“ABOUT us...”
Hindi lang naging doble kundi triple ang kabang nararamdaman ni Keiko ng mga sandaling iyon habang nakatingin siya sa seryosong anyo ni Knives.
“A-Anong about us? M-May dapat ba tayong pag-usapan?” tanong ni Keiko na hindi mapigilan ang mautal.
“About the kiss—”
“Tsk! Excuse me?” inis na singit ni Olivia sa mga ito. “I want to finish my work in this disgusting place, so please? You can flirt with each other later, okay?”
“May fiancé na, nakikipaglandian pa rin,” bumubulong pang saad ni Olivia saka nauna nang maglakad at iniwan sila.
Hindi na lang pinansin pa ni Keiko ang patutsadang iyon ni Olivia, sa halip kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng suot niyang jeans at tumawag.
“Hello, Zayne?” saad ni Keiko sa kabilang linya.
“Yes, Ms. Keiko?” tugon naman ng tinig lalaki.
“Can you please welcome the girl wearing a short skirt and crop top? She's our volunteer this week. Teach her how to do things from cleaning the pig and chicken pens, to cleaning the bedrooms and bathro