dahan sa boung katawan, hindi pakakainin at ikukulong sa napakadilim na lugar, papasukan ng mahabang bakal ang ari at kung anu-ano pa na hindi papangarapin ninuman na mangyari yun sa kanila.

"Diyos ko, ikaw na po ang bahala sa akin," anang dalaga sa itaas.

Aminado siyang hindi siya pala dasal. Ngunit sa pagkakataong iyon, ay alam niyang ang diyos lang ang makakatulong sa kaniya.

Halos, di mawalay ang paningin ng dalaga sa itim na sasakyan na nakapark. Kita niya ang driver na kumakain ng burger at umiinom ng coke.

Nang lumingon ito sa CR ay mabilis na napayuko ang dalaga sa isa sa mga sasakyan. Nanginginig na siya nang makitang bumaba ang driver.

Akala niya'y titingnan siya nito sa CR, subalit dumeretso ito sa palikuran ng mga lalaki.

Medyo nakahinga siya nang maluwag. Nakampante ata sila at nakuha niya ang kanilang tiwala, kaya hindi na siya masyadong hinihigpitan.

Lalo na ngayon, na driver lang ang kasama niya. Di kagaya noon na talagang may guards pa. Para mabantayan siya sa kaniyang transaction sa mga kliyente. Ngayon ay tiwala na sila sa kaniya kaya naman, binawasan ang nagbabantay sa kaniya.

Bago pa tuluyan makalabas ang driver, ay nagmadali na siyang naghanap ng masasakyan. Hindi niya dinala ang kaniyang wallet. Pati ang cellphone na ginagamit lang sa kaniyang trabaho. Iniwan ni Cassy lahat iyon sa sasakyan. Upang bawas na rin sa hinala ng driver.

Sumakay siya sa dyip at tanging pamasahe lang ang ipinuslit niya. Nakatanaw lang siya sa sasakyan nila hanggang makita niya ang driver na tila ba nagtatanong sa isang gasoline boy.

Subalit huli na, dahil nakalayo na siya.

Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin nawala ang kaniyang panginginig.

"Miss, okay ka lang?" tanong ng dalagang naka-uniform.

Ngunit hindi kaagad ito nakasagot. Mas naiisip niya ang mga susunod na mangyayari lalo na kung mahuhuli siya ng mga tauhan ni Don Alfonso.

"Para po kayong nanginginig tapos ang putla pa po ninyo," anang dalaga. Pagkatapos ay binigyan niya ito ng mineral ng tubig.

Tinitigan iyon ni Cassy. Pagkatapos ay dumako ang mga mata niya sa magandang dalaga. Mukhang anak mayaman ito. Bukod sa napakaganda nito’y napakabait pa nito.

Kalaunan ay kinuha rin niya ang tubig na iniabot nito sa kaniya.

"S-Salamat," tanging nasabi ni Cassy.

Hindi na muling nagtanong ang dalaga at nginitian niya ito ng sobrang tamis. Isang tipid na ngiti ang itinugon ni Cassy sa kaniya. Kahit papaano'y nabawasan ang kaniyang panginginig at medyo nalimutan ang kaniyang realidad.

Panandalian niyang nasulyapan ang ID ng dalaga. At nabasa ang pangalan nito.

‘Layla Falcon,’ sambit nito sa kaniyang isipan.

Naunang nakababa ang babae.

"Mag-iingat ka po ate," paalam nung Layla.

"Ikaw din," ganting sagot ni Cassy. Ni hindi niya naipakilala ang sarili.

Pero siguro'y mas okay na ‘yun. Hindi siya puwedeng ma-attach sa kung sino man. Dahil paniguradong mapapahamak lang ito.

Bumaba siya sa may malapit sa MOA. Palinga linga pa siya habang kumakabog ang kaniyang puso. Naisip niyang lumayo sa syudad dahil madali siyang matutunton doon.

Kaya naman sumakay siya ng bus pa-Bulacan. Wala siyang alam sa lugar na iyon. Ngunit, naisip niyang kahit papaano'y malayo iyon.

Saka nalang siya mag-iisip ng plano kapag nakapagtago na siya. Sa ngayon, kailangan muna niyang makalayo.

SAMANTALA, halos magngalit na naman si Kaizer nang mapag-alaman sa guards na nawawala na naman ang kaniyang kapatid.

"Mg hangal kayo! Anong silbi ninyo at natakasan lang kayo ng isang teenager. Buti sana kung di kayo tatlo na hi-nire ko para bantayan siya. Nasaan ang utak ninyo?!" bulyaw niya sa mga guards ng kaniyang kapatid na dalaga.

Walang maisagot ang tatlong guards dahil totoo nga naman. Naisahan sila ng dalaga.

Paano ba kasi, after class nilibre sila ng dalaga ng snack. Dahil maamo at mabait ito’y tinanggap nila iyon. Habang kumakain sila’y di nila inaasahan na natakasan na pala sila nito.

"So ano pa ang tinutunga tunganga ninyo!?" nanlalaki ang mga mata ni Kaizer habang masamang nakatingin sa mga guards na nakatanga lang.

"S-Sorry Sir,” sabay-sabay nilang sabi.

Mabilis nilang nilisan ang mansion upang hanapin ang alaga. Di sila magkandaugaga sa paglabas dahil na rin sa takot sa amo.

Mabilis naman tinrace ni Kaizer ang cellphone ng kapatid. At doon, napag-alaman niyang papunta ito sa squater area. Napakuyom siya ng kamay.

Sa sobrang bait nito’y lahat nalang ginagawa niya para makatulong. Not knowing na puwede niyang ikapahamak iyon. Di rin naman niya ma-explain rito kung gaano kadelikado na nagpapagala gala ito.

Lalo pa at wala itong alam sa kaniyang trabaho bilang isang Mafia. Kung sasabihin naman niya kasi na baka abusuhin siya o di kaya’y kidnappin siya dahil sa anak ito ng mayaman, ay kokontrahin lang niya iyon.

Mag-aalibi na naman ito na di siya magpapahalatang mayaman.

Sumasakit ang ulo niya sa kapatid. Manang mana ito sa yumao niyang ina. Masyadong matulungin kaya ito napahamak nang tulungan niya ang isang buntis na binubugbog ng asawa. Sa isa ring baranggay na kaniyang binibigyan ng tulong.

Ayaw niyang maulit iyon.

Kaya wala siyang pakialam kahit masakal ang kapatid nito. Magiging strikto siya para lang maprotektahan ito.

Lalo na at mainit ang pangalan niya sa Mafia Association. Siya kasi ang nangunguna pagdating sa pakikipag negotiate sa ibang mga drug lord sa ibang bansa.

Kaya naman nakakasiguro siyang, pinag-aaralan na ng mga kalaban ang kaniyang buhay at naghahanap ng maaaring gamitin upang ilaban sa kaniya ng kaniyang mga kalaban.

"Tsk, damn sister. Kulong ka talaga sa akin pag nakauwi ka," aniya.

Di niya maasahan ang mga guards kaya siya nalang aalis. Ang mahalaga, alam niya kung nasaan ito.

—TO BE CONTINUE—

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
9 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status