Bella's POV
Nakangiti si Brent habang hawak ang cellphone, pero may bahagyang bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata. Nakaupo siya sa gilid ng kama at bagong paligo. Mukhang nagmamadali.
"Who's that?" tanong ko, kahit alam kong hindi na ako dapat magtanong.
“It’s Claudia,” sagot niya, iwas ang tingin. “She’s in the hospital. She said she needs someone to pick her up. Walang ibang pwedeng sumundo.”
Tumango ako, pinipilit ang sarili kong huwag mag-react. Pero may kung anong kumirot sa dibdib ko—‘yung parang kinukurot na hindi mo maipaliwanag kung bakit.
“She asked you?”
“I guess I’m the only one she can call,” sagot niya, at muling kinuha ang jacket niya.
“I see,” mahinang sabi ko.
“I won’t take long,” dagdag niya. “Promise.”
Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang siya habang inaayos ang buhok niya sa salamin. Ilang hakbang pa ay palabas na siya ng kwarto, at naiwan akong nakatayo lang roon.
Pero sa totoo lang, hindi ko mapigilan. Hindi ko kayang umupo lang dito at maghintay na bumalik